Chapter 28

20 2 0
                                        

Meet Shane Yvonne Salvador and Stephen kyle Suarez

Enjoy reading chicken joys😉

Alex POV

Dumaan ang araw ng linggo, halos isumpa ko si kuya carreon! Halos hindi ko mailakad ang mga paa ko dahil sa sakit ng binte ko! Pinipilit kong tumayo para makaligo lang, hindi rin ako makababa dahil ugh! Yun nga masakit ang binte ko, dinadalhan nalang ako nila mommy ng pagkain sa kwarto ko.

Yung kapatid ko naman na pangit, tinatawa-tawanan lang ako! Ganun din si kuya carreon, tinuktukan ko nga sya eh imbes na magsorry saakin dahil ito ang dinanas ko sa pajajogging jogging nya inasar ang ako nung loko! Ikwenento nga nya sila Dior at Dan eh ang saya saya naman nila.

Hindi ko na nga pinapansin si kuya carreon eh! Hanngat masakit itong mga binte ko hindi ko papansinin yun! Promise! 

Alam nyo nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpumilit na pumasok kahit medyo masakit pa mga binte ko, hindi naman na katulad nung kahapon, nabawasan naman na ang kirot. Tapos na ang mahal na araw pero ako magsisimula palang mag penitensya, naalala nyo ba na nasa 4th floor ang room namin?! Huhuhu.....sasakit naman binte ko nito eh! Gusto ko na nga lang umuwi ulit eh huhuhu.....

Lunes na ngayon, kaya pumasok ako eh malapit na ang Sport fest namin bilang president ng room namin ay kailangan kung makimeeting, actually every class president ng bawat section at grade ay kailangang umattend ng meeting.

At sawakas ay narating ko na ang floor namin! Maglalakad na sana ulit ako ay bigla namang may pumatid saakin!

"Opss, sorry, hindi ko sinasadya" nilingon ko naman yung nagsalita hindi ako nagkamali si lyka yoon at kasama naman nya ang dalawa nyang sungay ay este alepores.

Agad naman akong tumayo, kahit na masakit dahil binigla ko ang pagtayo ramdam ko yung sakit ng binte ko.

Bwesit kang pakwan ka! Biyakin ko yang dalawa mong pakwan eh!

Pagkatayo ko ay hinarap ko sya at tinignan sya nakacross arms ito at nakangiti ng nakakaasar!, ramdam ko ang tinginan ng ilang mga students na napapatingin saamin ni lyka, siguro ramdam nila ang tensyon namin.

"Ano bang problema mo ha?" Tanong ko sakanya pinipigilan kung mainis pero hindi ko na napigilan.

"I told you already, hindi ko sinasadya, ikaw naman kasi, hindi ka tumitingin sa dinadaan mo" sarkastikang sambit nito..grrr, nakakabwesit kang babae ka! Hindi daw sinasadya! The heck!

Kumalma ka alex, kalama lang self...kahit anong mangyari self wag kang mananapak, masyadong matigas ang muka nyang babaita na yan, kawawa ang kamao mo. Pagpapakalma ko sa sarili ko, napapikit naman dahil sa inis, huminga ako ng malalim at marahan na ibinuga iyon.

"O? Bakit? Naasar ka na ba?" Nangaasar na tanong nya ulit.

Nanggigigil na talaga ako sa babaeng to!  "Oo naasar na ako, hindi dahil sa ginawa mo, dahil dyan sa pag mumuka mo, sino ba naman ang hindi maasar sa ganyang pagmumuka? Ang aga aga tatlong asungot ang makikita mo" Diko na napigilan ang inis ko nawala na din ang filter ng bibig ko, narinig ko rin ang mahihinang tawa ng mga estudyante.

"Anong sabi mo?!" Gulat at inis nitong sambit saakin, magkasalubong naman na ang kilay nito at nanlilisik na ang mga mata nito.

"O? Ano? naasar kana ba?" Panggagaya ko doon sa tanong nya kanina at nginisian ko sya, lalo namang tumalim ang tingin nya saakin.

Akma nya akong sasampalin ng may humawak sa pulsuhan nito

Xian....

"Slap her, sa hospital kana magkakaroon ng malay" nanlaki naman ang mata ko at napatitig sakanya, seryoso itong nakatingin kay lyka, tumingin naman ako sa alepores nya nagulat din sila, at napatingin ako kay lyka na nagulat din sa sinabi ni xian.

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon