Kabanata Thirteen

974 47 6
                                    


Blake's POV

Alas otso na ng gabi at kanina pa ako nag-aantay kay Yam dito sa labas ng building ng company nila Tyron. Mukhang pinapagod yata niya ang prinsesa ko dun ah ?  Tawagan ko nga siya . Wait , teka lang.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at agad kong tinawagan si Yam . Ngunit hindi niya iyon inaangat. Baka naka silent mode.

Sinubukan ko siyang tawagan sa land line at wala pang tatlong ring ay sinagot na niya iyon.

" Yes , hello sir ? What can i do for you ? "  pagsagot niya .

Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng saya nung marinig ko ang boses niya. Parang ang weird , pero bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kausap ko siya.

" Nandyan pa ba kayo , sir ? " muling tanong niya nung hindi ako nagsasalita.

" A-ah yes. Si Blake to , Yam. Hindi mo kasi sinasagot mga tawag ko sayo . Kaya dito nalang kita tinawagan. " paliwanag ko. 

" Blake ? " gulat na sabi niya.

" M-mahal to ah . " tukoy niya sa tawag sa land line. Regular load kasi gamit ko at mahal nga ang tawag sa land line. Pero okay lang.

" Mahal naman kita eh. " deretsong sabi ko na nagpatahimik kay Yam sa kabilang linya.

Alam kong masyado akong mabilis . Pero si Tyron ang kalaban ko eh. Alam ko na matatalo ako sa kanya kapag hindi ko sinabi agad . Kaya dapat maaga palang eh sinasabi ko na kay Yam ang nararamdaman ko para sa kanya.

" B-bakit ka napatawag ? " pag-iiba niya ng usapan.

" Kanina pa kita hinihintay dito sa baba. W-what time ba out mo ? " tanong ko .

" H-hindi ko alam. " sagot niya.

" Pinag-overtime ka ba ni Tyron ? Gusto mo puntahan kita dyan , tas kausapin ko siya para makauwi ka na. " sabi ko .

" H-huwag na . Okay lang . Parte to ng trabaho ko. " sagot niya.

Napangiti naman ako ng mapait parang gusto din naman niya.

" Parte ba talaga ng trabaho mo yan , Yam ? O gusto mo din talaga para mas matagal mo pa siyang makasama ? " tanong ko na may bahid ng selos sa tono ko .

" Sige Blake. Masyado ng mahaba tong pag-uusap natin. Huwag mo na din akong hintayin pa. Umuwi ka na . " sabi niya sabay baba ng telepono.

Ganito ba talaga ang magmahal ? Masakit ? O karma ko lang to kaya bumabalik lahat sa akin ngayon . Hindi pa rin ako susuko kay Yam. Gagawin ko ang lahat mabaling lang sa akin ang pagmamahal niya .

Matapos nun ay inayos ko ang itim kong sumbrero at sweatshirt saka pinaharurot ng mabilis ang sasakyan at tinungo ang bar .


-----------------------------


" Bakit kasi hindi mo nalang ulit hanapin yung babaeng naka one night stand mo ? Para malaman lahat ng sagot sa katanungan mo . " sabi ni Mike sa akin. Kasama ko siya bar ngayon at dating gawi. Inom habang may katabing chix. Pero ako distansya na talaga sa mga ganyang bagay simula nung nakilala ko si Yam.

" Panu ko siya hahanapin , eh hindi ko nga alam kung anong pangalan niya at kung saan siya nakatira diba ? " sagot ko.

Napabuntong hininga ako bago sumimsim ng alak sa bote.

Ni hindi ko na nga maalala kung anong itsura niya. Isa siya sa mga dahilan kung bat ako gago ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sa  kanya unang tumibok tong puso.  Tapos siya din pala ang unang papatay.

" Panu kung may naging anak kayo ? " tanong niya .

Nagkibit balikat lang ako saka tumungga ng alak habang nakatingin kay Mikel.

" I don't know. " malungkot na sabi ko .

Inuwi ko siya sa bahay kaya imposibleng hindi niya alam kung saan siya maghahabol . Kung sakali man na may anak nga kami o-- baka wala lang sa kanya yun dahil hindi na niya ako binalikan pa doon.


------------------

Tyron's POV

Napatingin ako sa table ni Yam nung napadaan ako sa opisina niya.

Seryoso siyang nakatuon sa pag t-type sa keyboard ng computer at napigil ang tangkang paghikab niya nang mapatingin siya sa gawi ko.  Umakto akong walang nakita at mabilis na lumayo doon.

Saka ako bumalik sa opisina ko at nagkulong dito ng ilang minuto. Nang hindi ako makatiis ay muli ko siyang binalikan at naabutan ko itong natutulog.

Dahan-dahan akong lumapit kay Yam at yumuko kung saan nakaharap ang kanyang mukha. Sandali ko munang pinagmasdan ang  mukha niya at hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mata niya . Matapos nun ay marahan kong hinaplos ang balat sa pisngi niya.

Napahinto ako nang magmulat siya ng mata at napatingin sa akin.

Tumagal din ng ilang minuto na nasa ganun kaming posisyon habang nakatitig sa isa't isa .

Bahagya akong napaatras nang inangat ni Yam ang mukha niya na nakasubsob sa mesa.

" I-im sorry. Nakatulog ako. " sabi niya bago inayos ang kanyang sarili at nagulong buhok.

" Okay lang . " nakangiting sabi ko saka pinisil ang baba niya at mabilis akong tumayo mula sa pagkakayuko.

Napayuko siya at inabala ang kanyang sarili sa ibang bagay. 

" Sa bahay mo na 'yan tapusin . " sabi ko saka inagaw ang ilang paperworks na hawak-hawak niya.

" Tara , kape muna tayo sa labas  . " pag-aaya ko pa saka naunang maglakad sa kanya habang bitbit ang mga paperworks .

Saglit akong napalingon sa gawi niya at nakita ko siya na tumayo at inayos ang mga nakakalat sa mesa bago kinuha ang bag niya at sumunod sa akin.

Hinintay ko munang makalapit siya sa akin bago ko binuksan ang elevator. Tapos sabay kaming pumasok sa loob at pinindot sa first floor.

Habang nasa harap ang mga tingin ko ay naramdaman kong napahalukipkip si Yam habang hinahaplos ang braso niya. Nilalamig siguro siya.

" Hawakan mo to. " biglang utos ko at hindi nagdalawang isip na hubarin ang jacket ko at sinuot to kay Yam.

"S-salamat. " mahina at nahihiyang sabi niya.

" You're welcome. "

Nang nasa baba na kami ay agad kaming lumabas sa building. Iniwan ko siya at naglakad papuntang paking area para kunin ang sasakyan ko . Matapos ay binalikan ko si Yam doon at hininto ang sasakyan sa harap niya saka binuksan ang pintuan ng hindi bumababa . Nang makasakay siya at maisabit ang seatbelt sa katawan niya ay agad akong lumiko ngm.   daan at naghanap ng coffee shop .


---------------

A/N : Alamin sa next chapter kung sinong babae ang naka one night stand ni Blake  . ^

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon