Kabanata Fifty-eight

202 7 3
                                    


Yam's POV

Nang gabing iyon pagkatapos kong makipag-usap kay Blake ay nagpasya akong umuwi kaagad.

Malungkot ako habang naglalakad at abalang binubuksan ang aking bag saka hinanap ang susi ko dito.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Tulad ni Tyron hindi ko nakuha ang sagot na gusto ko kay Blake. Sa katunayan ako ay nasaktan lang sa kanyang sagot. Tinanggi lang niya ito.

" Paano kung nagsasabi siya ng totoo , Yam? Na hindi siya ang lalaking hinahanap mo. Ni Jazmine ? " tanong sakin ng aking isipan.

Sasagutin ko na sana ang tanong ng aking isipan nang may isang lalaki ang tumikhim mula sa aking likuran.

Biglang nanlamig ang buong katawa. ko at hindi makakilos ng maayos sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking ulo at sumilip sa gilid ng aking mga mata.

" Bakit kaya hindi ka humarap sakin nang makita mo kung sino ako ? " sabi ng isang pamilyar na tinig.

Napatikhim din ako ng mahina dahil parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko. Dahan-dahan kong iniharap ang aking katawan at tumingin sa kanya.

Siya ay nakasandal sa pader, nakahalukipkip ang kanyang mga bisig at naka cross ang kanyang mga binti habang tinitingnan ako ng seryoso at nakataas ang isa nitong kilay sa akin.

" Where have you been? " Tanong niya at may galit sa kanyang tinig at nakataas pa rin ang isang kilay nito .

" P-pumunta ako s-sa bar kasama ko s-si Jazmine at Diego. " nauutal kong sagot at sinubukang baguhin ang kanyang mood sa aking cute na ngiti.

" If you think you can change my mood with your smile, Yam. You will not! You learned to lie! " He seems to be disappointed with me.

" N-nakita ko si Blake doon. N-nakipag-usap ako sa kanya. " pag-amin ko. Nagbaba ako ng tingin kay Tyron at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

" What! " halos pabulyaw niyang sabi. Kung kayat napaangat akong muli ng tingin sa kanya. Nakita ko ang pagkabigo sa kanyang mukha sa akin. Salubong din ang makakapal niyang mga kilay at lukot ang mukha. 

" And you talked to him. You know Blake likes you. Ah no, maybe he loves you. " Sabi niya na parang nagseselos.

Hinakbang ko ang aking mga paa at lumapit kay Tyron.

" I'm sorry. I won't do it again. " malambing na sabi ko bago siya niyakap at inilagay ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Hindi siya umimik ngunit tinitingnan niya ako.

" Uy sorry na. " nakatingala at nakangusong paglalambing ko Kay Tyron bago niyugyog ang kanyang katawan gamit ang aking dalawang kamay sa kanyang likod.

Hindi parin siya umiimik. Ni wala siyang reaksyon sa kanyang mukha.

Nang palihim akong napangiti. Nakita ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa aking mga labi. Pati ang pagtaas baba ng kanyang adams apple badya ng paglunok nito.

" Pagod na ako. Uuwi na ako." Pagsusungit niya at siya ay nag-iwas ng tingin sa akin.  Pagkatapos ay tumayo siya ng tuwid at inalis ang aking yakap sa kanya saka tumalikod sa akin at walang paalam na pumasok sa kanyang kotse.

Nginisian ko ang papalayo niyang sasakyan. " Pabebe! " sigaw ko. Naiinis na lang akong pumasok sa aking bahay.


--------------

Inilalagay ko ang aking bag sa side table ng aking kama. Pagkatapos ay umupo ako sa kaliwang bahagi ng aking kama at hinubad ang aking mga sapatos. Nagpahinga ako dito bago nagpasyang maligo.

Kinuha ko muna ang aking tuwalya bago bumaba sa ibaba at pumunta sa aking banyo. Pagkatapos ng pagligo ay agad akong pumasok sa aking silid. Saka nagbihis ng pantulog.

Pahiga na sana ako sa aking kama nang gumalaw ang seradura ng aking kwarto.

Tumayo ako at pumunta sa likod ng pinto.

Pahawak na ako dito nang bumukas ito.

" Tyron? "

-----------------------

Hihiga na sana ako sa kama ko nang gumalaw ang door knob. Tumayo ako at lumapit sa pinto. At dahan dahang binuksan iyon.

"Tyron?"

"Bakit nandito pa siya?

"Bumalik ba Siya?"

I secretly smiled and opened the door.

Unti-unting napawi ang ngiti ko at medyo nadismaya ako sa nakita ko.

Akala ko si Tyron ang dumating , Si Jazmine pala. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Iyak siya ng iyak.

"Bakit? Anong nangyari? bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.

Umupo si Jazmine sa gilid ng kama ko at ipinaliwanag sa akin ang lahat.

" What !" gulat na tanong ko.

"Totoo ba yan Jaz? Baka nagkamali ka lang sa narinig mo? " paniniguro ko sa kanya.

Umiling siya habang sumisinghot at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Hindi, caz. Narinig kong may kausap si mama at pinag-uusapan nila iyon. " Sabi niya na may lungkot sa boses.

"Please, tulungan mo ako caz. Ayokong magpakasal sa taong hindi ko gusto." pakiusap ni Jazmine at hinawakan ang kamay ko.

"Dito ka na matulog." presenta ako habang inaayos ang kama.

"Bukas kakausapin ko si Tyron. Tatanungin ko siya kung may alam ba siyang lugar na matutuluyan mo." I said to comfort her.

Tumango siya habang humihikbi.

"Thank you, caz." umiiyak na Saad niya bago humiga.

May luha pa rin sa mga mata ni Jazmine. Tiningnan ko siya ng malungkot at dahan dahang pinunasan ang luha niya.

"Kawawa naman ang pinsan ko. " sabi ko sa isip habang hinahaplos ang buhok niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala.
Ipinagkasundo siya ng kanyang ina sa isang fixed marriage.

Isa pa tong si Blake, ayaw niyang aminin na siya ang naka one night stand ni Jazmine!

Paano kung nagsasabi ng totoo si Blake? Na hindi siya yung naka one night stand kay Jaz.

Napabuntong hininga ako ng malakas.

Bukas ko nalang iisipin. Matutulog na ako at kailangan ko pang pumasok ng maaga bukas.

-----------------------

A/N: Please read the story again. I added a story to the last part. Thank you. 💋

My Boss Is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon