Yam's POV
Palabas na sana ako ngunit may biglang umagaw ng atensyon ko. May umilaw sa side table ng kama. Lumapit ako doon at dinampot ang cellphone ni Tyron. Andaming text messages. Pero hindi ito galing sa asawa niya. Galing to kila Mikel at Blake. Ang iba ay galing kay Ryle.
Hindi man lang ba siya nag-aalala sa asawa niya, kay Tyron? Ni miss call niya wala. Nag-aalangan naman akong itext sila Tito at Tita para ipaalam sa kanila na nandito ang anak nila at halos inaapoy na ng lagnat.
Pero paano kung bigla silang tumawag kay Tyron? Hindi ko pa naman alam kung paano ko sila kakausapin at kung paano ko i-explain to sa kanila ng hindi sila magagalit kay Tyron.
Napangiwi ako at naintriga akong buksan 'yun nang di namamalayan ay nasa baba na pala ako , sa sala.
Tumungo ako sa kusina para kumuha ng tubig sa ref. Matapos ay pinatay ko ang ilaw at bumalik sa sala habang umiinom ng tubig sa baso at nakatuon ang mga paningin ko sa screen phone na hawak ko.
Tapos dahan-dahang umupo. Tsaka nilapag ang baso sa center table. Nang kusang tumaas ang dalawang paa ko sa couch hanggang sa makahiga ako.
Pinatungan ko ng throw pillow ang unan ko para bahagyang tumaas ang ulo ko.
Pagkatapos ay bumalik ulit dito ang atensyon ko at napunta ako dun sa gallery. Una kong pinindot ang cameras. May gusto akong makita dito. Naiintriga kasi ako kung ano ang itsura ng kanyang asawa. Kung maganda ba siya. Ngunit iba ang bumungad sa akin. Mga larawan ko na puro nakaw.
Bigla naman akong napangiti. Dahil halos ako ang laman nun. May kumakain, meron pa nung araw na nag apply ako sa kompanya niya at nung habang nag v-vlog ako dun sa restaurant na pinuntahan namin, hindi ko alam pasimple na pala niya akong kinukunan ng mga litraro.
Yung iba dun sa opisina habang abala ako sa table ko na nagsusulat o di kaya'y pag kunot ang noo ko habang nakatuon sa computer at nagta-type.
I tap the back button at sa image's naman ako pumunta.
Napaawang ang labi ko't natigilan. Parang may biglang tumusok sa aking puso kaya kumirot ang dibdib ko.
Then may namumuong likido sa gilid ng aking mga mata at hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko nang bigla akong bumalik sa nakaraan.
Panahong masaya lang kami.
Pinindot ko ang larawang magkayakap kami ni Tyron. Ito 'yung nanalo sila ng mga kateam niya sa basketball sa campus namin.
Tapos parang Vince and Kath na ako si Cheer at siya naman si Var. Naalala ko pa nga kung paano ko siya i-cheer nun , go sexy love ! Kaya nalilito na ako sa sarili ko kung sino ba talaga ako. Kung si Kath ni Vince o Kath ni Daniel..
Swipe left. Next photo.
Nakaluhod siya dito habang may hawak na bulaklak at nasa harap ko siya. Nagpropose siya akin dito para maging girlfriend niya.
Tanda ko pa kung paano niya ako napasagot noon. Inagaw niya ang atensyon ng buong campus. Hiniram niya ang mic na ginagamit sa gymnasium kapag may events.
Tapos tinawag niya ang pangalan ko. Nung una hindi ko siya pinansin. Kasi nga may pagka boyish ako nun. Lahat ng bulaklak na binibigay niya tinatapon ko agad sa basurahan. Minsan pinapamigay ko sa ibang babae. Tas ang nakakatawa pa nun eh nung araw na 'yun, nakasuot ako ng sumbrero na pabaliktad.
Naiinis pa nga ako nung hinila ako nila Jaz at Diego. Kaya nung humarap ako kay Tyron , nakabusangot ako.
Tinanggal ni Tyron ang sumbrerong nakasuot sa ulo ko . Dahil dun ay bahagya akong napangiti lalo na nung hinawi niya ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romance" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog