Alex's POV
Its already 9 na ng gabi at andito na ako sa aking kwarto nakahiga saaking kama, ayoko ng lumabas pa kasi alam ko aasarin lang ako noong dalawang punggok.
Hindi ko na tinapos pa kanina ang pagmemeryenda ko dahil bentang benta ako....hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, asar na asar ako ehh...
'Inihatid lang ako, inihatid lang, nagmamagandang loob lang yung tao ehh'
Dito na aki ng dinner sa kwarto ko, hinatiran ako ni manang beth ng makakain ko, dahil wala na talaga akong balak na bumaba pa!
'Kuya galingan mo naman matatalo na kita oh!'
'Tss....manood ka matatalo din kita!'
Malalim na ang gabi ang iingay pa nong dalawa! Pupusta ako, nag vi-video games yang dalawang yan kaya ang ingay ingay naman nila, hayyyynaakkkoo, my goodness!
Tumagilid ako sa kaliwa ko at nakita ko si duday na nakatulog na sa sofa ko sa aking kwarto, sarap buhay ahhh.....
'Nakauwi kaya ng maayos si xian?'
Biglang tanong ko sa isip ko.....
Aiisshhh, ano bayan, alex! Kung ano ano iniisip mo! May driver sya! Ligtas yun for sure! My goodness naman oh!
Bigla ko nalang naalala yung ngiti nya kanina, hehehe, ang ganda ng ngiti nya, ang gwapo nya sobra kapag nakangiti! Hehehe...
Ang ganda ng ngipin nya pantay pantay, nakakasilaw ang kintab ng ngipin nya, ang cute pa ng lips nya....hehehe,
'I told you adrian, nabubuang na ang ate mo.'
'Tsss, yeah your right kuya'
May narining akong bulungan kaya napabalik ako sa wisyo ko at nakita ko yung dalawang tokmol na nasa pintuan!
"Ano naman!?" Inis na tanong ko sakanila.
"Nagpapantasya ka naman ate, wahahaha, may pangiti ngiti ka pa tsss....crazy" sagot ng kapatid ko, na may nakakalukong ngisi!
'tsss, bwenas ka!'
"We're here para i-check ka sana, kung tulog ka na or what, pero mukang maayos ka naman at magiging maayos ang pagtulog mo.....ganda ng ngiti eh...ngiting tagumpay!
Sabat ni kuya carreon, kaya napatingin ako sakanya, aba, nakapang tulog na ito ahh, tss dito pa matutulog ang luko!
"Sige kuya idiin mo pa yang ngiti, ngiti na yan! Masama ba ngayun ang nguti?!" Inis na tanong ko ulit!
"Hmmm" kunwaring nag iisip pa yung dalawa at may pakamot kamot pa sa baba "Wala" sabay nilang sambit at saka ngumisi
"Wala kasi crush mo naman sya ehwahahaha" sabat agad ng kapatid ko! Dinampot ko ang unan ko saka ko ibinato sakanila, pero bago pa umabot sakanila ay isinara na agad nila ang pinto, kaya yung pinto ang nabato.!
'Sa susunod halo blocks na ang ibabato ko'
Maya maya pa ay ipinikit ko na ang mata hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako....
ZzzzzzzZzzzzZzzz..........
KINABUKASAN...
Beeepp.......beeeppp...beeeppp....
A/N: hindi na KRINGGGG hahaha.....
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko dahil naririndi na ako sa alarm ko, kinuha ko ito sa night's stand ko at pinatay ito...
Tumitig muna ako sa kisame ko at nag unat-unat bago ako bumangon...tumingin ako sa sofa dito sa kwarto ko at nakita ko si duday na natutulog pa...
Tamad naman akong tinahak ang banyo ko para maligo....
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with you (On Going)
Teen FictionDalawang Pusong nasaktan, kaya pa bang buksan ito para mag mahal muli?paano kung sa taong hindi mo inaasahang tumibok ang puso mo muli? Aaminin mo ba ang nararamdam mo? Oh pipigilan ang nararamdaman at itatago nalang ito para hindi na masaktan pang...
