CHAPTER 4
Naririnig ni Eliana ang mga pagkilos sa paligid niya pero nanatili siyang nakayuko at yakap ang sarili. Damang-dama niya ang lamig na nanggagaling sa aircon ng lugar at dahil tumutulo pa rin ang tubig mula sa kaniya ay pakiramdam niya ay kasalukuyan na siyang nagyeyelo.
Sa totoo lang hindi niya alam kung nasaan siya ngayon. Basta ang alam niya dinala siya rito nang lalaking nakita niya kanina. Hindi niya rin alam sa sarili kung bakit siya sumama rito. Kung bakit may isang parte sa kaniya ang tiwala sa lalaking ngayon pa lang naman niya nakilala.
Siguro isa rin sa malaking dahilan kung bakit siya basta nadala nito sa kung saan ay dahil sa hindi niya na rin mahanap sa sarili ang pakielam niya. Pakiramdam niya kasi wala na siyang kontrol sa sarili niyang buhay. Wala naman ng mawalala sa kaniya ngayon.
Hindi niya alam kung ano pang ihaharap niyang mukha sa ina kasi pakiramdam niya wala na siyang magagawa para rito. Ubos na ubos na siya. Kung sana isa-isa lang. Kung sana hindi ganito na parang ibunuhos sa kaniya lahat ng problema. Isa lang siya laban sa napakadaming problema na dumadating ngayon sa buhay niya.
"Here."
Narinig niyang muli ang boses na iyon na para bang musika sa pandinig niya na tinatangay siya. Sa lugar kung saan lahat ay payapa. May kung ano sa boses nito na tila sinasabi sa kaniya na magiging maayos din ang lahat.
Tinignan niya ang inaabot nito. Puting damit iyon na maayos pang nakatiklop at tuwalya. Inangat niya ang mga kamay para kunin iyon pero sa pagkabigla niya ay halos hindi niya makuha ang binibigay nito dahil sa matinding panginginig ng mga kamay niya.
"Fuck."
Sa isang iglap ay naramdaman niya ang pagbalot nito ng tuwalya sa kaniya at pagkatapos ay nawala rin ito para magtungo kung saan. Hindi niya pa nagagawang iangat ang ulo niya ay bumalik na rin naman ito kasabay na naramdaman niyang bumaba ang lamig sa paligid. Pinatay nito marahil ang air-conditioning
"You need a shower."
Tila nagising siya mula sa malalim na pagkakatulog sa sinabi nito. Napaangat siya ng tingin sa lalaki at napaatras nang makita kung gaano na ito kalapit. Hindi siya maliit na babae. Matangkad pa nga siya kesa sa karaniwan. Pero sa lapit nito sa kaniya ay kinakailangan niya talagang tumingala dahil masyado itong matangkad para sa kaniya.
"A-Alis na ko." garalgal na sabi niya.
"You don't even know where we are. And no one can get out with that kind of weather." he said and pointedly looked outside where the rain is still pouring hard.
Hindi naman pala tuluyang nawala ang self-preservation niya. Mukhang nagtago lang iyon nang hulugan siya ng sunod-sunod na problema. Pero ngayon ay isa-isang pumapasok sa kaniya ang mga nabasa, napanood, at narinig niyang mga balita sa mga kinahitnan ng mga babaeng pagkatapos pagsamantalahan ay itinapon na lang kung saan na wala ng buhay.
"W-Wala kang mapapala sa'kin. May...may nakakahawa akong sakit. Mamamatay ka kapag pinagsamantalahan mo ako. S-Saka maawa ka sa lima kong anak. Hindi sila mabubuhay ng wala ako."
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki na para bang hindi magawang iproseso ang pinagsasabi niya. Pinagkrus nito ang sariling mga braso at pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin dahilan para mas lalo niyang higpitan ang tuwalyang nakabalot sa kaniya dahil pakiramdam niya ay tumatagos ang tingin nito ro'n.
"You're Eliana Azarel, twenty-six years old. You're a graduate of Multimedia Arts from Lyceum of the Philippines University in Laguna. You have a president's scholarship so you didn't need to pay anything even your miscellaneous fees. You also applied for student's assistance so you will have allowance. You even manage to have a part time job on a fast food chain while studying. The company where you took your internship absorbed you so you've been working for them for years." Unti-unting nanglalaki ang mga mata niya sa sinasabi ng lalaki ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsasalita, "I can dictate your vital statistics, medical records, and family history but that would take long and by the time I'm done you might already have a cold. So to wrap this up quickly, wala kang nakakahawang sakit at wala ka ring limang anak."
BINABASA MO ANG
D-Lair Trilogy #1: Rovan Veserra
RomancePakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nang may magbigay sa kaniya ng business card na makakatulong daw sa kaniya ay kaagad niyang pinatulan i...