Chapter 29: Itlog!

27 1 3
                                        

Alex POV

Haharap na sana ako kay xian ng biglang dumating ang teacher namin kaya dumeritsyo nalang ako sa upuan ko ganun din naman sya.

Na curious talaga ako doon sa pagkakatitig ni xian kanina, may dumi ba muka ko? O pumapangit naman ako? Ugh! Your making me crazy xian!

"bakla, oii..., ang lalim ng iniisip ahh, gaano kalalim yan?" sabay siko saakin ng hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa upuan ko.

Naglayag ang isip ko eh, diko na nga napansin pa si xian eh, napatingin ako sa gawi nya, ganun parin walang reaksyon parang malalim ang iniisip.

"oiii, bakla!"

"Ha?"

"tapos na auiz natin lutang ka parin? Anong meron ha? At lutang ka nanaman!m?!" asik nito saakin.

"Ano ba franz! Ang ingay ingay mo naman!" asik naman ni cass Dito kay franz.

"wow, ah, ingay na ingay teh?, sorry ha?, sorry!"

"nye, nye, nye!" at nagmake face sya.

Tsss...napailing iling nalang ako dito sa dalawang ito, kahit kailan talaga, nagbabangayan itong dalawang to. Haysss.

"alex, pagsabihan mo nga itong si franz na itikom ang bibig kahit minsan lang, napakaingay eh!" sumbong saakin ni cass saakin.

"ay wow! ha! Parang ang tahimik tahimik mo naman!, nahiya naman ako sayo!" banat naman ni franz.

"at least ako, minsan lang mag ingay! Di tulad sayo na daig pa ang nakamicrophone!" napalipat naman ang tingin ko kay cass, halos nagpapalitan lang ang tingin ko sa dalawang ito! Nasa kana ko si cass at si franz naman ay nasa kaliwa ko.

"magtigil na nga kayo!, nahihilo na ako sa kakalipat ng tingin sa inyo eh!" pagpapatigil ko sa dalawa na tumigil naman.

"ayan, ganyan dapat, oh? Dba? Anganda sa pandinig? Makasigaw kayo sa isa't isa parang nasa kabilang section ang isa sainyo" napanguso naman sila, si cass ang nagkukutkot na ng kuko habang nakanguso, si franz naman ay nakanguso lang.

"o? Ano't ang tatalim ng nguso nyo ngayon?, tsss"

"eh, bessy, sorry na, itong si franz kasi eh, napakaingay" sabi ni cass saakin na animo'y batang nagsusumbong sa nanay.nya, niyakap pa ang braso ko.

"Aba'y! Hoyyyyy!!!~" hindi na naituloy ni franz ang sasabihin nya ng pinandilatan.ko nya ng mga mata, sa halip ngay ngumiti na lang ito saakin at yumakap sa braso ko.

"sabi ko nga, ako, ako ang maingay, hehehe" tss....dba? Para akong nanay ng dalawang ito eh, tsss...

"bessy, alex, baka may gusto kang ikwento saamin, may narinig kasi kaming chismis kanina eh, hehehe" sambit naman ni cass saakin. Talaga nga namang napakabilis ng balita dito sa campus, tsss.

"oo nga bakla, what happened kanina? Kwento mo naman" malambing na sambit ni franz saakin, tss...basta chismis talaga na pakababait nila, hay nako!

"basta chismis ang bait bait nyong dalawa eh noh?"

"hehehehe, splok mo nalang teh" hindi makapaghintay franz? Atat masyado?

Ikwenento ko naman sakanila yung naging eksena namin lyka kanina, hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang sumabat agad si franz.

"lintek talagang pakwan na yan! Ano bang problema nya sayo bessy at ang init ng dugo nun sayo? Nako! Kapag ako hindi nakapagtimpi talaga! Papatulan ko yun kahit malaki ang mga pakwan nya!" nang gigigil at nakakuyom ang mga palad nito.

"oo nga bessy, bakit ba ang init ng dugo nun sayo ha?, may atraso ka ba doon?" tanong ni cass saakin.

Katulad nga ng sagot ko kay xian kanina ay hindi ko alam! Wala akong ideya kung ano, kung meron man akong atraso sakanya ay hindi ko alam kung ano!

Unexpectedly Inlove with you (On Going) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon