Special Chapter

5.3K 336 25
                                    

A/N: Happy valentines <3

SPECIAL CHAPTER

Napapangiti na lang si Eliana habang kasalukuyan na nagpupunas ng mga picture frame na nasa ibabaw ng stante no'n. Hindi niya kasi mapigilang maalala ang mga nagdaang taon. Marami sa mga iyon ang masakit balikan pero marami rin sa mga iyon ang nagpupuno ng kasiyahan sa puso niya. Dahil alam niya na hindi siya dadating sa punto na ito kung hindi dahil sa lahat ng iyon.

Kapag naiisip niya ang mga nangyari sa kanila ni Rovan ay hindi niya mapigilan na itanong sa sarili na kung paano kaya kung hindi nagtagpo ang mga landas nila? Magiging ganito kaya siya kasaya?

Marahang hinaplos niya ang isang picture frame na naabot niya. Larawan nila iyon ni Rovan habang nakaupo sila sa patio set sa labas ng dati nilang bahay ng nanay niya. Nagkakape sila ng mga panahon na iyon habang may ngiti sa mga labi nila. Kapansin-pansin din ang hawak niya na malaking cookies.

It's the first morning after they found each other again. Kung paanong pinagtagpo ulit sila ng tadhana sa paraan kung saan sila unang nagkakilala. Rovan first saw her at the hospital but she met him at that moment when she thought she lost everything. At sa pangalawang pagkakataon ay muli niya itong nakilala sa parehas na sitwasyon. She was lost, she was missing something, and Rovan helped her found her way again and that is back in his arms.

She hated the years they were apart. Pero sa mga panahon na iyon ay wala sa kanila ang may magagawa. When she woke up in the hospital years ago she knew that she was not alone when they found her. Hindi niya inaalam kung sino ang kasama niyang natagpuan ng mga tao sa simbahan kung saan siya nakita ng mg tao na walang malay. Hindi niya na rin nagawang alamin iyon dahil kinuha na ang kasama niyang naospital ng pamilya nito. That was Rovan and for a long time he didn't have the means to get to her. He was in a coma. But the moment that he returned he immediately looked for me.

Binaba niya ang frame at kinuha niya ang katabi no'n para punasan din. It's their picture with her mother. Nasa cabin sila ni Rovan na ngayon ay bahay na nila. Ang nasa larawan ang araw na lumipat na sila ng bahay.

She went picture after picture, reminiscing as her fingertips touched the surface of the frames. Tumigil siya nang makarating siya sa frame na isa sa pinakapaborito niya sa lahat. She was wearing a white embroidered flowy wedding dress with a long trail and beside her is Rovan wearing a black tuxedo that fitted him handsomely. They were standing outside with his hands wrapped around her and they were both smiling while she was looking up at him. Papalubog na ang araw ng mga oras na iyon at kasalukuyang naghahalo ang liwanag at dilim. With the sun below the horizon and the Calaruega Church towering behind them, they took their first picture as husband and wife.

It took them awhile to decide if they will get married. Sa totoo lang ay siya ang natatakot gawin iyon dahil ang huli niyang alaala sa isang simbahan ay hindi naging maganda. Araw kung saan akala niya habang-buhay ng mawawala sa kaniya si Rovan. But it was him that convinced her to go back. Para kasi kay Rovan ay hindi nila dapat katakutan ang lugar kung saan ito binigyan ng isang napakalaking regalo ng itaas. The place that accepted him again and the place that gave back what Rovan lost for a long time; his mortal life. Ae was right. There's no place better to accept the blessing of their unity in marriage.

Binaba niya ang frame at lumipat siya sa mga sumunod pa. Napakadami no'n dahil ayaw niya na lumipas ang panahon na hindi niya nagagawang magkaroon ng bagay na malinaw na magpapaalala sa kaniya sa nakaraan. She experience how it was like to lose her memories. Kahit nga ngayon sa kasalukuyan ay hindi pa rin madaling alalahanin ang lahat. Ilan sa mga iyon ay para bang aninag lang ang nagagawa niyang makita. Hindi klarado ang lahat.

She saw another frame and this time it has a picture of her husband cheering for her while she was in an event and signing her newly published graphic novel. Sa pagkakatanda niya ay ang ina niya ang kumuha ng larawan na iyon. The next frame showed them with their adopted female puppy, Cookie. A picture of her, her mother, and Rovan having a picnic at his parents trees.

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon