Yam's Pov
Kinusot ko muna ang dalawang mata ko bago ito binuksan. Tumingin ako sa bintana at nasilaw ako sa sinag ng araw na pumapasok sa gawi na iyon.
Ilang minuto ang lumipas bago ko naalala na nasa tabi ko pala si Jazmine. Kahit nakapikit ang mata niya halata pa ring namumugto ang mga ito dahil sa labis na pag-iyak mula kagabi. Hindi ko siya ginising, hinayaan ko nalang siyang matulog.
Pinilit kong bumangon at dahan-dahang ibinaba ang dalawang paa ko sa sahig. Pagkatapos ay tinupi ko ang kumot na ginamit ko at inilagay sa ibabaw ng aking unan bago ako tumayo at naghilamos.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 5:30 pa lang, maaga pa.
Pagkatapos magtimpla ng kape lumapit ako sa mesa at umupo at binuksan ang cellphone ko.
Napasimangot ako. Hindi nagtext sakin si Tyron. Hindi man lang siya nag good morning.
Binitawan ko ang phone ko at inilagay ito sa ibabaw ng mesa. Maliligo muna ako bago ko ipagtimpla ng kape ni Jazmine.
Pagkatapos kong isuot ang aking puting t-shirt ay naglagay ako ng kaunting lipstick sa labi ko at hinayaan ko ang buhok ko na nakalugay lang.
Tapos na ako sa aking sarili kaya lumabas na ako ng kwarto at nagtimpla na ng kape ni Jasmine.
Nilagay ko ito sa side table ng kama at nag iwan ng note saka idinikit sa tasa ng kape.
" I hope the sadness you feel while sipping your coffee will lessen, Jaz! •‿• "
Pagkatapos magsulat ng note sa may kulay na papel dinampot ko ang bag ko at gumayak na sa aking trabaho.
--------------------------------
Tyron's POV
Nakakunot ang noo ko habang nagmamaneho. Napasulyap ako sa cellphone ko na nasa upuan ng kotse ko katabi ng driver's seat. Palipat-lipat ang mga tingin ko dito at sa daan.
Wala talagang balak si Yam na i-text ako. Siya na nga tong may kasalanan.
Napailing na lang ako.
" Babae nga naman ! " sigaw ng isipan ko.
Dinampot ko ang phone ko at sinubukang tawagan siya. Nagri-ring lang ito pero walang sumasagot.
Inis kong itinapon ang phone ko sa likod ng kotse ko.
Masama ang mga tingin ko sa daan habang nagmamaneho.
Lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Yam. Nah ! I feel angry with her now!
After an hour, I was already here in front of my company. I immediately parked my car and got out of it then headed upstairs to my office.
Nang nasa tapat na ako ng opisina ko. Agad kong pinihit ang door knob at binuksan ito. Biglang umusog ang galit ko kay Yam nang makita kong malalim ang iniisip niya.
----------------------------------
Yam's POV
" I--is there a problem babe ? " maamong tanong ng isang pamilyar na boses nanggagaling sa di kalayuan ng opisina.
Dinig ko ang banayad na pagsara ng pintuan bago lumapit si Tyron sa kinatatayuan ko malapit sa bintana ng opisina niya.
Ramdam ko ang paghawak ni Tyron sa balikat ko saka ito pinihit pihit ng marahan.
Napakagat labi ako at pinigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. Nagkatitigan kami ni Tyron at tila binabasa niya ang laman ng aking isipan.
" S--si Jaz. " mahina at malungkot kong saad.
Naaawa kasi ako sa pinsan ko. Bukod sa hindi niya mahanap hanap ang lalaking unang nakakuha ng kanyang pagkababae , balak pa siyang ipakasal ni Auntie Yolanda sa lalaking ni minsan hindi pa nakilala at nakita ni Jaz.
----------------------------
Tyron's POV
" Can you forget that for now, Yam? " pakiusap ko bago hawakan ang mga kamay niya at saka pinisil pisil.
Yam should not think deeply about Jazmine's problem. It's been a long time. So it's impossible for Jazmine to find that man she had a one night stand with.
First, she didn't see that guy. Gabi nang mangyari iyon at napakadilim pa ng kwarto kaya hindi man lang naaninag ni Jazmine ang mukha ng lalaki.
Secondly she doesn't know his name. Kwento sakin ni Yam na bigla na lang daw umalis si Jazmine at hindi nagpaalam sa lalaki.
Lastly, even if Jazmine finds the guy , pananagutan kaya siya nito? Hindi naman siya nabuntis ng lalaki, and what if--- the guy is already married?
Ayokong tulungan si Yam na ilayo si Jazmine kay auntie Yolanda. Baka magalit sa akin si auntie pag ginawa ko 'yun. Kinukuha ko pa ang kanyang loob ulit , dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Yam noon.
Nabalik ako sa realidad ng magsalita si Yam sa harapan ko.
"Hindi ka ba galit sa akin, Tyron? " tanong niya habang nakatitig at saka ngumiti sa akin ng matamis.
" H-haayyy...... alam mo talaga kung ano ang kahinaan ko, Yam! " I said patting her head as Yam looked up at me with a smile.
" Actually..... I--ii have something to tell you, b-babe. " kinakabahang sabi ko. Buti na lang at hindi napansin ni Yam na nanginginig ang boses ko.
Isinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ko at hinawakan ang maliit na bagay na iyon at nanatili ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.
"A-ano ba yun Tyron? May alam ka na ba tungkol sa--- " putol na sabi ni Yam at ako ulit ang nagsalita.
" Wala..... hmmmmmmmnnn! " pagtikhim ko dahil parang may kung ano ang nakabara sa lalamunan ko. Biglang umusog lahat ng gusto kong sabihin kay Yam.
Hindi naman mainit dito sa opisina ko , nakabukas ang aircon. Ngunit ang daming butil ng pawis sa noo ko.
----------------------
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romans" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog