CHAPTER FIVE

53 4 0
                                    

KRIIINNNNNGGGG..........

Nagising nalang ako sa alarm clock ko bumangon na ako sa higaan ko at dumiretsyo na ako sa banyo at ginawa ko ang mga rituals ko.....

Habang naliligo iniisip ko parin yung kakaibang feeling ko kagabi.....napailing-iling nalang ako.

"Wala lang yun gutom ko lang yun kagabi" sabi ko sa sarili ko.....tama gutom lang yun at napatango tango nalang ako, kailangan maging masaya ako ngayun wag isipin ang BV(Bad vibes) kailangan GV (Good vibes) lang kasi Monthsary na namin ni lucas.....ayyiiieee...tapos na ako sa pagligo naka bath robe ako habang namimili ng isusuot kong damit ngayung friday, kinuha ko yung white shirt tapos black na pants tapos teternohan ng white shoes mas komportable ako sa shirt at pants lang, nag dre-dress nmn ako kaso kapag naka dress ako hindi ako medyo komportable, blinow dray ko na yung buhok ko tapos bumaba na ako.

Pababa na ako para kumain ng breakfast andun na yung kapatid ko kumakain na ang aliwalas ng muka nya halatang maganda ang gising, inspired ehh.....

"Aba......aba.......ang shoti ko ganda ng gising ahh......"sabi ko sakanya habang pumapalakpak ng mabagal na nakangiti.

"Hay nako ate kumain kana malalate tayo ehh......"sabi nya saakin tapos nagpout ang loko hahaha.....maasar nga ito hehehe....

"Aaassusss.........gusto mo lang makita agad si Camilla Shane Roberts ehhh......"sabi ko sakanya habang nagsasandok ng kanin, namula ang loko hahaha.....ang cute ng kapatid ko hahaha.....

"H--ala s-i at-e pa-rang ewan kuma-in ka na-lang dyan." Nauutal na sabi nya hahahaha......napatawa nalang ako ng malakas hahahahaha........at kumain na ako baka nga malate kami.....tapos na kaming kumain ng kapatid ko nauna na sya sa kotse ako kinuha ko pa kasi yung DLSR ko kasi mag s-start na yung pagoopen ng club namin sa nga freshmen syempre kaming mga matagal ng member kami ang mag tra-train sakanila kung paano ang tamang pag hawak ng camera kung paano makakuha ng magandang shots at kung anu-ano pa.

Pagkakuha ko nung camera ko agad na akong sumakay ng kotse kasi yung kapatid ko sinumpong ng kasungitan naman hehhehe.......

"Ang tagal-tagal mo ate panget, malalate tayo nyan ihhh"......sabi nya saakin pagkapasok ko sa kotse.

"Heh! Ang aga-aga palang nget, gusto mo lang makita si cams (short for camilla) ehh". Sabi ko sakanya inirapan nalang nya ako at nagbasa ng libro nya. Isinalpak ko nalang yung earphone ko sa cellphone ko at nag sound trip ako.

Mga ten minutes andito na kami sa KHU naunang bumaba si adrian sakin inayos ko muna ang gamit ko at lumabas na iniwan ko na yung eye glasses ko sa kotse, hindi nmn malabo mata ko ihh design lang yun hehehe.......

Pagkababa ko isinabit ko na sa likod ko yung John sport ko na bag ko na Kulay black tapos isinabit ko sa balikat ko yung bag ng DLSR. Habang naglalakad kinakalikot ko yung camera ko tinitignan ko kung full charge at malinis, pero kung minamalas ka nga naman may nakabanggaan ako.

"Ayyy! Palaka.......!!!!" Sabi ko kasi muntik ng nahulog yung camera na hawak ko! Pag ito talaga natuluyang nahulog at nasira baka magdilim paningin ko malulumpo ko yung nakabangga sakin.

"Sorry miss.....are you ok?"sabi nung nakabangga sakin inangat ko nmn yung tingin ko sakanya at napanganga nalang ako sa nakita ko......jusko lord nasa langit na ba ako? Bakit may anghel dito??!....grbe ang gwapo niya yung kilay nya ang perfect sakto lang ang kapal tapos yung mata nya na mapupungay at kulay brown ito hindi sya masyadong singkit sakto lang tapos ang tangos ng ilong mapupula ang labi tapos maputi.....kahit sinong babae mapapanganga sakanya ang pogi ihhh.......kyyyaaahhh...

"Miss? Are you alright?"tanong nya sakin, dun na ako natauhan sa pagpapansya sakanya
Napakurap kurap muna ako bago ko sya sinagot.

"Ah!, yeah I'm ok, sorry diko tinitignan yung daan ko" sabi ko sakanya nagpipigil ako ng kilig hehehe......wag nyo akong isusumbong kay lucas ahh.....hehehe

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon