Chapter 15

21 1 0
                                    

Xian's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukute ko at ako ang nag insist na maghatid sa kanya...

'Sabagay, mas mabuti na yung ako ang naghatid sakanya kaysa mag taxi sya, aba mahirap na marami ng luko lukong driver ngayun noh!

'Pero may mga kaibigan sya'

Aba, malay ko ba dun sa dalawang yun hinayaan na ako nalang ang mag hatid kay alex, tss...

A/N: aysuss.....ginusto mo naman ehhh, ayiieee, wag mo ng itangge wahahaha..

Hoy, hindi ahhh, pagmamagandang loob lang yun, tsaka pambawi ko na rin sa kanya kasi ipinahiram nya yung camera nya saakin.

A/N: susss....sige sabi mo ehh....

Oo author manahimik ka nalang dyan!

"Ang ganda naman ng kaibigan nyo sir Ci" tanong saakin ni mang berto habang nagmamaneho pauwi.

Dun ako bumalik sa wisyo ko at ibinaling sakanya ang paningin ko..

"A-Ah, o-opo hehehe" nahihiya at nauutal na sambin ko at napakamot naman ako sa sintido ko.

'bakit ako nauutal? Tss, what's happening to me?

"Alam nyo ser, bagay kayo nun ni ma'am"

Nasamid naman ako ng sarili kong laway, nakakagulat naman itong si mang berto, kung ano ano ang pinagsasabi...

"Mang berto naman, kaibigan ko lang po yun" sabi ko nalang, pakiramdam ko umakyak yung dugo ko sa muka ko pakiramdam ko namumula ako...

"Sus, ser Ci ahh, kaibigan pala, bakit kayo namumula?" Nang-aasar at natatawang sambit ni mang berto

"Kasi naman kayo mang berto eh, kung ano-ano sinasabi nyo, nakakagulat kayo, kaibigan ko lang po sya, yun lang tapos mang berto."

"Oh sige ser, sabi nyo eh" tumatangong tugon saakin ni mang berto, tsss, pero nakangisi ang loko...

Mamaya pa ay nasa bahay na kami...
Sinalubong naman ako ng kambal kung kapatid, iniluhod ko ang isa kung tuhod para magpantay kami, niyakap nila ako, ako naman ay ginulo ang buhok...

Alex's POV

Napatingin ako doon sa may bintana namin at nakita ko ang utsura ko na nakangiti na din pala...

'Gezzzz what's happening to me??'

"Hoy!!!, anong iningiti-ngiti mo dyan?"

"Ay palaka ka!" Malakas na sigaw ko, dahil bigla bigla nalang sumusulpot itong si kuya carreon..

"Ang gwapo ko namang palaka...hahaha" papuri nya sa sarili nya...

'Sabagay hehehe, tama naman sya hehehe"

"Tsss, pinupuri mo naman sarili mo kuya carreon" nakangisi at umiiling na anas ko sakanya...

Tinaasan naman nya ako ng kilay at lumapit sya saakin saka nya inipit yung ilong ko, dahilan para hindi ako makahinga!

"Kuya carreon ni ako mainga ng mahayos!" Nahihirapang sambit ko, ang sakit na ng ilong ko!

"Bawiin mo muna yung sinabi mo, hindi ko to bibitawan hangga---"

Hindi ko na pinatapos pa si kuya carreon sa pagsasalita at sumagot na ako "Oo na kuya gwapo kana!" Malakas na sambit ko!

'Ang brutal naman nitong si kuya, tsss'

Saka naman nya tinanggal ang pagkakaipit ng ilong ko, hinahabol ko ang hininga ko nung tanggalin na nya ang pagkakaipit ng ilong ko.

'Loko ito ahh, papatayin ako eh, hindi lang nasabihan ng gwapo!'

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon