Yam's POV
Nung tanghali ay tinulungan ko si Manang Betty na maghanda ng lulutuin para sa tanghalian.
" Huwag na, anak. Baka mapagod ka lang. Magagalit si Tyron . " pigil niya sa akin.
I just smile at her.
At nagpatuloy sa ginagawa ko. Naghihiwa ako ng gulay. Si manang naman sa karne.
" Okay lang manang. Para matanggal ang pagkainip ko. " sabi ko sa kanya habang sumisinghot. Ang sakit kasi sa mata tong hinihiwa kong sibuyas.
" Matagal mo na bang binabantayan 'tong bahay ni Tyron, manang? " tanong ko bago tumingin sa kanya.
Because the housekeeper now was different from what I had seen before. Nanay daw siya nung dating pumunta dito. Nagkasakit daw kasi ang asawa niya nung araw na 'yun, at hindi niya ito maiwanan.
" Oo, matagal na anak. Simula nung maliliit pa sila ni Jacko, katiwala na nila ako . Hindi ko naman maiwanan tong si Tyron, dahil alaga ko siya at para ko na din siyang anak. " nakangiting sabi niya saka ako sinilip sa salamin niya sa mata na nadudulas sa ilong nito.
Jacko was Tyron's younger brother and I think he is eighteen now. He also loves playing basketball like his brother. Pero hindi siya mahilig sa mga babae. May kasungitan kasi 'yun at tahimik lang lagi.
" Eh bat ka pa umuuwi sa inyo, manang ? Di ka nalang mag-stay dito. Para may kasama si Tyron dito pag gabi. " sabi ko. Tahimik kasi ang paligid. No noisy people. Unlike in other places. Pag dadaan ka sa kanto,madaming mga tambay doon. Na masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan.
" Nandyan ka naman, anak. " nakangiting sabi niya. " Hindi pa ba kayo ikakasal? " namula ang pisngi ko sa tanong ni manang.
Yumuko ako at kinagat ang labi. To hide my smile on Manang.
" A-hhmmmn... M-manang, may inuwi na bang ibang babae si Tyron dito? " nahihiyang tanong ko.
" Wala pa naman, anak. Ikaw pa lang. May babaeng pumupunta dito. Kaso hanggang labas lang siya ng gate at parang trabaho lang ang pakay niya kay Tyron. " I nodded. Ngunit curious ako kung sino ang babaeng iyon.
" Si S-sabrina ba, manang? " tanong ko ulit. It was obvious in my voice that I was jealous of the name I was talking about.
" Oo Iyon ang pangalan na sinabi niya sa akin. " sabi niya.
Kumunot ang noo ko habang nag-iisip. Bat hindi kilala ni manang si Sabrina.
Hindi ko na sinundan pa ang tanong ko kay manang at hindi na hinalungkat pa ang nakaraan.
Nang tapos na kaming magluto ay kumain na din kami. Nagprisinta ako kay manang na ako na ang maghuhugas.
Matapos ay nagpaalam ako sa kanya na papanhik muna ako sa taas.
----------------
Katatapos ko lang maligo at abalang naghahanap ng damit sa kabinet ni Tyron.
I stopped what I was doing when Tyron texted me.
" I'm on my way. Going home. Let's talk later. "text ni Tyron.
Napaisip ako. Ano kaya ang pag-uusapan namin.
Matapos kong basahin iyon, inilagay ko ang aking cellphone sa kama. Pagkatapos ay nagsuot ako ng isang maluwang na shirt na hanggang tuhod ko. Then I combed my hair and went down to the living room.
Binuksan ko ang t.v at sinamahan ako ni manang Betty na manood.
Pumipikit na ang aking mga mata at inaantok na ako.
Napadilat ako bigla ng mga mata ko nang magsalita si Manang sa aking harapan. Nagpaalam na siya na uuwi na sa akin.
Tumayo na rin ako at sinamahan ko siya palabas ng gate.
" Sige manang. Ingat po kayo." nakangiting sabi ko
" Salamat. " at umalis na siya.
Nang makalayo na si manang, papasok na sana uli ako sa loob nang lumapit sa akin ang pamilyar na kotse.
I opened the gate and waited for Tyron's car to enter.
Tapos nung huminto ang sasakyan, kaagad akong lumapit doon at hinintay siyang makababa sa kotse.
" H-hi. " nakangiting sabi ko. His face was serious and he didn't greet me back. Tapos naglakad na siya at pumasok ng bahay.
Tinignan ko siya at tahimik na sinundan.
May problema ba sa kumpanya niya? So that's why his presence is so cold.
" Si manang ? " biglang tanong niya.
Sinabi ko sa kanya na umuwi na siya.
Tumango lang siya at pumanhik sa taas bago pumasok sa kwarto niya.
" Kumain ka na ba? Nagluto kami ni manang. T-tinulungan ko siya. " proud pa ako nung sinabi ko 'yun sa kanya. Kaso napawi lang 'yun nang wala akong nakitang reaksyon sa mukha nito.
Napaupo na lang ako sa paanan ng kama at pinanood ko siyang naghuhubad ng kanyang polo at pinalitan niya ito ng sandong itim.
" Galit ka ba sa akin? " biglang tanong ko at nanginginig ang aking boses.
Humarap siya sa akin.
" Naiwan mo to sa sasakayan ni Blake. " sabi niya at pinakita niya ang panyo sa akin.
Maliit lang pala na bagay. Panyo lang 'yun at hindi underwear ko. Tss!
" Bat hindi mo sinabi sa akin na hinatid ka ni Blake kahapon? " tanong niya bago pumunta sa veranda. Sumandal siya sa railings. Magsisindi na sana siya ng yosi nang inagaw ko to sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim at ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat habang magkayap kami.
" Hmmmppf... Nakakatampo pa rin. " nakasimangot niyang sabi.
Tiningala ko siya at hinalikan siya sa labi niya. " Sorry. Hindi na po mauulit. " at hinalikang muli ang labi niya.
" Dapat lang. " nakangising sabi niya.
"I love you. " bulong ko sabay haplos sa pisngi niya.
Gumalaw ang kamay niya bago nilock ang mga daliri niya sa likod ko. " I love you too. " mahinang sagot niya.
--------------
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex
Romance" I hate you for hurting me , Tyron ! " " I hate you because I love you ! " #Tagalog