Kabanata Thirty-four

787 41 1
                                    


Yam's POV

Ako ang nagluto ng almusal namin ni Tyron. Naligo na rin ako bago kami umalis ng bahay niya. Magpapalit na lang ako ng pang office attire sa bahay.

Saktong alas siete nang makarating kami. Pagkatigil ng sasakyan ay agad akong bumaba at hindi na pinababa pa ng sasakyan si Tyron. Imbes na magpalit lang damit, matagalan pa. Lalambingin lang ako ni Tyron sa kwarto at baka dahil doon, ay hindi nanaman kami ulit makapasok sa trabaho.

Napangisi ako ng mapasulyap sa relos ko.

Male-late pa yata kami.

Matapos kong makontento sa ayos ko ay dinampot ko ang bag sa kama at nagmadaling bumaba. Nilock ko muna ang front door bago tumungo sa nakaparadang sasakyan ni Tyron.

Naabutan ko siyang nakatayo at nakasandal sa sasakyan ng naka cross ang mga paa at pasulyap-sulyap sa kaniyang relos.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at sinalubong ko 'yon.

" Bat antagal mo? "tanong niya nang makalapit ako saka umayos ng tayo at pinagbuksan ako.

" Namiss kita agad eh. "nakasimangot niyang sabi nang pasakay na ako.

Namiss agad? Wala pa ngang isang oras na naghihiwalay kami. Saka nasa taas lang naman ako at nandito siya sa baba at hindi naman kami nagkalayo.

" Psst! Ang ganda mo."sabi nito nang mapansing nakasimangot ako.

Ngumisi ako habang nasa daan ang tingin at traffic nanaman.

Bumabawi ka lang. Kasi napansin mong pinapanood kita habang sinusundan ng tingin 'yung babaeng tumuwid na nakashorts at naka spaghetti. Kita pa ang pusod niya!

" Nasexy-han ka ba sa kaniya? Hot ba siya? " tanong ko na may bahid ng selos sa tono ko.

" Bagay kayo. "sabi ko pa bago tumingin at binigyan siya ng pekeng ngiti.

" Gusto mo sa kaniya ka na lang? Baba na ako. Hanapin mo na siya tapos pasakayin mo siya dito. Kawawa naman baka walang masakyan. "inis pang sabi ko bago umayos ng upo.

Akmang tatanggalin ko na ang seatbelt nang yakapin niya ako.

" Nadi-distract ka na pala sa ibang babae huh! " sabi ko habang nakayakap siya sa akin.

Nagpupumiglas ako ngunit mas malakas si Tyron sa akin kaya kinagat ko ang balikat niya.

Napabitaw siya ng yakap sa akin at hinimas-himas ang balikat ng nakalukot ang mukha.

" S-sorry na kasi. Huwag ka nang magselos. " ayusin mong magpaliwanag, kundi mas grabe pa sa kagat ang gagawin ko.

" Kahit sino namang lalaki mapapatingin sa kaniya. A-ang iksi ba naman ng shorts tapos parang pato pa kung maglakad. "paliwanag niya na hindi ikinatuwa ng mga pandinig ko.

" Ah! So, inaamin mo na isa ka sa mga lalaking 'yun? "taas kilay kong tanong.

" Sorry na po, babe. I was just distracted by other women but I was just attracted to you." nag-iwas ako ng tingin at binaling sa labas ng bintana at napangiti ng bahagya.

" Promise. Hindi na ako ulit titingin pa sa ibang babae, sayo lang." sabi niya at nagtaas pa siya ng kanang kamay niya.

Inirapan ko siya at nagkunwaring galit pa rin.

" D-dapat lang! " nakasimangot na sabi ko bago pinagcross ang mga bisig ko.

" I love you. " malambing nitong sabi bago humalik sa pisngi ko at nagsimula na ulit magmaneho.

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon