Pagkagising ko ay mag-isa lang ako dito sa loob ng room ko . Dahan-dahan akong umupo . Saka ko sinapo ang noo ko at dinama ang leeg ko . Ma--mainit ako.
Hinanap ko ang bag ko dito. Alam kong nabasa ito ng ulan kagabi kaya baka pati ang cellphone ko ay nasira na din dahil malamang nabasa din siya sa loob ng bag .
Habang hinahanap ito ng mga mata ko ay bigla akong nahilo kaya napasandal ako sa headboard ng hospital bed .
Nang bumukas ang pinto . May pumasok doon at bumungad sa akin si Tyron na nakaputing hood jacket.
" Kamusta na ang pakiramdam mo ? " tanong niya sa akin at parang dinadaya ako ng mga paningin ko dahil may nakikita parin akong pag-aalala sa mga mata niya.
" N-nananadya ka ba ? Kung gusto mong makapagmove on ako. Huwag ka ng magpakita pa sa akin. " basag ang boses na sabi ko.
" Sinundan kasi kita kagabi. Gusto ko lang makasiguro na makakauwi ka ng maayos sa inyo . K-kaso nakita kitang nakahandusay at walang malay sa damuhan. Kaya dinala kita dito sa hospital " sabi niya na parang may utang na loob pa ako sa kanya.
Nginisian ko siya. Pagkatapos ng ginawa niya ay may malasakit parin pala siya sa akin .
" Hindi na kita k-kailangan pa dito kaya ko na ang sarili ko kaya umuwi ka na ! " namamaos na sabi ko , at tila nagbabadya nanaman ng pag-iyak.
Ngunit pinigilan ko ito, para ipakita kay Tyron na kaya kong wala siya.Matapos ay humiga na ako at tumalikod dito . Hindi ko siya tinignan hanggang sa naramdaman ko ang paghangbang ng mga paa niya , naglakad siya at huminto sa tapat ng pintuan .
" A-and please, never ever come back-- a-again , Ty-tyron. " at humina ang boses ko sa huli .
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtango niya bago pinihit ang seradura. Naramdaman ko ding nilingon niya ako at saglit na tiningnan. " Okay Yam. " mahinang sabi niya bago tuluyang umalis .
Napapikit ako ng mariin nang tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Masakit ang marinig ito kay Tyron pero masakit din pala pag sa akin ito manggaling. Lalo't hindi ko naman talaga kaya. Dahil ang totoo ,natatakot akong iwan niya ako . B-but Tyron will never stay with me. Dahil hindi niya ako mahal.
Makalipas ang ilang linggo simula nung maghiwalay kami ni Tyron ay nakapagpasya na akong sumama na sa pinsan ko sa New York.
Para makalimot.
Para magmove on.
-----------------------
Ilang taon na nga ang lumipas simula nung umalis ako sa Pilipinas .
Madami na din ang nagbago. Naging independent ako dito. Kaya kahit papano ay nakalimot ako. Nakalimutan ko lahat ng sakit. Sa tingin ko nga ay handa na ulit ako. Handa na akong bumalik at umuwi sa Pilipinas.
Alas siete ng gabi nung hinatid ako ng pinsan ko sa Airport.
" Uy caz . Mag-iingat ka ha ? Mamimiss ka namin. " sabi ni Cyrine. Pinsan ko at sa kanila ako nakikituloy dito sa New York.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romance" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog