Chapter 26

32 2 0
                                        

Alex POV

Lumipas ang araw, linggo, at buwan, mas naging close pa kami ni xian, ganun din nman kila bessy cass at bessy franz, pati sa club namin ay naging kaclose nya na rin ang mga members doon.

Dahil nga medyo nakikilala na sya sa school ay marami ng nagkakacrush sakanya, yung iba ngang makakapal ang muka eh inaabutan sya ng letter, minsan yung mga bahihiya na ibigay sakanya ng personal ay saakin inaabot at uutusan na ibigay sakanya! Keso daw kaclose ko si xian!

Sarap batukan eh! Dami ko nang kaagaw! Pero nga lang, ako nalalapitan at nakakausap slash kaibigan ko pa! Eh sila hanggang pa letter letter lang di naman binabasa ni xian! Hahaha.

Yung iba nga na pinapaabot nila saakin eh, binabasura ko! Hahahaha, sama ko noh? Hahaha, slight lang naman, minsan ko lang ginawa yoon.

A/N: gaano kadalas ang minsan? Aber?

Hehehehe, Author naman, wag mo na akong ilaglag! Hahaha, madalas yong minsan ko hehehe.

Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas noong gabi na isinayaw ako ni xian, pero ramdam ko parin yung kamay nya sa bewang ko hehehe, pati pabango nya namemorya ko na rin!

'Baliw na nga siguro ako, punta nyo na ako sa mental'

Its friday na mga tsong! So ito kami ngayong tambay sa soccer field, andito kami sa pinakagitna ng bleachers, may mga mangilan ngilan na studyante rin dito para tumambay, pero yung iba tumatambay dito para lang makita yung mga crush nilang soccer player!

Ako naman kahit gusto kung panourin ang practice nila xian ng basketball ay nahihiya naman ako mamaya malaman nyang may crush ako sakanya eh, di buking na ang lola nyo!

"Bakla, kamusta na ang feelings mo kay papa xian?, mag kwento ka naman" biglang tanong saakin ni franz, storbo! Nagmomoni moni ako eh!

"Ayun, ganun parin, at bakit mo naman natanong? Aber?" Tanong ko rin sakanya at nagtaas ng isang kilay.

"Asusss.....ganun parin daw! Hoy! Hindi mo ako, kami" sabay turo sa sarili nya at kay cass na noon ay may katext atta, busy sa kakatipa sa cellphone nya eh. "Maloloko! Kala mo diko hindi namin napapansin, nung mga nakaraang buwan pa, iba na yang ngiti mo eh, si ka naman ganyan noong una, halata ka masyado girl kapag kinikilig para kang timang na ngingiti ngiti kapag may nasabi lang si xian na maganda sayo!" Asik nya saakin, grabe naman magobserve ang isang ito!

'Ganun na ba ako kadaling basahin?, gosh kung napapansin ni franz yoon at cass, paano nalang kay xian? Nako naman!'

Pero aaminin ko, isang buwan na ang nakalipas, parang araw araw mas nahuhulog pa ako kay xian, kasi naman minsan talaga kapag nagaasaran kami andami kung nalalaman tungkol pa sakanya.

Tapos minsan ang sweet pa nya saakin, minsan nga pinagbuhat nya ako ng bag! Kahit magaan lang yoon.

Tapos meron din yung time na nagaaral ako sa library, break time nun, nakalimutan kung bumili ng snacks ko, dinalhan nya ako doon!

Tapos noong may P.E kami, pinatakbo kami sa oval 5 laps yoon ah!, dahil nga busy ako noon sa pagtitig kay xian habang tumatakbo, ang hot nya kasi noong pinagpapawisan sya eh, nadapa ako, dahil hindi ko napansin na natapakan ko pala ang sintas ko!
Sya nagdala saakin sa clinic, sinamahan nya ako doon habang ginagamot ako ni nurse edlyn at nurse  kyla.

Meron din yung time na sabay kaming nag-aaral sa library, yung tipong actually tutor ko na nga minsan eh, tsaka kinikilig ako kapag masyadong malapit kami sa isa't isa, sarap din nya kasing singhot singhutin ay este yung pabango nya,  kapag tinuturuan nga nya ako eh nakatitig lang ako sakanya hehehe.

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon