Tulog na tulog na si Zaiden sa pagitan ni Melanie at Noah. Their hands are both resting above the kid's tummy feeling every breath of their son.
Nanghiram lang si Noah ng damit kay tatay Guryo. Mabuti't may kalakihang lalaki ang matanda kung hindi ay baka matulog na lamang si Noah ng hubad kaysa magsuot ng masikip. Napakasimple nang suot nyang damit, bagaman bago ay may kupas parin dahil natapunan iyon ng chlorine. But he made it look like fashionable dahil sa galing nyang magdala.
Titig na titig si Noah sa anak. Ayaw niyang ipikit ang mata dahil baka pagmulat nya ay mawala sila. Baka panaginip lang ang lahat.
"His breath is my favorite sound now," bulong niya tapos ay nilipat nya ang tingin kay Melanie. "I wish I was there to hear his cry. Nung batang bata pa lang sya."
Melanie curved her lip. Inayos nya ang pagkakaunan nya sa sarili nyang braso.
"Narinig mo syang umiyak sanggol pa lang sya, Noah."
Kumunot ang noo nya. Hindi nya maalala na nakita nya si Melanie na may hawak na baby at umiiyak.
"Can you still remember, nung gabi na nagkita-kita kayong lahat nina Hirro, Greg and Paul sa pinagtatrabahuhan ko? Next day, bigla akong nawala."
"Yes, I remember that. But I don't hear any cries that time."
"Not that time, Noah. Gabing gabi na non. Tulog na tulog na ako and so is Zaiden. On this very room and bed. I think that's ten quarter in the evening ng bigla kang tumawag. Sa lakas ng ringtone ko nagulat si Zaiden at nagumpisa syang magiiyak. Habang nagtitimpla ako ng gatas nya, I picked the call. And ikaw ang tumawag Noah. Tinanong mo kung nasan ako at kung iyak ba ng bata ang naririnig mo. That was Zaiden's cry. It's your son's cry."
Dahil sa detalyadong kwento ni Melanie ay naalala na ni Noah ang oras na iyon.
"Sorry, Melanie. Napuyat ka magisa habang binabatayan sa pagtulog si Zaiden. This time, pag nanjan na si baby number two, ako naman ang titimpla ng gatas nya. Mag papalit ng diaper nya and I will be the best dad in the world." He said sincerely.
* * *
Lumuwas sina Noah sa Manila matapos ang pananatili nila sa Bantayan sa loob ng dalawang araw.
Of course, they still live separately. They have set a family dinner inviting the Salazars and Sebastians. Sasabihin na nila ang tungkol sa paparating na ikalawang Zaiden or girl version of him.
That's set tomorrow evening. Ang plano ngayon ni Melanie ay puntahan si Paul para humingi ng paumanhin. Avah told her everything about what happened on the wedding day...
Masayang naghihintay noon si Paul sa simbahan. Zaiden was next to him habang inaabangan ang pagdating ni Melanie.
Lilimang minuto pa lang late si Melanie nang makatanggap ng tawag si Paul galing kay Avah.
"Paul," bungad ni Avah.
"Hey, Avah."
"I'm so sorry Paul. I do not intend to hurt you pero hindi na matutuloy ang kasal. Sinabi ko kasi kay Noah ang tungkol kay Zaiden and about the wedding. I help him stopping your marriage with her. And just now, itinakas ni Noah si Melanie. I'm really sorry, Paul. Sana mapatawad mo ako." Avah cried on the other line.
Ayaw na ayaw pa naman nya ang nakakasakit ng damdamin ng iba. Ang Paul is not "others". He's a very good friend of her kaya ganon na lang ang paghingi nya ng tawad.
"Stop crying, Avah. Tama lang naman ang ginawa mo. I know that this could happen and it's kinda weird na hindi na ako nagulat. Alam ko naman na si Noah ang mahal ni Melanie. And Noah feel the same thing for her. Ako din naman ang may kasalanan kasi kinunsinte ko ang kagustuhan ni Melanie na kalimutan si Noah." May ngiti sa labi ni Noah but it hide the deepest pain. "I will call off the wedding. Thank you, Avah. Thank you sa pagtatama ng lahat."
"Paul..." She cried his name.
Paul hung up. He gathered up all the courage left in his body and emotion to walk down the aisle. Humarap sya sa lahat ng bisita and he announced, "wala na pong kasalang magaganap. I'm calling off this wedding because while waiting, I've realized that I'm not yet ready to leave the bachelor's life. And besides, parehas lang kami na magsisisi dahil makukulong kami sa maling marriage. So right now, I'm trying to say na mas mabuti nang maaga tong tapusin dahil ang sino mang pinagbuklod ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng tao." Paul look at his disappointed mother and father. Then he mouthed "I'm so sorry,"
All the visitors on that day might have thought Paul was such a dick. Pero napahanga naman nya ang lahat ng madre at ang Reverend Father na magkakasal sana sa kanila.
Melanie took a very very deep breath bago kumatok sa pinto ni Paul. When she set foot to the hotel, agad syang sinalubong ng mga empleyado. Ma'am parin ang tawag sa kaniya. But visiting them is not her intention. Not today.
Matapos ang ilang beses ng katok ay bumukas ang pinto. Sinalubong sya ng magandang babae, makinis ang balar, ngunit baka formal attire sya at may makapal na salamin.
"H-hi, ma'am." Walang confidence na bungad ng babae. Maybe she was overwhelmed by Mel's beauty.
"Hello. I-ikaw na ba bagong may-ari ng unit na to?"
"Hindi po, ma'am. Si attorney Paul po ba ang hanap nyo?" Melanie noticed the woman's flush when she spoke his name. Mel can tell if a woman admires a man. And she's confident na tama ang hinala nya na may lihim na pagtingin ang babae kay Paul.
"Oo sana," sagot ni Mel.
"Dito po ma'am, ako nga po pala si Emmely, secretary po ni attorney Paul."
"Hello, Marry Ann." Bati ni Melanie.
Dinala sya ni Emmely sa living room kahit alam naman ni Melanie kung saan dapat pumunta. After that, Emmely went to Paul's study room para ipaalam ang tungkol kay Melanie. May inaayos kasing mga papeles sina Paul at Emmely tungkol sa kaso na hawak nila.
Binitawan ni Paul ang hawak nyang mga papel. Hinubad nya din ang reading glass. Every time he do that, Emmely falls in love over and over again.
Nilabas ni Paul si Melanie, he appeared on the living wide a smile.
"Akala ko nakalimutan mo na ako," ani Paul. They shared a beso before sitting down on the couch. "Emmie, can you make two juices, please?"
"No. Hindi na kailangan. Actually, gusto ko lang talagang personal na humingi ng tawad. I'm so sorry about the wedding."
Emmely stay standing on the corner, nakatungo at palihim na nakikinig sa usapan ng dalawa.
"Actually, nakalimutan ko na na muntik na akong ikasal. So if you mention that incident again, I'm gonna pretend not to know such thing." Natatawang sagot ni Paul.
"Paul..."
"Melanie, stop. Don na lang yon. Mahal ang magpakasal. Pero Mas mahal ang magpa-annul. If natuloy yung wedding naten, hindi din naman tayo magiging masaya. So please, lets forget about it. Isang bwang sweldo ko lang naman ang nagastos sa kasal." Napatawa si Paul sa sinabi nya. Tapos ay bumalik sya sa pagiging seryoso. "No need to feel guilty. I'm actually happy that you found yourself in Noah's arms."
Melanie move closer to hug him tight. A friendly and sisterly hug.
"Thank you, Paul."
"We are friends. And friends help each other."
"I know. Makakabawi din ako someday."
"Yeah, sure. Sigurado ka bang ayaw mo ng juice?"
"Oo. Actually aalis na ako. I promised the employees na bibisitahin ko sila."
"Okay." They both stand up at muling nagyakap.
Before leaving, Melanie says, "you for a very beautiful secretary, attorney Paul." Mabilis na namula si Emmely sa sinabi ni Melanie.
Pero mas nangamatis ang pisngi ng dalaga nang sabihin ni Paul, "yes, she has her own beauty. Take care, Mel."
Ngayong ayos na ulit sila ni Paul, pakiramdam ni Melanie ay puputok ang puso nya sa sobrang saya.
YOU ARE READING
Tamed by Noah
RomanceHaving failed relationships with men made Melanie O. Salazar gave up in love. She tried. She tried balancing her career and her romance but men are complex beings. They left eventually. They left her with nothing but a broken heart. In search of the...