Synopsis

24K 658 22
                                    

SYNOPSIS

Kaunti lang naman ang hinahangad ni Eliana Azarel sa buhay. Iyon ay ang patuloy na maipagamot ang nanay niya na may malubhang karamdaman. Kung tutuusin magagawa naman niya iyon kung hindi lang siya binagsakan ng sunod-sunod na problema.

Tangayin ba naman kasi ng housemate niya ang pondo para sana sa business nila, malapit na siyang ma-evict sa tinitirhan dahil hindi rin pala napupunta ro'n ang mga ibinibigay niyang pera para pambayad, at ang natitirang pera sa wallet niya ay na-snatch pa sa kaniya.

Suko na siya. Wala na siyang balak umahon dahil kahit anong gawin niyang langoy ay patuloy siyang nilulunod ng agos na pilit tinatangay siya. Pero kung kailan naman siya handang sumuko na ay may tila anghel na dumating sa buhay niya. Ang pagkakaiba nga lang ay pula ang suot nito at hindi puti habang imbis na pakpak ay stiletto heels ang meron ito.

Isang business card ang inabot nito sa kaniya na may nakasulat na website kung saan mahahanap daw niya ang sagot sa problema niya. Dulot ng matinding pangangailangan ay pinatos niya na iyon kahit na hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan ba ang babae.

Iyon nga lang mukhang hindi pala talaga magiging madali ang lahat dahil imbis na charity organization ay dating website pala ang binigay sa kaniya ng babae. Ang website na iyon na may pangalang D-Lair ay iba pala ang hinihingi na kapalit sa tulong na ibibigay sa kaniya.

"If you need me, you'll have me. If you want me, I'll have you."

Iyon ang mga salitang nakasulat sa bio ng lalaking nagngangalang Rovan. Naghahanap ito ng babaeng aalagaan, paliliguan ng karangyaan, at sasagipin sa kinakaharap na problemang pinansiyal.

Ang tanong lang handa ba siya sa hihingin nitong kabayaran? Handa ba siya para maging sugar baby ng taong ito na willing maging sugar daddy niya?

Handa ba siya sa sikretong maaaring malantad sa oras na dumating siya sa buhay ng lalaki? Isang sikreto ng D-Lair na higit pa sa pinapakita nito. Isang mapanganib na sikreto na babago sa nakaukit na linya ng tadhana sa mga palad niya at maglalagay ng panibago sa lalaki.

Handa ba siya na itapon sa apoy ang sarili para sa lalaking matagal ng nasusunog sa sinaunang parusa na ipinataw dito?

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon