Tyron's POV
Kanina ko pa hinahanap si Blake . Nawawala nanaman ang gago ! For sure naghahanap nanaman yun ng chix .
Nung nahagip siya ng mga mata ko ay agad ko siyang tinawag.
" Blake ! " pasigaw na sabi ko . Agad naman siyang lumingon sa akin . Tsaka naglakad at nung makalapit siya sa akin ay para siyang natalo sa loto.
" What happen to your face, bru ? Bakit hindi ba umubra ang technique mo sa kanya ?" pabirong sabi ko . Alam ko ang galawan ni Blake sa mga babae. Babanggain niya para makuha nito ang atensyon nila tapos kakausapin , then makikipagkilala siya at liligawan ng ilang minuto . Pero kadalasan sa mga nabibiktima niya ay mga easy to get na mga babae. Yung sa unang tingin palang ay madaling yayain sa kama.
In short pang kama lang !
Sinamaan niya ako ng tingin.
" Ikaw kasi ! Panira ka ng diskarte . " nakangising sabi ni Blake.
" Hindi ko tuloy nalaman ang kanyang pangalan . " dismayadong sabi niya.
" Bakit ganun na ba siya kaganda para madismaya ka ng ganyan? " tanong ko .
" Ang alam ko-- wala lang sayo ang mga babae ah . Madali lang naman sayo na palitan sila diba ? Para ka ngang naghuhubad lang ng damit . Papalit-palit ng babae. " dagdag pang sabi ko.
" Iba siya bru . Simple lang siya pero nakakaakit ang ganda niya. " sagot niya.
Natawa ako ng malakas.
" Lahat naman sayo nakakaakit . "
" Iba nga siya ! Seryoso ako ngayon bruh . H-hahanapin ko siya mamaya at hindi pwedeng hindi ko malaman ang pangalan niya. " sabi niya at naramdaman ko ang sinseridad sa kanya.
Binatukan ko siya.
" Ikaw ba yan Blake ? Naiinlove pala ang gago . "
" Aray ! Masakit yun ah ! " reklamo niya sabay himas sa ulo niya.
" Eh panu kung may boyfriend na siya ? " tanong ko.
" A-at panu din kung wala siyang boyfriend tapos hindi pala ikaw ang tipo niya ?" sabi ko pa.
" Wag ka ngang nega , Tyron Jake Montemayor ! " sambit niya sa buong pangalan ko .
" Mukhang tumibok nga ang -- " sabi ko sabay tingin sa baba niya.
" Iba ang tumibok ngayon bru. Puso ! " sabi niya sabay turo sa dibdib niya.
Nag hands up ako sa kanya.
" Okay bruh ! Suko na ako. Naniniwala na ako sayo . " sabi ko at hindi na nakipagtalo pa kay Blake.
" Tara na ? Kanina ka pa hinahanap nila Mikel dun . " biglang pag-aaya ko .
" Sige. Pero tulungan mo akong hanapin siya mamaya ah ? " pakiusap niya.
" Ikaw nalang bru . Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga babae. " sabi ko nung naglalakad na kami ni Blake habang magka akbay at sabay naming tinungo ang table kung saan nakapwesto sila Mikel .
-------------
Yam's POV" Uy caz ! Diba si Tyron yun ? " kinalabit niya ako sabay palihim na tinuro si Tyron sa akin.
Napalingon ako at hinanap siya ng mga mata ko . Tumango ako nang maaninag ko ang isang lalaking umiinom. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Tryon nang mapatingin siya sa gawi namin .
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romance" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog