Chapter 15: Effect

9.3K 363 29
                                    

CHAPTER 15

Hindi magawang ituon ni Eliana ang atensyon niya sa hawak na pinggan na hinuhugasan. Nakatutok kasi ang mga mata niya sa bintana kung saan kita niya si Rovan na kasalukuyang abala sa pag a-assemble ng patio set. Kadadating lang kasi ng deliver kani-kanina lang.

Kahapon pa nila nalipat sa bagong bahay ang mga gamit nila ng nanay niya. Hindi naman ganoong kadami iyon kaya hindi rin sila nahirapan ni Rovan. Nakabili na rin sila ng kakailanganing mga gamit ilang araw na ang nakakalipas kaya nagsidatingan na ang mga iyon kahapon. Pagkagaling kasi nila sa pag celebrate ng monthsary nila ay hindi na nila natuloy ang balak nito na pupuntahan sana nila. Nagkaroon kasi ng emergency sa ospital ang sanggol na pasiyente ni Rovan kaya kinakailangan nilang bumalik. Kaya kinagabihan nang makauwi ito sa bahay ay itinuloy nila ang date nila sa pag o-online shopping ng mga kagamitan sa bahay. Kaya kaninang umaga ang pagsundo na lang sa nanay niya ang kinailangan niyang intindihin. Dahil ayaw ng binata na mamasahe na lang sila ay ito na mismo ang nagmaneho sa kanila papunta sa bahay.

Imbis tuloy mapaghandaan niya ang pagkikita ng nanay niya at ni Rovan ay naging biglaan na lang iyon. Mabuti na lang talaga at mukhang wala namang problema sa nanay niya nang ipakilala niya ang lalaki bilang nobyo niya.

Nahugot siya mula sa iniisip nang matanaw niya si Rovan na kasalukuyang nakauklo habang inaayos ang patio set. Sinabihan niya na ito kahapon na 'wag na iyong bilhin pero nagpumilit ito. Maganda raw na may mauupuan ang nanay niya kapag naisipan nitong lumabas sa garden.

Okay na rin pala na pumayag na siya. Ngayon tuloy nakikinabang ang mga mata niya habang pinapanood niya ang lalaki. Kupas na pantalon at itim na sando lang kasi ang suot nito at kada yuyuko ang lalaki ay bahagya niyang nakikita ang likod nito. Nagiging aktibo tuloy ang imahinasyon niya dahil alam na alam niya kung ano ang nasa likod ng mga damit nito.

Grabe ka, Eliana. Ang laswa mo na. Ipinilig niya ang ulo sa naisip at pinagpatuloy niya ang pagsasabon sa hawak na pinggan.

"Baka naman mabura na ang kulay niyan anak."

Napaigtad siya nang marinig niya ang boses ng nanay niya na pumasok na pala ng kusina. Mabuti na lang ay nasalo niya ng isa pang kamay ang pinggan kundi nabitawan niya na siguro iyon sa pagkagulat. "Nanay naman eh. Nanggugulat pa."

"Aba kanina pa kaya ako dito. Kanina ka pa kasi nakasilip diyan." Tumingin ito sa bintana na kanina pa niya tinitignan, "Hindi naman mawawala 'yan."

Pinaikot niya ang mga mata at mabilis na niyang tinapos ang kahuli-hulihang pinggan na siyang pinakamalinis sa lahat dahil sa tagal niyang hinugasan iyon. Nang matapos siya ay kinuha niya ang basahan at pinupunasan ang kamay na humarap siya sa nanay niya.

Hindi na ito nakatingin sa kaniya at sa halip ay nasa direksyon na rin ng bintana ang atensyon nito habang mukhang may malalim na iniisip.

"Nay?"

"Doktor siya di ba?"

Saglit na nilingon niya si Rovan bago siya muling tumingin sa nanay niya. "Oo, Nay. Neonatal surgeon siya."

"Mukha siyang mayaman."

Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakamasid sa nanay niya habang iniintay ito na ipagpatuloy ang sasabihin habang ang dibdib niya ay tila ang lakas ng kabog. Mukha namang walang problema ang nanay niya kay Rovan base sa interaksyon ng mga ito kanina pero wishful thinking lang ba niya iyon? Mali ba siya ng pagkakaintindi?

"Malaki itong bahay na alam kong hindi natin kakayanin ang renta. May dalawa na din akong private nurse na siguradong hindi biro ang kailangan ibayad dahil isang buong araw na halinhinan silang mananatii dito sa bahay."

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon