Kabanata Sixteen

924 48 9
                                    

Nagising ako sa marahang pagtapik ni Tyron sa aking pisngi.

" Yam , gising na. Kakain muna tayo. " rinig kong sabi niya at nagmulat ako ng mga mata ko.

Papungas pungas akong umupo at tumingin sa labas ng bintana bago sinulyapan ang wrist watch ko. Alas dos na pala ng hapon .

Nakahinto ang sasakyan sa gilid ng isang mahabang kalsada na walang kabahay-bahay sa paligid nito at may isa ding malaking puno ang nagsisilbing silong ng sasakyan ni Tyron .

Napasinghap ako ng humihip ang malamig na hangin sa paligid. Clean air outside, that I feel I need after being inside the car for a long time.

" Let's eat. " alok ni Tyron sa akin.

Nabaling ulit ang atensyon ko sa loob at napatingin sa harap ko nung napansin kong may nakalapag na mga paper bag dun na may lamang pagkain at inumin .

Inabot niya sa akin ang isa.

" T-thank you . Malayo pa ba tayo ? " tanong ko bago tumingin sa labas.

" Asan na ba tayo ? " tanong ko habang sinisipsip ang lasa na dumikit sa daliri ko . 

Mula sa pagkakayuko ay nag-angat ng tingin si Tyron sa akin.

" Nasa Calbarzon na tayo.  " sagot niya bago nilunok ang pagkaing nasa bibig niya.

" Malayo pa ba tayo ? " muli kong tanong .

Umiling siya sa akin . 

" Medyo malapit na tayo . Thirty to forty minutes nasa Batangas na tayo.  " sagot niya.

Tumango ako. " A-ah okay ." at muli kong hinarap ang pagkain na nasa lap ko .

Nang napatingin ako kay Tyron at nakita kong may dumi siya sa gilid ng labi niya.

" May sauce ka dito. " sabi ko sabay turo doon.

" Oh tapos? Eh 'di punasan mo. Gusto ko gamit iyang labi mo. " bulong niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil wala akong naintindihan o narinig sa mga sinabi nito .

" A-ano ? " halos pabulyaw na tanong ko habang magkasalubong ang dalawang kilay ko.

" S-sabi ko saan? " tanong niya .

" Dito ba ? " dagdag niya at dinilaan ang gilid ng labi niya sa baba.

Napangisi ako . Bat di nalang niya tingnan sa salamin. Psh !

" Tingnan mo nalang sa salamin. " pabalang na utos ko.

" Ayoko. Gusto ko ikaw ang magtanggal. "

I rolled my eyes .

Mabilis ko itong tinanggal gamit ang daliri ko nang hindi tumitingin sa kanya .

" Thanks baby . "

" Anlandi mo ! " sigaw ng isip ko.

Matapos naming kumain ni Tyron ay pinatakbo na niya ulit ang sasakyan at habang wala pa kami sa aming destinasyon ay naisipan kong magvlog muna. Inabot ko ang bag pack ko sa likod at kinuha ang camera ko dito at binuksan bago nagsimulang magvlog.

Ikinuwento ko sa vlog ko ang mga nangyari sa akin nung mga nakaraang araw at kung saan ang lakad ko ngayon. Pero hindi ko sinabi kung sino ang kasama ko at baka kulitin lang ako ng mga viewers ko sa comment box tungkol sa kanya.

" We're here. " sabi ni Tyron kaya pinatay ko na ang camera . Matapos kong ibalik sa bag ang camera ay bumaba na ako at kinuha ang ibang mga gamit ko sa backseat .  Tapos sabay kaming naglakad ni Tyron papasok ng resort.

--------------------

Habang papasok kami sa resort ay napatingala ako sa arko na may nakasulat na " welcome to Batangas resort " at nabanggit ni Tyron sa akin bago kami pumunta dito na Chinese ang may ari nito at siya ay si Mr. Benleo Cua . Isa sa mga pinakamayan na business man dito sa Batangas.

Nung nasa loob na kami ay nagpalinga linga ako sa paligid ko. Karamihan sa mga taong nandito sa resort ngayon ay mga pinoy  .

Nang napatingin ako sa may kaliwa ko kung saan naroon ang pinaka magandang view ng resort , sa may dagat at sa gilid nito ay may mangilan-ngilang mga dayuhan ang nakaupo , nakadipa at nakahiga sa buhangin .

" This way , ma'am 'sir . " agaw atensyon ng isang babae sa amin at tinuro kung saang cottage kami tutuloy ni Tyron .

Hindi pa kami nakakaakyat sa taas nang may sumalubong sa amin na tatlong lalaki na sa tingin ko ay house keeper sila dito . Kinuha nila ang mga gamit namin at dinala sa cottage at sila na rin ang nagpasok dun sa loob ng silid.

" Thank you. " halos sabay na sabi namin ni Tyron . Nang mapansin kong sa iisang silid lang nila nilagay ang mga bag at gamit namin.

" Ito po ang susi ng room niyo , sir. " sabi nung isang lalaki sabay abot ng susi kay Tyron bago kami iniwan dito.

" W-wait . Sa isang room lang tayo matutulog? " nagtatakang tanong ko. Hindi ba niya sinabi kay Mr. Cua na kasama niya ang secretary niya, at bakit isang silid lang ang binigay nila sa amin.

" I'm sorry , Yam. Nakalimutan kong sabihin sa kanila. Don't worry hindi naman tayo magtatabi sa kama. "

Lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.

What ! So , wala siyang balak magreklamo? Hahayaan nalang niya na magsama kami ng tatlong araw sa iisang silid , ganun ? O baka naman plano talaga niya to . Nakakainis !

" Ayoko ! Sabihin mo kay Mr. Cua na bigyan niya tayo ng tig isang silid o kung gusto mo dito ka sa labas matulog ! " sabi ko at mabilis kong inagaw ang susi sa kanya at walang paalam akong pumasok sa loob at nilabas ang gamit niya saka sinara ang pintuan at nilocked.

Ano siya , sinuswerte? Manigas siya . Psh !

--------------------

Tyron's POV

Ang arte talaga ng babaeng to eh.  Pero sa loob-loob nun gusto din naman niya akong makasamang matulog dun. Kunwari pa siya. Tss.

Tumawag ako ng isang house keeper para tulungan akong ilipat ang mga gamit ko sa katabing silid ni Yam.

Matapos nun ay pumasok na din ako silid ko at nang maisara ko ang pinto ay agad kong hinubad ang damit at pantalon ko at pinalitan ko ito ng isang itim na sando at pulang shorts .

Bukas pa ang meeting ko kay Mr. Cua para sa renovation ng kanyang resort. So , may time pa akong gumala dito at para makapag relax na din . Pero mas masaya sana kung kasama ko si Yam .

Sinuot ko ang itim kong sumbrero ng pabaliktad bago dinampot ang phone ko sa kama at  pinihit ko ang seradura habang naglalagay ng hikaw sa gilid ng tenga ko .

Paglabas ko sakto namang lumabas din si Yam sa silid niya at nagpalit na din siya ng kanyang damit.

Maiksing itim na shorts at puting damit na maluwang ang suot nito at naka tsenelas lang siya .

Mukhang balak din niyang gumala sa labas kaso hindi ko gusto ang suot niya na naka expose ang hita niya sa maraming tao at baka mabastos sya ng mga kalalakihan dito.

" Masyado ka namang conservative, Tyron. Eh kahit mag two piece yan dito , okay lang. Tingin ka nga sa paligid mo , madaming naka panty at bra diba ! " paalala ng isip ko sa akin. Nakalimutan kong nasa resort nga pala kami.

Pagkasara ni Yam ng silid niya ay agad siyang bumaba ng cottage ng hindi man lang ako tinapunan ng mga tingin niya .

Habang naglalakad siya papalayo sa cottage ay inis ko siyang sinundan ng mga tingin ko . Matapos ang ilang minuto ay nagpasya na rin akong bumaba sa cottage at patakbo kong tinungo ang dagat.

-----------------

A/N : Thank you sa 3K reads at sa mga nag a add ng book sa mga list nila. 😉

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon