Yam's POV
Sa huli ay napapayag din ako ni Tyron. Kilala ko kasi siya, hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niyang marinig.
" Maligo ka na. " utos niya nang magsalubong kami sa baba ng hagdanan.
" Magpapalit lang ako ng damit ko sa taas. Tapos pagkaligo mo, magbihis ka na agad. Dadaan muna tayo sa bahay. " seryosong sabi niya habang nagt-type at umakyat sa taas.
Sinundan ko naman siya ng tingin.
Tama ba ang narinig ko na dadaan muna kami sa bahay niya? O baka binibiro lang ako ng mga pandinig ko at nabibingi lang ako?
" Baka naman hindi ka bababa ng sasakyan, Yam? " tanong ng isip ko.
Nagkibit balikat nalang ako at nagtungo na ng banyo para maligo.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagligo nang....
---------------------
Tyron's POV
Mabilis kong sinuot ang pantalon ko nang may marinig akong sigaw ng isang babae.
" T-tyron!!! " sigaw ni Yam mula sa baba.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, at baka nadulas siya.
" Tyron! " muling sigaw niya.
Lumabas ako ng silid at halos patakbong bumaba ng hagdanan at nagtungo sa pinanggagalingan ng boses ni Yam.
Bumungad sa akin si Yam na nakasilip sa maliit na awang ng pintuan sa banyo.
Lumapit ako dun para buksan sana ang pinto kaso tinulak niya 'yun pabalik at sinara.
" What? " salubong ang kilay at nag-aalalang tanong ko sa kanya habang nakahawak sa seradura at nakikiramdam sa loob.
" Paki-abot naman ng---" ang hina ng boses niya, hindi ko masiyadong marinig.
" Hindi kita masyadong maintindihan, Yam. Buksan mo kasi tong pintuan. " inis na sabi ko.
" Ano ba! Sabing buksan mo tong pintuan" sabi ko bago pinihit ko ang seradura at pilit na tinutulak.
" U-umalis ka muna dyan. " rinig kong utos niya sa loob.
" Sige. "
Umatras ako ng bahagya at lumayo sa harap ng banyo.
Gumalaw ang doorknob at bahagyang bumukas at muling sumilip si Yam sa awang ng pinto .
" Paki-abot ng towel ko. N-nasa taas. " nahihiyang sabi niya.
Anak ng---. Yun lang pala. Tss!
Umakyat ako sa taas at kinuha ang towel ni Yam.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit hindi niya ako pinagbuksan.
" Bubuksan mo ba to o sisirain ko? Lalamigin ka sa ginagawa mo eh! " galit na sabi ko at mabilis niyang pinihit ang seradura at uting-unting umawang ang pintuan.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romance" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog