Annyeong! Sa mga kapederasyon ni Franz dyan! Check the multi media, say hi franz Miguel Suano! Hehehe😁Enjoy reading Chicken joys!😊
XIAN POV
This past few days ay naging busy ako sa practice ng basketball, halos hindi ko na mga makita si taba eh, hindi parin mawala sa isip ko ang itsura ni alex taba nung mga nakaraang araw.
Bentang benta sya saakin, kapag namumula sya, napakacute nya! Lalo na noong sinabi nya yung ‘itlog mo bugok’ saakin, talagang nagulat ako doon, sino ba naman ang hindi!
Sa twing maalala ko kung paano sya namula ay napapangiti ako, she's so cute! No, she's adorable..
“Oii, kuya xian, your next na" natigilan ako sa pagiisip ng bigla akong kalabitin ni adrian, kapatid ni alex taba.
By the way, andito kami sa faculty dahil sinusukatan kami para sa jersey namin sa darating sport fest, Actually excited na ako dahil sure akong kasali ang dati kung school, makikita ko ulit ang dalawa kung kaibigan.
Pagkatapos naming sukatan ay nauna na kami nila kuya Stephen, adrian at thirdd, pagkapasok namin sa gym ng basketball ay may nadatnan kaming dalawang babae na naglalaro? Or yung isa lang?
Bahagya kaming napatigil sa entrance ng gym, at pinanood itong dalawang babae na naglalaro. Namukaan ko yung nagpupulot ng bola, si cassie iyon kaibigan ni alex, sino naman itong nakatalikod? At kung magpahulog ng bola sa ring ay pasok na pasok, natigilan ako sa pagtitig sa babaeng nagsho-shoot na’ng magsalita si adrian.
“shooter talaga ang ate ko kung tumira, Idol ko yan" sambit nito na talagang humahanga sa ate nya, wait what! Si alex taba yang naglalaro ng bola! Fuck! Hindi ko maiwasang humanga sakanya kukunti lang ang nakikita kung babae na kung mag shoot ay pasok na pasok ang bola sa ring!..ano pa ba ang natatago mong talento alex taba? At palagi mo nalang ako ginugulat sa mga kaya mong gawin, una ang pagtugtog mo ng guitara, at ang cool mo dun, pangalawa your voice, its like a voice of an angel na ang sarap pakinggan at ngayon ito, ano pa alex? I want to see what you have...and that makes me like you more, badly.
Kuya Stephen clear he’s throat to catch the attention of the two girl's playing inside the court, hindi naman sya nabigo at dahil napatingin sila cassie at alex sa gawi namin.
Nakita kong may hiyang bumalot sa muka ni alex dahil siguro sa naabutan namin silang naglalaro, napatitig sya saakin nilabanan ko yun ngunit sya rin ang unang nagbawi ng tingin..
Hindi ko inalis ang pagkakatingin ko kay alex, nasa kanya lang ang aking paningin sinusulit ang magandang tanawin, kung kasalanan man ang tumitig ay baka hindi na ako mapatawad sa pagkakasala.
“hehehe, kanina pa kayo dyan?” nahihiyang tanong nito saamin.
“Mmmm," at tumango tango si kuya staphen "shooter ka talaga alex, bilib na talaga ako sayo!" Talaga ngang nakakabilib, talagang hulog kung hulog! Iilan lang ang nakakagawa nyan lalo na sa mga babae.
“Pare baka matunaw yan sige ka" nagugulat ko namang inalis ang tingin ko kay alex at napatingin ako sa bumulong sa tabi ko, si thiddd.na may nang aasar na ngiti.
“Tsss, I'm just enjoying the beautiful view, pare" kung may nakakaalam na na may gusto ako kay alex ay si thirdd yun, nakita nya kasi wallpaper ko sa phone, si alex yun, stolen shot nya na nagte-take ng picture.
“ok sabi mo eh" sambit nito at nagkibit balikat. Binalingan ko nalang ulit ng tingin si alex taba at sinulit yoon.
“hahaha, halika na nga, maupo na tayo" aya nito sa kaibigan at iniwan ang bola bola sa gitna ng court at hinila nya si cass papunta sa inuupuan ni ate shane.
![](https://img.wattpad.com/cover/196442145-288-k651430.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove with you (On Going)
Ficção AdolescenteDalawang Pusong nasaktan, kaya pa bang buksan ito para mag mahal muli?paano kung sa taong hindi mo inaasahang tumibok ang puso mo muli? Aaminin mo ba ang nararamdam mo? Oh pipigilan ang nararamdaman at itatago nalang ito para hindi na masaktan pang...