Chapter 34

11 1 0
                                    

Alex POV

“Maggie! Nice to see you!” bati ni tita cellestine kay mommy saka sila nagyakap sa isa’t isa.

“Jusko tine! It's been a long time Pero wala ka paring kupas!” Nang bola pa si Mader, joke lang hehehe, totoo naman wala paring kupas si tita tine, napakaganda parin at sexy.

Nagusap sila ng saglit at saka ako binalingan ng tingin ni tita tine.

“Ikaw na ba yan Alex?” Grabe naman si tita, hindi na ako nakilala dahil sa tagal naming hindi nagkita, ang last atta na pagkikita namin eh noong 11 years old pa ako.

“Yes po tita” sagot ko naman sakanya na nakangiti.

“oh my!, Napakaganda mo hija, Mana sa mommy” saka sya bumeso saakin. Saka naman nya binalingan si Adrian, syempre batsa si Adrian hindi mawawala ang pagpisil sa pisnge nya.

Nagusap sila ng saglit saka kami nagpunta sa uupuan namin, sila tita tine naman ay busy sa pag wewelcome sa mga visita na dumarating pa, palinga linga naman ako sa paligid, nagbabakasakaling may mahanap akong kakilala, woshoo, Sana andito sila Cass at Franz, tsaka si ate Celine hindi ko pa nakitkita, asaan kaya Yun?.

“Ate, kanina ka pa lingon ng lingon dyaan” napatigil ako sa paghahanap ko, dahil dito sa kapatid ko, panira eh, Dina lang magfucos sa sarili, kung ano ano napapansin.

“Wag kang magulo dyaan, hinahanap ko si Cass at Franz” sagot ko sakanya at saka ko ulit iginala ang paningin ko.

“Tss, para kang blue na ostrich sa ginagawa mo” napatigil ako sa ginagawa ko at Dahan Dahan ko na binalingan ng tingin si Adrian. Pagka tingin ko sakanya ay kinakalikot na.nito ang cellphone nya.

'goodness! Kung wala lang akong hiya sa katawan ko ay binatukan ko na itong kapatid kong too, aiisshh'

Dahil sa sinabi ng kapatid ko kay tinigil ko na ang paghahanap ko kila cass, kainis eh, ostrich ba naman ang itawag saakin, duh, sabi nila kanina nag ganda ganda ko hehehe, yoon sabi nila…

Mayamaya pa ay may mga waiter na nagserve ng pagkain sa lamesa namin, steak atta itong inihain nila, ah basta pakain! Hindi pa naman ako gutom, actually busog pa ako, umalis naman sila mommy at daddy, ayun nakikipag chismisan sa mga business partners nila. Kaming dalawa lang ni adrian ang andito sa lamesa namin. Napatingin ako sa may garden nila tita tine mukang walang masydong tao doon ah.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko phone ko sa may pouch po akmang tatalikod na ako ng bigla akong tawagin ng kapatid ko.

"Saan ka pupunta ate?" Tanong nito saakin. Inirapan ko muna sya bago ko sagutin ang tanong nya.

"Bakit? Miss mo na ako agad?" Pabalang ba sagot ko sakanya, inirapan naman ako nito.

"Tss, sige alis na! Shoo" sambit nya at unaaktong itinataboy ako, ano ako manok? Shoo talaga?.

Sa huling pagkakataon ay inirapan ko sya saka ko hinawi ang buhok ko at tumayo na saka ako naglakad papuntang garden nila tita tine. Sa luwang nitong recieving area nila ay inabot ako ng isang minuto bago ko narating ang garden nila. Jusko! Kapag ako nagkabahay, ayaw ko ng ganitong kalaking bahay nakakapagod mag lakad.

Pagkarating ko sa garden ay agad na bumungad saakin ang mga iba't ibang kulay at klase ng mga bulaklak, nadama ko din ang lamig ng gabi, kayo ba naman ang naka sleeveless hindi kayo lalamigin? Hihihi, joke lang…

Alam nyo kahit gabi na, ang linag dito sa garden nila tita tine, kaya kitang kita mo ang mga bulaklak kahit gabi na, curious tuloy ako kung magkano bill ng kuryente nila tita tine..

Inilibot ko ang aking paningin sa garden nila, napakaluwang as in! Saka ako nagsimulang maglakad lakad, taray ko dba? Nakuha kung maglakad lakad ng naka high heels, good luck saakin sana hindi ako matapilok. 

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon