Kabanata Thirty-eight

660 30 0
                                    


Yam's POV



Pagkasakay namin ni Tyron sa sasakyan ay tumingin agad ako sa labas ng bintana.



Hindi mawala sa isipan ko ang tanong ni Blake kay Tyron sa bar kanina.



Kung bakit dare daw ang pinili niya. Ayaw daw ba niyang malaman ko ang totoo? Ano kaya yun? May kulang ba sa kwento niya? Hindi pa ba nito sinabi ang lahat sa akin? O may iniba siya sa mga kwento niya?



Napabuntong hininga ako sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.



Napatingin ako kay Tyron nang mahina niyang kinurot ang pisngi ko.



" Kanina pa kitang napapansin na tahimik at may malalim na iniisip. Pwede ko bang malaman yan? " tanong niya bago binalik ang tingin sa daan.



Napatigil ako nang hindi tinatanggal ang mga tingin sa kaniya nang magsalita ako.



" M-may tinatago ka pa ba sa a-akin? " nauutal na tanong ko.



Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Tyron at derecho pa rin ang tingin nito sa daan.



" Yun bang sinabi ni Blake? " tanong niya habang nakafocus sa pagmamaneho.



" O-oo. " tipid na sagot ko bago nilipat sa daan ang paningin ko.



" N-nakita ko kasi na nagbago ang mukha mo nang sinabi niya yun sayo. Nakita ko din ang pagtagis ng bagang mo nang umiinom ka ng alak habang nakatingin ng masama kay Blake. K-kung wala lang sayo yun, bat ganun ang naging reaksyon mo kanina at nilihis mo pa ang usapan? " sabi ko bago muling tumingin kay Tyron.



Tumingin din siya sa akin.



" Kasi parang nang-aasar siya. " sagot nito at hindi ako nakuntento sa sagot niya. Kaya hinintay ko ang susunod na sasabihin niya.



" Kaya nilihis ko dahil alam mo na ang totoo. Hanggang ngayon hindi ka pa rin ba naniniwala? " seryosong tanong niya.



" Nagdududa ka pa rin ba sa akin? " kaagad niyang sinundan ang tanong niya kahit wala pa ang sagot ko.



Hindi ko nagawang sumagot sa kaniya. Hindi ko din naigalaw ang aking ulo upang tumango sa kaniya. Siguro, nagdadalawang isip nga ako sa kaniya.



Napasandal siya sa upuan tapos tinapik-tapik ang manibela nang tumigil ang sasakyan at traffic.



Tumulis ang nguso niya bago tumingin sa akin at tila nag-iisip.



" May pupuntahan tayo. " biglang sabi niya sabay tanggal ng seatbelt sa katawan nito.



" S-saan tayo pupunta? " kunot noong tanong ko kay Tyron.



" Nagdududa ka sa akin, diba? " tanong niya ulit. Nakangiti siya pero mayroong lungkot na sumisilay sa mga mata niya.



" T-tapos? " muling tanong ko.



" Mag vlog ka. Isama mo ako sa vlog mo. Kakain tayo ng isaw tapos pasyal din tayo. " direchong sagot niya.



Paano na tong sasakyan ni Tyron dito?



" Kung iniisip mo tong sasakyan, hindi to magagalaw dito sa gilid ng daan." sabi niya.



" Ano, tara? " pag-aaya niya kaya tinanggal ko na din ang seatbelt ko. Tapos sabay kaming bumaba ni Tyron.



Sinigurado muna niya na nakalocked ang bintana at pintuan ng sasakyan niya bago kami tumungtong sa side walk.



May problema pala ako. Hindi ko nadala 'yung camera.

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon