Kabanata Twenty-one

917 39 1
                                    

Yam's POV

Matapos naming kumain ay hindi agad kami umalis ng restaurant. Nag meeting muna saglit sila Tyron at Ryle . Pagkatapos ay nilisan na namin ang lugar.

Kinagabihan sinamahan ko si Mercy sa cottage para mag palit ng damit niya.

" Maliligo ka sa dagat ? " tanong ko kay Mercy na abalang inaayos ang kanyang two piece swimsuits .

" O-oo. Ikaw ? " pabalik na tanong niya.

Napangiwi ako. Saka nag-isip saglit.
Last night na namin dito kaya sige .... S-susulitin ko na.

Kaso ang problema wala akong dalang swimsuit.

" Bakit ? May problema ba ? " tanong ulit ni Mercy sa akin . Nakasimangot kasi ako habang nakatitig sa laman ng bag ko.

" Wala akong magagamit na panligo eh. " pag-amin ko .

" No problemo . May isa pa ako dito. Tingnan mo nalang kung gusto mo to. " sabi niya.

Lumapit siya sa bag niya at may kinuha siya doon na isang swimsuit.

Inangat niya 'yun at hinarap sa akin. " Here ." sabay abot sa akin.

Tumayo ako at nahihiyang kinuha ang one piece swimsuit sa kanya.

" Sige Yam. Labas muna ako. Hintayin kita dito." paalam niya.

Tumango ako at ako ang nagsara ng pintuan. Tapos muli kong tiningnan ang hawak-hawak kong swimsuit.

Parang masyado yatang malaswa pag sinuot ko to ? Pa x siya sa harap . Naka expose ito bandang dibdib at tyan. Kita ang pusod ko dito .

A-ano kaya ang magiging reaksyon ni Tyron ? Nag-aalangan ako. Paano kung hindi niya magustuhan ?

" Naisip mo pa 'yan Yam. Magbihis ka nalang. " kontra ng isip ko .

Napatingin ako sa tapat ng pinto nang may kumatok dun.

" Yam ? Matagal ka pa ba dyan ? " tanong ni Mercy.

" T-teka lang. S-sinusuot ko palang. " halos pasigaw na sagot ko.

" Okay. Bilisan mo. " sabi niya.

Nagmadali akong isuot to sa katawan ko . Tapos humarap ako sa salamin para makita kung masagwa ba o hindi.

Nasasagwahan ako. Parang gusto kong palitan. Huhubarin ko na sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto at lumapit si Mercy sa akin at mabilis akong hinila palabas ng silid at halos patakbo kaming dinala ng mga paa namin sa dagat.

-----------------------

Tyron's POV

Huling gabi na namin dito sa resort kaya pinayagan ko na sila sa gusto nilang mag night swimming .

Alas dies na ng gabi ng maisipan nila to kaya medyo mahangin na din dito sa tabing dagat at pati ang damit ko na maluwang na puting sando at buhok ko ay hindi nakaligtas sa hangin.

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon