2: Same Destination

9.4K 194 3
                                    

"Mel, kailan ka ba kasi babalik? Tsaka nasan ka na ba? Hindi ka man lang nagpakita since you left in Siargao. Nakakapagtampo na ha," Ani Avah na nasa kabilang linya ng telepono. kausap niya si Melanie.


"Soon, Avah. I swear." Ngumiti pa si Melanie kahit naman alam nyang hindi ito nakikita ng kaibigan.


Kasalukuyang nasa Bantayan Island si Melanie. It is an island located in the Visayan Sea, and is situated to the west of the northern end of Cebu island, across the Tañon Strait. Sa layo nyang iyon mula sa Maynila ay talagang hindi sya mahahanap ni Avah. Especially when Melanie tend to hide. Nag-aral siya magbarista. Ipinasara nya muna ang kaniyang coffee shop sa Maynila dahil hindi nya iyon maasikaso. And besides, she wanted to improve her goods. At malapit na nya ulit itong buksan. Pagbalik na pagbalik nya sa Maynila ay bubuksan nya ulit ito.


She's in the depth of her thoughts when Avah spoke again.


"Don't forget my baby's christening day, Mel. Okay? Ikaw mismo nagsabi na magni-ninang ka pag nag karoon ulit ako ng baby." May halong tampo ang boses ni Avah. Paano ba kasi, hindi man lamang nagpakita si Melanie sa kanya ng nanganak ito kay Ariel Angelette.


Napili ni Avah ang pangalan na iyon dahil Ariel is the anglicized form of the unisex Hebrew name 'Ari'el', which means 'lion of god'. While Angelette is the French variant of the name Angela. This variation is sweet, strong, and traditional. Avah used to be a nun, malamang sa malamang ay alam nya ang mga pangalan na iyon. kahit si Melanie ay alam din ang ibigsabihin ng pangalan na napili ng kaibigan para sa magiging inaanak.


"Oo, promise, Avah. I will attend. I will never miss baby Ariel's christening day. Gusto ko na ngang makita ang inaanak ko eh." Winahi ni Mel ang kurtina na tumatabon sa kaniyang bintana. Nagsipasok ang sinag ng araw sa kaniyang kwarto na inuupahan sa Bantayan Island. Habang kausap sa telepono si Avah ay lumingon si Melanie. Ang kaniyang mga mata ay nakafocus na ngayon sa kaniyang dalawang maleta na hindi naman ganoon kalaki. Nandoon na nakalagay ang kaniyang lahat ng gamit. Ilang personal mugs na nabili nya sa mismong isla, kaniyang mga damit, laptop at iba pa niyang mga gamit.


"Asahan ko yan, Mel. Alright? Next week. Quiapo Church, 8:30 in the morning. Wag ka mawawala." Banta pa ni Avah.


"I will be there. Swear to God..." nakangiting turan ni Mel. Before she could stop herself, awtomatikong lumabas sa bibig nya ang tanong na, "will Noah be there as well?"


As much as possible kasi ay ayaw makita ni Melanie si Noah. Katunayan ay sya ang mismong dahilan kung bakit sya nagpakalayo-layo.


"Yes, of course. Ninong sya e. But Hirro will be there too, is it okay with you Mel? Kung gusto mo aalisin ko na lang sa list ng Godfather si Hirro... what do you think?"


"No. There's no need." Umiling iling pa si Melanie. Kailangan na talaga nyang tanggapin ang fact na gaano man kalaki ang Pilipinas ay darating talaga ang araw na muli nyang makakaharap ang mga lalaking naging parte ng kaniyang nakaraan. "Let him be. After all, we remained friends. At isa pa, kapag ginawa mo yun, isipin mo ang mararamdaman ni Davien. Baka ma-offend pa sya dahil kaibigan nya si Hirro. Parang hindi mo naman ako kilala, Avah. I'm a strong bitch."

Tamed by NoahWhere stories live. Discover now