CHAPTER 17
"Ibinigay niya sa'yo ang buong tiwala niya at nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya kapag kasama ka. Doon pa lang alam kong iingatan mo siya dahil lahat ng iyon ay nakikita ko rin na nagmumula sa'yo."
Nag-angat siya ng tingin sa hagdanan na nagkokonekta sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon si Eliana at nag-aayos pa. In any moment now she might be heading their way. "She's the most important thing in the world for me."
"Panatag ang loob ko kung gano'n, Iho." may ngiti sa boses na sabi ng ina ni Eliana.
Tumingin siya rito at sinalubong ang mga mata nito. "Hindi ko alam kung tama ba ako para sa kaniya. I don't know if I should be selfish and keep her with me when I know she's better off without me. I don't want my problems catch up and hurt her too. Dahil kung may hindi ako kayang harapin dito sa mundo ay iyon ang masaktan siya ng dahil sa akin."
"Hindi ka nagiging makasarili dahil hindi ikaw ang makakapagsabi kung tama ka ba sa kaniya o hindi, Rovan. Desisyon niya ang makasama ka kaya kailangan mo siyang bigyan ng pagkakataon na makasama mo sa pagharap sa mga bagay na kinakatakot mo." Tumingin ito sa hagdanan kung saan ngayon ay rinig nilang pareho ang pagbukas ng kwarto ni Eliana. Nang muli itong bumaling sa kaniya ay tanging pang-unawa lang ang nakita niyang nakabakas sa mga mata nito. "Hindi man niya alam sa sarili niya pero malakas si Eliana. Hindi siya mahinang tao. Kaya pagkatiwalaan mo siya na kaya niyang maging matatag para sa'yo."
He got pulled away from his thoughts when he felt tiny arms wrapped around his waist. Automatikong sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan niya ang isang kamay na nakayakap sa kaniya para marahang alisin iyon at hilahin ang babae sa pamamagitan niyon. He pulled her towards his front and he got greeted by her beaming smile.
He always loved Eliana's smile. Pakiramdam niya ay lumiliwanag ang mundo sa isang ngiti lang nito. It's like with just one curved of her lips all the problems he fear were being pushed away by her blinding light. That's what she is. Light. The light of his world.
"Nagugutom ako. Magluluto sana ako pero wala namang pagkain sa kusina."
Hinawi niya ang mahaba nitong buhok palayo sa mukha nito. How can something be this beautiful be his? "We can order from the restaurant or we can eat there."
Humigpit ang yakap ng babae sa bewang niya bago ito tumingin sa tanawin na kita mula sa malawak na bintana ng bahay. "Gusto ko dito."
"Then we'll order some food." Inaasahan niyang lalayo na ito sa kaniya para magawa ang bagay na iyon pero nanatili lang ang babae na nakayakap sa kaniya. Inangat niya ang kamay niya at masuyong hinaplos niya ang buhok nito. "You need to let go of me, baby."
"Hindi ako bibitaw." bulong ni Eliana na salungat sa kilos nito dahil ibinaba na nito ang mga kamay. Kaya nasisiguro niyang iba ang ibig sabihin nito sa mga salitang iyon.
He put a hand at the back of her head and gave her a light kiss on the forehead before moving away. Sandaling iniwan niya muna ito para magawang tawagan ang restaurant. Hindi na niya kailangan tanungin pa si Eliana dahil sa maikling panahon na magkasama sila ay isa ang pagkain sa hindi nila naging problema. Halos lahat kasi ng gusto nito ay gusto niya at ganoon din ang mga gusto niya pagdating dito.
When he was done, he went back to the living room but she wasn't there. Lumapit siya sa nakabukas na sliding door at lumabas doon. Natagpuan niya ang babae na nakatukod ang mga siko sa kahoy na railing at nakatingin sa malawak na tanawin sa labas. From here, it's easier to see the striking view of the smallest volcano in the country.
BINABASA MO ANG
D-Lair Trilogy #1: Rovan Veserra
RomancePakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nang may magbigay sa kaniya ng business card na makakatulong daw sa kaniya ay kaagad niyang pinatulan i...