Tyron's POV
Nagdrive through nalang kami at nag-order ng dalawang cups ng kape , pagkaabot ng cashier ay agad ko ding inabot ang bayad ko , tapos binalingan ko ang katabi kong si Yam at binigay sa kanya ang isa .
" Thank you. " rinig kong sabi niya.
Nilapag ko ang kape sa harap ko bago muling pinatakbo ang sasakyan .
Habang nasa daan kami ay wala akong maisip na ma-itopic sa kanya kaya tinanong ko nalang kung kamusta na sila Jazmine at Diego . Sobrang close ko din sa dalawa noon at sila ang nagiging tulay namin ni Yam pag balak namin na magkita noon sa gabi. College days .
Sumipsip muna siya sa kape niya bago tumingin sa akin.
" Si Diego . A-ano , bakla parin. Pero may magandang trabaho , at nasa isang kompanya din siya dito sa Cavite. " sagot niya.
Tumango ako habang nasa harap ang mga paningin ko.
" Eh si Jazmine ? Single parin ba siya ? " tanong ko at saglit ko siyang tinapunan ng tingin ko bago muling tumingin sa daan at bumitaw saglit sa manibela para humigop ng kape .
" Bakit may balak ka bang ligawan siya ? " tanong niya at bakit pakiramdam ko nagseselos siya ?
" W-wala ah ! Gusto ko lang malaman para mai-reto ko siya sa mga kaibigan ko. " sagot ko .
Natawa naman siya sa sinabi ko.
" Sa kaibigan mo talaga ? Eh mukhang pare-pareho kayong babaero eh. " sabi nito na hindi ikinatuwa ng mga pandinig ko.
Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo.
" Sagutin mo nalang kaya ang tanong ko, Yam . " paglilihis ko at mukhang mapupunta nanaman sa akin ang usapan.
"Wala . " tipid na sagot niya.
" Wala siyang boyfriend simula nung nasaktan siya sa lalaking isang beses lang niya nakasama--- sa kama . " pababa ang tono nitong sabi.
" Y-you mean one night stand ? " deretsong tanong ko at muntikan na niyang maitapon ang kape sa bibig niya.
" C-change topic. Mukhang hindi tama na pag-usapan natin ang mga ganitong bagay lalo na't personal life 'yun ni Jaz. " sabi niya .
Tumango nalang ako at tumahimik nang bigla kong maalala ang kwento ni Blake sa amin.
H-hindi kaya --?
Umiling ako .
" Hindi naman siguro. Baka nagkataon lang , coincidence . " sa isip ko.
" Y-you okay ? May gumugulo ba sa isip mo ? " basag ni Yam sa katahimikan ko.
Ngumiti ako bago umiling sa kanya.
" W-wala. "
Tipid na tango nalang ang sinagot niya sa akin. Matapos nun ay naging tahimik na kami pareho sa loob , hanggang sa narating na namin ang bahay niya.
" S-salamat. " sabi niya habang tinatanggal ang seatbelt . Saka bumaba ng sasakyan , papasok na sana siya sa loob ng bahay niya nung may naiwan siya sa upuan at hinabol ko ito sa kanya.
" Thank you. " mahinang sabi niya bago kinuha ang papel sa akin.
" Y-you're welcome. " saka ako tumalikod at dahan-dahang hinakbang ang mga paa ko.
Nang muli akong humarap sa kanya at tinawag siya.
" Y-yes ? " sabi niya habang nakahawak sa seradura ng pintuan.
" G-good night . " nahihiya pang sabi ko.
Ngumiti siya sa akin.
" Good night . " sagot niya bago tuluyang pumasok sa loob .
-------------------
Blake's POV
Habang ako ay nakahiga sa kama biglang nag flash back sa akin ang nangyari nung gabing 'yun.
Habang ako ay naglalakad at sa hindi sinasadyang pangyayari ay may nabangga akong babae na medyo lasing na .
Napatingin siya sa akin pero mabilis din niya iyong binawi at nagmadaling lumayo sa kinatatayuan ko at naiwan akong nakasunod ang mga tingin ko sa kanya . Kaya nakita kong umupo siya dun sa may cashier area dito sa bar at mag-isa lang siya.
Matapos nun ay bumalik ako sa mga barkada ko at umupo bago tumungga ng alak nang muli akong napatingin sa gawi ng babae .
Makalipas ang ilang minuto ay nag-aya na sila Mikel at Tyron na uuwi na daw kami. Pero sabi ko mauna na sila at may pupuntahan pa ako at nagpa iwan dito sa bar.
Hanggang sa lumalalim na ang gabi at nandito parin siya nang mapansin ko na nakayuko siya ay nilapitan ko siya at ginising dahil magsasara narin ang bar.
Hinawakan ko siya sa balikat at niyugyog ng marahan . Ngunit wala itong epekto sa kanya kaya inulit-ulit ko hanggang sa magising siya.
Pagkagising niya ay kunot noo niya akong inaninag saka hinawi ang kamay ko at tinulak . Tapos tumayo siya at pasuray-suray na naglakad.
Hinabol ko siya at inalalayan saka dinala sa kotse ko . Nang makapasok siya sa loob ay tinulungan kong maikabit ang seatbelt sa katawan niya bago sinara ang pinto at umikot sa kabila.
Nung nasa daan na kami ay marahan kong tinapik tapik ang pisngi niya .
" M-miss. . . S-saan ka nakatira ? " tanong ko kaso hindi siya sumasagot sa akin kaya dinala ko nalang siya sa bahay , kahit na bawal.
Sinabi ko nalang sa mga maids na huwag nalang nilang sabihin kay Daddy.
Nung tapos ko na silang bilinin ay dinala ko na siya sa taas at pinasok sa kwarto ko .
Habang inaayos ko siya mula sa pagkakahiga ay gumalaw ito kaya bahagyang tumaas ang laylayan ng kanyang palda . Napalunok ako nang makita ko ang makinis at nakakaakit niyang hita . Ngunit pinigilan ko ang sarili ko .
Tumayo ako para kumutan sana siya pero iba ang nangyari.
Hinila niya ang kamay ko kaya natumba ako sa ibabaw niya at sa pagkakadikit ng aming mga katawan ay nagdulot ito ng init sa akin at dahil lasing din ako ay humihina din ang katawan at tuhod ko. Pati ang utak ko ay humihina sa pagkontrol , kaya hindi ko na napigilan ang utos nito sa akin .
Napaangat ang tingin ko sa may labi niya . Hanggang sa unti-unti kong dinampi ang labi ko doon . Akala ko ay tulog na siya pero nagulat ako nung tumugon siya sa halik ko .
Hanggang sa tuluyan na nga akong nawala sa sarili ko at tuluyan ko na siyang naangkin.
Paggising ko ay umaga na. Bumangon agad ako at saglit na nagtungo sa banyo para maligo at pagbalik ko ay wala na siya . Iniwan niya ako ng hindi nagpapaalam, na parang walang nangyari sa amin at ang tanging naiwan nalang niyang ala-ala ay ang itim nitong pantali sa buhok.
Sising sisi ako noon lalo na nung may naiwan siyang pulang marka sa bedsheets ng kama ko.
----------------
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romansa" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog