Chapter 8: Fated

10.6K 445 30
                                    

CHAPTER 8

Hindi makapaniwala si Eliana sa naririnig mula sa kabilang linya. Parang kahapon lang pakiramdam niya guguho na ang mundo niya pero ngayon ay muling bumalik iyon sa dating pag-ikot. Hindi niya alam kung paanong nangyari at kung paanong naging posible pero wala siyang balak kuwestiyunin ang sitwasyon.

"Maraming salamat, Dok. Pupunta na ho ako kaagad diyan."

Hindi niya maitago ang kasiyahan sa boses. Tumawag kasi ang doktor ng nanay niya para ipaalam sa kaniya ang malaking pagbabago sa kalusugan ng ina. Kahit daw ang mga ito ay hindi maintindihan kung paanong sa isang iglap ay gumanda ang resulta ng mga laboratory test ng nanay niya. Ilalabas na rin sa ICU ngayon ang ina at ililipat sa hospital room nito. Kahit kakailanganin pa rin nito ng dialysis ay ipinagpapasalamat niya na lang na may posibilidad na hindi na nito kailangan pa ng transplant.

May ngiti sa labi na tumayo siya mula sa kama. Mabilis niya munang inayos 'yon bago siya tumuloy sa banyo para makaligo. Hindi naman nagtagal ay nakapag-ayos na rin siya at pagkatapos ay pumanaog siya ng bahay para hanapin si Rovan. Pagkagising niya kasi ay wala na ito sa tabi niya. Wow hinahanap ni ateng.

Hindi niya pinansin ang pang-aasar ng sariling utak at dumiretso siya sa kusina kung saan siya may naririnig na pagkilos. Isa pa amoy na amoy niya ang nilulutong pagkain.

Hindi nga siya nagkamali dahil pagkapasok niya sa loob ng kusina ay naabutan niya si Rovan na kasalukuyang nagluluto. Nakatalikod ito sa kaniya at pokus ito sa ginagawa kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang kabuuan nito.

Malaki itong lalaki. Katulad nga ng natatandaan niyang nakalagay sa profile nito sa D-Lair ay mukhang nasa anim na pulgada ito. Maganda rin ang pangangatawan nito na tila banat sa ehersisyo pero kung paano nagagawa iyon ng lalaki sa kakaunting oras na natitira dahil napupunta ang malaking bahagi no'n sa trabaho nito ay hindi niya alam. He's the absolute representation of perfection.

"Sit down. This is almost ready."

Halos mapatalon siya sa kinatatayuan nang bigla itong magsalita. Bahagyang nilingon siya nito at tinapunan ng maliit na ngiti bago pinagpatuloy ang ginagawa.

Sumunod siya sa minungkahi nito at umupo na siya sa isa sa mataas na mga upuan at pinanood na lang ang lalaki sa pagluluto nito. Parang sanay na sanay ito sa kusina. Siguro dahil na rin sa namumuhay itong mag-isa. Lahat naman matututunan mo kapag mag-isa ka na lang. Kahit hindi mo gusto mapipilitan kang matuto.

"Maayos ba ang tulog mo?" tanong nito habang sinasalin sa mga plato ang niluto. Humarap ito sa kaniya at inilapag sa harapan niya ang isa sa mga iyon. Complete Filipino breakfast iyon. May itlog, tocino, at fried rice.

"Oo. Medyo nilamig lang talaga ako pero...pero salamat sa'yo maayos naman akong nakatulog." Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi nang maalala niya ang nangyari kagabi. Nakatulog kasi siyang nakasiksik dito. "I-Ikaw? Kamusta ang tulog mo?"

"It was...different."

"Different?" Marahil naistorbo niya ito kaya hindi ito nakatulog kaagad. Baka hindi ito sanay na may kasama sa pagtulog. Hindi niya rin naman kasi akalain na tatabi ito sa kaniya. Kaya lang saan nga ba ito matutulog? Ito ang may-ari ng bahay tapos matutulog ito sa sofa?

"Alam mo, nakikita ko kapag kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Stop over thinking." sabi nito at tinusok ng tinidor ang isang piraso ng tocino bago iyon inumang sa kaniya. "It was a good kind of different."

Nahihiya man ay binuka niya ang mga labi para maisubo ang binibigay nito. Sa pagkakataon na ito ay ang lalaki naman ang tila natigilan habang nakatingin sa kaniya. Sandaling pinagmasdan lang siya nito bago muling kumuha ng pagkain at ibinigay iyon sa kaniya na tinanggap niya naman ulit.

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon