Happy one year chicken joys!💜
Akalain nyo yun! One year na nito! Thank you sa support nyo po guys! Maraming salamat!
Enjoy reading Chicken joys!💜🤗
ALEX POVKINABUKASAN maaga akong nagising, napakasarap ng tulog ko, walang labis walang kulang, sa tuwing naalala ko ang itsura ni xian kahapon, kinikilig ako! Namula kasi pisnge nya at ilong napaka cute nya hehehe…..
Nagtataka nga sila mommy at dad kagabi dahil hindi maalis ang ngiti ko, kahit na inaasar ako ng kapatid ko kagabi ay hindi ako napipikon, ako nga ang nagprisinta na maghugas ng kinainan namin kagabi eh, kahit ayaw ni mang layla ay nagpumilit ako, ganun ako kasaya kagabi!
Bumangon ako sa higaan ko na nakangiti parin dumeritsyo ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush, pagkatapos ko maghilamos at toothbrush, nagpalit ako ng damit ko, balak kung ipasyal si duday, nag suot ako ng maong short, hindi naman maiksi sakto lang at ang pangitaas ko naman ay puting shirt na may tatak nab pony, kinuha ko ang cellphone ko at saka ako lumabas ng kwarto ko.na
Hindi na sa loob natutulog si duday, dahil nung isang arae ay tumae sya sa may couch, nagalit si mommy kaya binilhan ni mommy ng kulungan nya, kaya ayun buti nga hindi pinalayas si duday eh, yung aso naman kasi na yun, ang luwang ng garden hindi doon tumae, sayang fertilizer pa sana yun ng mga tanim ni mommy, hayysss….
Pagkababa ko ay nakita ko si manang beth sa may sala, naglilinis binati ko naman sya.
“Good morning manang beth" bati ko sakanya.
“Mas maganda ka sa umaga hija"
“si manang ang aga aga nagbibiro na agad hahaha"
“sus, totoo yun hindi yun biro, may lakad ka hija?” tanong nya saakin. Si manang beth laging sinasabi na maganda ako, pati si manang layla si mommy, dad, lahat ng tao dito sa bahay maliban sa kapatid ko, sa tuwing sinasabihan ako ng ganun ay nahihiya ako, alam ko naman yun eh, maganda lahi ng parents ko kaya hindi na nakakapagtaka, wala lang akong confident, tsaka wala akong paki sa panlabas na anyo, mas mahalaga saakin ang kagandahan ng kalooban, bunos nalang ang kagandahan sa panlabas, para saakin kapag maganda ang kalooban mo, you are beautiful, lahat naman tayo ay magagandan, we have our own beauty, so don't compare your self, sa bawat isa saatin ay may kanyan kanyang ganda, uniqueness, just be your self.
“ah, ipapasyal ko lang po si duday manang beth, hindi pa po ba gising sila mommy?”
“ah, ganun ba, hindi pa gising ang iyong mame at dade, baka gusto mo munang magumagahan, ipaghahanda na kita"
“nako manang mamaya nalang po, sasabay nalang po ako kila mommy mamaya, tsaka hindi pa po ako gutom manang, hihihi" pagpapaliwanag ko dito, kapag kumain na ako ngayon mamaya kakainin naman ako pagkadating ko bibigat naman ako, nakakahiya naman kay xian, tatawagin naman ako nung taba hmp!
Ay teka nga! Bat ako mahihiya kay xian? Nagpapabuhat ba ako sakanya? Hindi naman eh! Tsaka wala naman paki yun kapag kumain ako ng marami eh!
Umiling iling ako saka ako nagpaalam.kay manang, nagpunta ako sa may garden, doon nila nilagay bahay ni duday, tatae tae kasi sa may couch pa tuloy sa garden ang bagsak tsk.
Itong aso na talagang too oh, hobby ang matulog! Tulog ng tulog hindi naman lumalaki! Hinaplos ko ang ulo nya para magising ito, hindi man lang nagising! Tulog mantika itong aso na ito!
“Duday, baka gusto mong gumising" sabi ko habang hinahaplos ang ulo nya, pero wala parin, Ah ayaw mo gumising ah!
Tumikhim muna ako bago nagsalita “Duday, gising na, kapag hindi ka pa nagising, magiging kilawen ka" at bigla namang nagising ito, lumabas na sa Dog house nya at saka nagtatatakbo sa garden, tss...gusto pang marinig ang kilawen bago gumising..tss…
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with you (On Going)
Teen FictionDalawang Pusong nasaktan, kaya pa bang buksan ito para mag mahal muli?paano kung sa taong hindi mo inaasahang tumibok ang puso mo muli? Aaminin mo ba ang nararamdam mo? Oh pipigilan ang nararamdaman at itatago nalang ito para hindi na masaktan pang...