Alex POV
Lunes nanaman ngayon, nakakatamad bumangon ng maaga pero ngayong araw iba ang nararamdaman ko hindi katamaran kundi magkakasakit atta ako, parang binibiyak yung ulo ko sa sakit, boset naman maling maling maligo ako ng ulan kahapon
Yes, Oo, Of course umulan kahapon, ako kasing parang batang kinulong ng mahabang panahon sa loob ng bahay ng hindi nakakakita ng ulan eh naligo ako, kaya ito ako ngayon sisiponin at lalagnatin pa atta ako nako naman!
Pinilit kung bumangon napahawak ako saaking ulo dahil para talagang binibiyak ito, mesheket eh, pagkabangon ko ay dumeritso na ako sa banyo para maligo dahil papasok ako!
Alam nyo ba syempre hindi pa, nung sabado gulat na gulat ako sa mga nangyari! Akalain nyo yun yung babaeng nakahulog ng wallet sa mall, yung bata na nasa park ay Mama at kapatid lang naman ni Xian! Idagdag nyo pa yung ate nya na napakaganda!
Flashback.......
"Mamimiss kita alex"
"Mamimiss din kita kuya Carreon" sabi ko din kay kuya Car sabay yakap sakanya babalik na kasi itong mokong na ito sa New York Graduation na nila kasi at hindi lang naming alam kung kalian ulit sila babalik dito sa pinas.
Nag-usap pa kami saglit ni kuya carreon, itong lokong ito sumadya pa sya dito para lang magpaalam saakin eh kanina pa pala sila tita na nasa airport sya nalang ang hinihintay. Nag bilin ako kay kuya ng mga pasalubong ko sa pagbalik nila hehehehehe minsan lang ako magsabi kaya sinulit ko na kaya nakahuha tuloy ng pitik sa noo, ang sakit pa naman ng pitik nun.
Pagkatapos naming mag-usap ni kuya carreon ay nagpaalam na sya na aalis na ito at nagtext na si tita na kanina pa nila hinihintay ito. Noong makaalis na si kuya ay bumalik na agad ako sa loob at doon o naabutan si mommy na may kausap itong babae, nakatalikod ito saakin kaya diko alam kung sino iyon kaya lumapit nalang ako sakanila
Nakita agad ako ni mommy kaya nginitian nya ako at tinugon ko din ang ngiti nya, nagtaka siguro yung kausap ni mommy kung sino ang nginitian nito kaya napalingon ito sa akin din.
Noong napalingon yung kausap ni mommy saakin eh parang familiar saakin itong magandang babae na ito, kaso diko alam kung saan ko ito nakita kaya hindi nako nag isip pa.
Noong tuluyan nakaong nakalapit kila mommy ay agad nya akong pinakilala sa kausap nya.
"Maricel ito nga pala ang panganay ko si Alex"
OHMYGHAD! Sya si tita ganda! Kaya pala familiar sya saakin eh!
"Omy! Alex! We meet again!" lumapit ito saakin at bumeso nya ako
"Kaya nga po tita eh, what a small world hahaha"
"Wait, magkakilala kayo!?" gulat na tanong ni mommy saamin ni tita ganda
"Yes, sya yung nakapulot sa wallet ko at ibinalik saakin hindi lang maganda mabait pa" sabi ni tita maricel at sabay kindat saakin nginitian ko naman sya
"Hndi mo nakwento saakin yun alex ah" sabi ni mommy saakin, kailangan bang ireport ko sayo lahat ng ginagawa ko mader? Choss, pagod ako noon mommy sorry naman. Sabi ko sa isip ko, nginitian ko nalang si mommy bilang tugon
"By the way ipapakilala ko kayo sa mga anak ko" sumenyas si tita maricel na malapit lang din sa table naming, pagkasensyas ni tita maricel doon sa dalawang nakaupo doon ay agad naman silang tumayo at nagpunta sa kinakatayuan namin.
"This is Christine ang Panganay" pakilala ni tita maricel noong makalapit na sila saamin, wala akong masabi sa itsura ni ate Christine, napakaganda nya as in PERFECT! Ganun!
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with you (On Going)
Ficção AdolescenteDalawang Pusong nasaktan, kaya pa bang buksan ito para mag mahal muli?paano kung sa taong hindi mo inaasahang tumibok ang puso mo muli? Aaminin mo ba ang nararamdam mo? Oh pipigilan ang nararamdaman at itatago nalang ito para hindi na masaktan pang...
