Chapter 3: Unworldly

12.8K 444 51
                                    

      CHAPTER 3

Hindi makapaniwala si Eliana sa nababasa. Bakit ba siya nagpaniwala sa babaeng iyon? Sino nga naman bang matinong tao ang basta na lang tutulong sa hindi naman nito kilala? Malamang mayaman na walang magawa lang iyon sa buhay.

Okay na rin. At least may three thousand siya ngayon. Hindi nga lang niya alam kung saan ang mararating no'n pero mabuti na iyon kesa sa limang daan na natira sa kaniya na paniguradong mamatay siyang dilat ang mga mata bago dumating ang sweldo niya. Kaya niya namang tipirin 'tong tatlong libo.

Hindi niya alam kung bakit siya pinag-aksayan ng babae ng pera pero wala na siyang balak mag-inarte pa. Kailangang-kailangan niya iyon ngayon.

Malalim siyang napabuntong-hininga habang nakatingin sa monitor ng laptop niya. Nakapaskil doon ang salitang D-Lair, ang pangalan ng site na iyon. Dominante sa website ang kulay itim at pula. Simple lang ang pagkakaayos no'n at wala ring masyadong mga ads na nagkalat.

Nagulat pa siya nang buksan iyon dahil hindi iyon ang inaasahan niyang itsura ng mga charity organizations webpages. Nagpatuloy nga lang siya dahil kailangang-kailangan niya talaga at ang sabi naman ng babaeng nakilala niya ay makakatulong ang site na iyon sa kaniya. Nagtataka man kung bakit kailangan mag sign-in pa ay ginawa niya na lang sa pag-aasam na baka nga ito na ang sagot sa problema niya. Hindi na lang niya pinansin kahit hindi niya maintindihan kung bakit hinihingi sa sign-in form ang mga detalye tungkol sa itsura niya at pangangatawan. Isinawalang-bahala niya na lang iyon dahil wala namang mawawala sa kaniya. Inakala niya na baka kinakailangan iyon bilang aplikasyon sa kung ano mang charity organization iyon dahil humingi pa nga ng contact number niya at isang larawan. Pagkapasa niya rin naman ng mga iyon ay may kumpirmasyon lang na mananatili raw iyong pribado at makikita lang ng tatangap ng aplikasyon.

Umasa pa siya eh alam naman niyang numero uno siyang malas. Ang sabi noon ng nanay niya siya raw ang swerte sa buhay nito. Kaya nga Eliana ang ipinangalan nito sa kaniya. Kasi ang ibig sabihin daw ng pangalan na iyon ay "God has answered my prayers." na perpekto raw sa apelido nila na Azarel na ang ibig sabihin naman ay "God has helped."

Pero parang hindi naman tumalab iyon sa kaniya. Nanaig pa rin ang pagiging malas niya. Kaya nga ngayon na akala niyang sinuwerte siya sa binigay ng babae ay hindi pa rin pala. Akala niya naman seryosong organisasyon, dating site lang pala. Sa loob ng dalawampu't anim na taon niya sa mundo ay hindi man pumasok sa isip niya ang salitang "date". Wala naman kasi siyang panahon at nakatatak na rin sa utak niya ang mga responsibilidad na ipapatong sa kaniya kapag nagtapos na siya ng pag-aaral.

Bata pa lang kasi siya nang iwan sila ng ama niya. Halos hindi na nga niya matandaan ang itsura nito kung hindi lang dahil sa mga larawan na ayaw pa ring itapon ng ina niya. Umaasa pa rin kasi ito na babalik ang tatay niya.

Pero siya, tapos na siyang umasa. Ang gusto niya lang ay ang gumaling ang nanay niya. Iyon lang ang importante para sa kaniya.

Nangalumbaba siya habang tinitignan ang website. Wala namang kahit na ano ro'n maliban sa profile ng mga lalaki. Blurred ang mga larawan nila na halatang sinadiya para itago ang mga pagkatao nila. Ang tanging nandoon ay ang fist name nila at iba pang mga impormasyon.

Alam niyang dapat na siyang umalis sa website na iyon lalo pa ngayon na nalaman niyang pinagtripan lang siya ng babaeng nakausap pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya magawang isarado ang page at nagpatuloy lang siya sa pag-iikot doon. Pagkaraan ay basta na lang siyang pumindot na hindi tinitignan kung ano iyon.

Napakunot-noo siya nang lumabas sa page ang profile ng isang lalaki. Hindi katulad sa iba ay isa lang ang larawan nito roon na naka-blurred. May nakasulat din sa itaas ng page ng mga salitang "top priority".

D-Lair Trilogy #1: Rovan VeserraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon