Tyron's POVNapabalikwas ako sa kama at unti-unting lumukot ang aking noo nang may marinig ako na mahihinang hikbi. Binuksan ko ang lampara at napatingin sa pinanggalingan ng hikbi na yun.
Kay Yam 'yun nanggagaling! Nakatalikod siya at tinatago ang pag-iyak niya sa akin. Ilang beses ko na siyang nahuhuli na umiiyak sa gabi.
Hinawakan ko ang balikat niya at iniharap siya sa akin. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya at bigla na lang akong niyakap.
" Hey, what's wrong? " naguguluhang tanong ko bago hinagod ang kanyang likod.
" Teka. Kukuha lang ako ng tubig. " sabi ko at dali-daling kumuha ng tubig sa baba at muling bumalik kay Yam.
I gave her a glass of water and Yam drank it.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak at hindi ko na alam kung paano ko siya patatahanin nang sandaling 'yun.
" Tell me what's wrong, babe. I'm worried. " sabi ko sabay haplos sa pisngi ni Yam at niyakap siya uli.
" May masakit ba sayo o may masama ka bang napanaginipan? " nag-aalalang tanong ko bago kumalas ng yakap sa kanya at tinitigan siya sa mata.
" S-si mama. N-napanaginipan ko ulit si mama. " humihikbing sabi niya.
Naguguluhan parin ako. Namimiss ba niya ang mama niya? Bakit hindi niya siya tawagan?
I grabbed the cellphone on the side table at may hinanap ako sa contact list nito. Ngunit nabigo lang ako dahil hindi ko nakita ang pangalan ni Tiya Yully.
" Huwag kang mag-alala. Bukas sasamahan kita at bibisitahin natin siya, okay? " pagpapatahan ko sa kanya bago sinilip ang nakayuko niyang mukha.
" Kahit samahan mo ako sa kanya, hindi naman mawawala o mababawasan ang lungkot ko. " malungkot na sabi niya habang humihikbi.
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Yam. " W-what do you mean? " kunot noong tanong ko.
" Kasi wala na siya. P-pa-patay na si m-mama. Y-yurrie a-and m-mom got into a motorcycle a-accident. " she was sobbing and she could hardly breathe.
Nagulat ako at ilang minuto na natigilan sa sinabi niya hanggang sa unti-unting lumukot ang makakapal kong kilay. Tanda ng pagkalungkot at hindi makapaniwala na wala si Tiya Yully.
Ikinulong ko siya sa mga bisig ko bago hinagod ang kanyang likod at pinaramdam sa kanya na andito pa ako.
" Shhh, wag ka nang umiyak. Andito pa ako at ni Yurrie. Mahal ka namin. Mahal kita at hinding-hindi kita iiwan. Tandaan mo 'yan. Okay? " pagpapagaan ko ng loob niya at naawa ako kay Yam at na-guilty sa aking sarili dahil wala ako nung mga panahong 'yun. Hindi ko siya nadamayan sa kalungkutan.
Tumango siya ng tipid bago muling nakahiga sa kama. Kinumutan ko siya. Tatalikod sana siya sa akin. Ngunit hinawi ko siya paharap at niyakap siya saka nilagay ang kanyang ulo sa aking dibdib. Pinikit naman niya ang kanyang mga mata nang hinalikan ko ang noo at taas ng ulo niya.
Naririnig ko pa ang kanyang paghikbi. It was a sign that she was still awake. I did not close my eyes and watch over her until she fell asleep.
" I love you. " bulong ko bago ko pinikit ang mata at natulog na rin.----------------
Kinabukasan nang magising si Yam ay namumugto ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak.
Tumagilid ako at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. Hinawakan ko ang baywang niya saka hinapit.
" Good morning, babe. " nakangiting bungad ko nang buksan niya ang kanyang mga mata at hinalikan siya.
"Magandang umaga." bati niya sa akin pabalik na may ngiti at ang lungkot ng kanyang mga mata ay nawala na.
Umupo ako sa kama bago ko sinuklay ang magulo kong buhok gamit ang mga daliri. Tapos lumingon ako sa kanya at tumingin kay Yam.
"Bangon ka na, babe." sabi ko at hinila siya. Ngunit tamad pa siyang bumangon. So, nahiga ako muli at pumaibabaw sa kanya.
" Babangon ka o lalandiin kita? " sabi ko na parang bulong. May paglalandi sa aking tinig at ang aking titig sa kanya ay malagkit.
" You shut up, babe. Masakit pa rin ang katawan ko para makipag-sex sa iyo ngayon. " seryosong sabi niya at tinulak ako ng mahina at bumangon.
Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni Yam at halos gumulong sa kama sa kakatawa.
Tumingin siya sa akin na parang napipikon na at hindi niya alam kung bakit ako tumatawa ng malakas.
" Sino ang nagsabi sa iyo na magse-sex tayo ngayon? Sinabi ko lang na lalandiin kita at hindi makipagtalik sa iyo. " sabi ko at tumatawa pa rin ako.
Nginisian niya ako at kinuha ang unan at inihagis iyon sa akin.
Sinalo ko naman iyon at inihagis sa kanya ito pabalik at tumama ito sa kanyang mukha.
Ginamit ko ang aking dalawang kamay upang takpan ang aking bibig at lumobo ang pisngi ko at parang natatawa uli ako.
Dahil dito ay mas napikon siya sa akin.
Inirapan niya ako at tumalikod siya sa akin.
Bumangon ako at tumayo ng mabilis at tumakbo papunta kay Yam. Hinawakan ang kanyang kamay at niyakap ko siya sa likuran at hinalikan sa pisngi.
" Im sorry, babe. " sinabi ko hahang nakayakap sa kanya.
Hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. Kaya, kiniliti ko siya.
Napahalakhak siya at humarap sa akin at saka niya kinagat sa balikat ko kaya napahinto ako sa pagkiliti sa kanya.
Napadaing ako at hinimas-himas ang balikat ko na kinagat ni Yam. Ang hilig talaga nitong kumagat eh.
Inismiran ko siya at lumabas ng silid at nagkunwaring nagalit sa kanyang ginawa.
Ngayon siya naman ang sumusunod sa akin at nang si Yam at ako ay nasa sala na ay hinawakan niya nang mabilis ang aking kamay.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong nag-so-sorry si Yam sa akin.
" Do you want me to accept your appology to me? " sabi ko habang nakatalikod at nakahawak pa rin si Yam sa palad ko.
"Oo" pagkatapos ay nakita ko sa sulok ng aking mata na tumango siya. Kaya humarap ako kay Yam.
" Kiss me! " ang aking utos sa kanya.
Tinignan niya ang mga mata ko at hinila niya ang leeg ko sa kanya at hinalikan ako ng marahan.
Sinagot ko ang kanyang halik at si Yam ang naunang sumuko at kumalas sa aking bibig.
" I love you. " sabi ko at nag-iwan pa ako ng matunog na halik kay Yam.
" I love you too. " mahinang sagot niya habang nakangiti ng matamis sa akin.----------------
Nilapitan ko siya habang abala siya sa paghahalo ng kape.
Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa kanyang tiyan at hinila siya papalapit sa akin. Pagkatapos ay hinalikan ko ang tuktok ng kanyang tainga.
Humarap siya sa akin at sumandal sa mesa. Tapos tumingkayad si Yam bago niya sinuklay ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Nagkatinginan kami at makikita sa mga mata namin na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Ipinikit niya ang iyon nang halikan ko ang noo niya.
Hindi pa binuksan ni Yam ang kanyang mga mata at hinintay ang susunod kong hakbang.
Itinungkod ko ang isang kamay ko sa mesa at bahagyang yumuko. Hahalikan ko na sana ang kanyang labi nang nabaling ang attensyon ko sa ibang bagay.
" Wala ka bang bra? " aniya ko at tiningnan ang bahagi ng dibdib niya habang nakakunot ang noo ko.
Nakasuot siya ng puting shirt at madaling mapansin iyon.
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at tumango sa akin.
" Naiinitan ako at wala namang ibang tao dito. Tayo lang and kasama kita. Kaya, kumportable ako nang walang suot na bras. " paliwanag niya.
Tumayo ako ng maayos at ngumisi sa kanya.
" Kahit na! Paano kung may biglang dumating? " tanong ko at kasabay nun ay may nagdoorbell sa labas ng bahay.
" Bruh! " boses ni Mikel na sumisigaw sa labas.
Nilingon ko ang ulo ko at tumingin sa direksyon na iyon. Tapos binalingan uli si Yam.
" That's just for my eyes. So go upstairs now and wear your bra. " bulong ko.
Itinago ko siya sa aking tagiliran at sinamahan ko siya hanggang sa tapat ng hagdan at hinintay siya hanggang makaakyat siya sa taas.
Pagkatapos ay pumunta ako sa labas ng bahay at binuksan ang gate para kay Mikel.
Pinapasok ko siya sa aking bahay at inalok siya ng kape.
Pagkatapos nun umupo na din ako sa sofa at sumandal doon.
" What is your purpose here? " seryoso kong sabi habang hawak ang tuhod ko sa na magkakrus.
Hindi niya ako sinagot at nag-sip muna siya sa kape niya.
Sinabi niya na may dinner meeting kami nila Sabrina mamayang gabi sa bahay ni Mr. Jacob.
Tinanong ko siya kung okay lang na sumama si Yam sa akin. Total siya ang secretary ko.
Ngunit sinabi niya sa akin na hindi na kailangan. Dahil nandun na siya at siya na daw ang bahala na maglista. He was my engineer . So, he already knew the materials needed for the renovation.
Tumango na lang ako sa kanya.
He asked me din na sumama sa kanila sa bar pagkatapos ng dinner. Ngunit sinabi kong hindi ako makakasama sa kanila dahil mas nais kong makasama si Yam.
" Sige. I have to go now. You enjoy being husband. " sinabi niya na may ngiti at tumayo.
Ngumiti ako pagkatapos marinig iyon.
Husband! it's good to hear that.---------------
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romans" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog