Alex's POV
isang araw na ang nagdaan at ok naman ang pakiramdam ko, pero yung sakit ni hindi man lang nabawasan, masakit parin kasi eh, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Noong pagkauwi ko ng eh, wala akong kinikibo ni isa dito sa bahay pati kapatid ko hindi ko kinikibo.
Dito natulog sila cassie at franz, sinamahan nila ako sa pag eemote ko, pilit nila akong pinapatawa pero imbes na ngiti o tawa ang magawa ko iyak lang ako ng iyak.
Sinabi ni cassie at franz ang nangyari kay kuya carreon, na gusto nang sugurin si lucas at bugbugain dahil sa galit, kaya pati ki kuya carreon eh, pilit na pinapasaya ako sabi pa nga nya saakin eh.
"Couz, hayaan muna sya, dika nya desrve, marami pa diyan na lalaki na mamahalin ka talaga ng tunay."
"Ang kailangan mo nalang gawin ngayon ay mag move-on at tanggapin nalang ang nangyari, pag nakita ko talaga yung tarandado na yun isabelle hindi na sisikatan ng araw yun"
yaan ang sinabi saakin si kuya carreon, nung sinabi nya yang mga yan niyakap ko nalang sya at umiyak ng umiyak, tama si kuya car, ang mag move-on at tanggapin nalang ang nangyari kahit masakit gagawin ko, ipapakita ko sakanya na hindi ko sya kailan para maging masaya ako, I have my friends, family, to make me happy and special.
Hindi ko sya kailangan! MAKAKAMOVE-ON ako, kakayanin ko to! Ako si Alexandria Isabelle So, kaayanin ko tooo!.
»»»»»»»»»»»
Linggo na ngayon andito ako sa kwarto ko inilalagay ko lahat ng ibinigay saakin ni lucas sa isang box, lahat ng pictures namin sinonog ko na nung sabado, itong nga bulok na bulaklak nalang ang andito at mga bear's at heart na stuff toy, inilagay ko na lahat sa box, papamigay ko nalang sa mga bata doon sa isang orphanage namin.
Ginawa ko yun para madali ko sya makalimutan at makamove ng tulayan, kasi tuwing nakikita ko yung nga ibinigay nya saakin naalala ko sya at yung sakit na anditi sa puso ko, hindi man mahihilom agad itong sugat sa puso, alam ko na darating ang araw na maghihilom ito.
Habang inilalagay ko sa box itong mga bears ay pumasok si manang layla sa kwarto ko.
"Alex, andiyan si franz sa baba" sabi ni manang saakin, si manang layla matagal na dito saamin, noong bata pa lamang ako sya na ang nag-aalaga saakin.
"Ay sige po manang, pake sabi nalang po magpapalit lang po ako" sabi ko kay manang tumango tango sya at isinara ulit yung pinto.
Nagpalit na agad ako ng damit, nagsuot ako ng white shirt tapos maong pants tapos nagsapatos ako, sinoklay ko narin yung buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.
Pababa na ako sa hagdan nakita ko na si franz na nakaupo sa sofa at halatang naiinip na at salubong na ang kilay nya, itong baklang to talaga ayaw syang pinaghihinta.
"Tara na franz" sabi ko sakanya.
."Aynako, buti bumaba ka pa ang bagal mo talagang kumilos tss" inis na sabi nya saakin at inirapan ako.
"Manang alis na po kami" sabi ko kay manang na agad namang lumabas sa kusina.
"O sige alex ingat kayo ahh"
"Opo manang." Sagot ko kay manang, at lumabas na ng bahay.
Si franz andoon na sa sasakyan nya hinihintay na ako, kaya binilisan ko ang pagpasok sa kotse nya baka iwan ako hahaha.
Pagkapasok ko ay agad naman nyang pinaandar na nya ang sasakyan nya at umalis na kami, bigla kong napansin, bakit hindi kaya nya kasami si cassie? Matanong nga.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with you (On Going)
Teen FictionDalawang Pusong nasaktan, kaya pa bang buksan ito para mag mahal muli?paano kung sa taong hindi mo inaasahang tumibok ang puso mo muli? Aaminin mo ba ang nararamdam mo? Oh pipigilan ang nararamdaman at itatago nalang ito para hindi na masaktan pang...
