Yam's POVNang namatay ang tawag ay hindi ako agad na nakatulog. Tumagal pa ng ilang minuto ang aking pag-iisip.
Whenever I remember what happened, there was butterfly running in my stomach.
Nakaramdam ako ng takot at pag-aalala, but at the same time ay nakaramdam din ako ng pagkasabik. To make love with Tyron.
Naputol ang mga iniisip ko at nabalik sa reyalidad nang nagtext si Tryon.
Hindi daw ako nito masusundo dahil may emergency meeting siya sa isa sa mga client niya.
Naiintindihan ko. Ma traffic sa daan at baka dahil doon ay maubusan pa siya ng oras . Lalo na't medyo malakas ang ulan.
Nagreply ako.
" Okay. See you later. I-i love you too. " reply ko bago bumangon.
Bumaluktot ako at dinama muna ang malambot na kama. Nakakatamad bumangon at gumalaw. Masarap kasing mahiga sa kama at yakapin ang malambot na unan pag ganitong malamig ang panahon at umuulan.
Pagkatapos maligo ay bumaba ako sa sala at nagluto ng aking almusal. Nang tapos ng maluto ay kumain agad ako at nang tapos na akong kumain ay tumayo ako at niligpit ang mga pinagkainan ko at agad na hinugasan bago magsipilyo at muling pumanhik sa taas para magpalit ng damit.
Bumalik ako sa kusina at nilagay sa paper bag ang hinanda kong pancakes para kay Tyron.
M-medyo sunog at may itim-itim sa gitna.
I will admit that I am not yet a wife material. Dahil hindi pa ako masyado marunong magluto. Hindi ko nga din alam kung masarap tong niluto ko.
Bahala na si Tyron na husgahan to mamaya. Pero sana magustuhan niya. Kasi first time kong magluto ng pancake at hindi ako nagluluto para sa iba. Sa kaniya lang.
Matapos ay kinuha ko ang mga gamit ko. Laptop at cellphone. Mag i-edit ako mamaya sa sasakyan. Sayang kasi ang oras at panigurado traffic nanaman sa daan.
Lalabas na sana ako nang biglang nanginig ang phone sa loob ng bag at nagtext si Tyron.
" Wear your jacket and don't forget to bring an umbrella. So you will not get sick. I love you. " napangiti ako.
Ang sweet niyang boyfriend at swerte ako na ako ang girlfriend niya.
Nang tapos ko na siyang replyan ay sinuot ko na ang black hoodie jacket ko bago kinuha ang payong sa tabi ng pintuan at pinihit ang seradura at sinara ang pintuan.
Napatigil ako sa aking paglalakad nang may humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Binuksan niya ang bintana at sinilip ako doon.
" Sakay na. Ihahatid kita sa work mo. " alok niya ngunit tinanggihan ko siya at hindi sumakay at muling naglakad pero sinundan niya ako.
Huminto din ang sasakyan nang huminto ako sa paglalakad.
" Huwag ng magmatigas. Sumakay ka na. Kaysa mag-antay ka pa ng taxi. Matatagalan ka lang at baka abutin ka pa ng malakas na ulan sa daan. " sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romansa" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog