CHAPTER 5
Tulalang nakatitig lang si Eliana sa kopya ng statement na ibinigay sa kaniya ng staff sa billing. Makikiusap sana siya sa mga ito kung pwedeng ma-delay siya sa pagbayad dahil wala pa siyang perang maibibigay sa mga ito dahil magpapadala pa lang ang mga ginawan niya ng commission works. Pero sa pagkagulat niya nang pumunta siya sa billing ay sinabi ng babaeng nakausap niya na bayad na raw siya at wala ng balanse sa ngayon.
Hindi niya kailangan mag-isip ng sobra para malaman kung sino iyon dahil iisa lang namang tao ang maaaring gumawa ng gano'ng bagay.
Rovan Veserra.
Pagkatapos nitong ipaliwanag sa kaniya ang ilang mga kailangan niyang malaman ay hinatid na siya ng lalaki sa apartment niya. Wala ng kahit na anong namagitan sa kanilang pag-uusap at tahimik siyang nakauwi no'n marahil dahil na rin sa gusto nitong hayaan siyang makapag-isip.
Hindi madali ang bagay na hinihingi nito sa kaniya. Kahit nga hanggang ngayon na tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa rin niya magawang maproseso ang lahat ng iyon. Para kasing too good to be true. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakarinig ng gano'ng bagay.
"Miss Azarel!"
Ibinaba niya ang hawak na papel at napaangat ng tingin nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. Namataan niya ang isang babaeng nakasuot ng pang-nars na uniporme na naglalakad palapit sa kaniya. Pamilyar ito sa kaniya. Isa marahil ito sa mga naging nurse ng nanay niya.
"Ano ho 'yon?" tanong niya at napatayo. Bahagyang sinaklob siya ng kaba sa pag-aakalang may nangyari sa nanay niya.
"Ay pasensya na, Ma'am. Pinakaba ko ata kayo." hingi nito ng paumanhin. "Okay lang ho ang nanay niyo. Pinapahanap ka lang sa akin kasi nakahanda na ang daw ang kwarto para sa inyo ng nanay mo na ni-request niyo sa admin."
"Kwarto? Ako ang nag request?"
"Opo. 'Yung suite room po. Kailangan niyo raw para pag nakalabas na ng ICU ang nanay mo ay may nakahanda na na kwarto. Para rin ho hindi kayo naghihintay sa waiting area kapag tapos na ang visitation sa ICU."
Napanganga siya sa sinasabi nito. Hindi na nga makaya ng bulsa niya ang expenses sa ICU ng nanay niya ano pa kaya ang suite room? Ordinaryong kwarto nga lang ang nanay niya noong wala pa ito sa ICU dahil iyon lang ang kaya niya.
Isa lang naman ang maaaring may pakana nito. Tila nang-aasar na lumabas sa memorya niya ang gwapong mukha ng lalaki.
Hindi niya alam kung paano makokontak ang lalaki. Hindi naman nito kinuha mula sa kaniya ang cellphone number niya at hindi rin naman siya nito binigyan ng sariling number nito. Kaya nga hindi niya maintindihan kung gusto pa rin siya nito sa bagay na inaalok. Hindi naman sa sigurado na talaga ako. Naguguluhan lang talaga ako.
"Nurse..." nagbaba siya ng tingin sa name plate nito. "Nurse Dollyann, hindi kasi ako nag req-"
Napatigil siya sa sasabihin nang maramdaman niya ang pagpatong ng kamay sa balikat niya na nasundan ng marahang pagpisil do'n. Tinignan niya ang kamay na nakapatong sa kaniya at pagkatapos ay sinundan niya iyon upang makita ang taong nag mamay-ari no'n.
Pakiramdam niya ay matatanggal ang mga mata niya mula sa pinaglalagyan no'n sa sobrang pagkagulat nang makita ang lalaking kanina pa niya iniisip. Pero ang mas nakapagpagulat sa kaniya ay ang makita ang ayos nito.
Naka-itim na slacks at kulay asul na polo ito pero bukod doon ay may suot ang lalaki na coat na pang doktor. Nakaawang ang labi na pinasadahan niya ito ng tingin. Kaya ito pamilyar sa kaniya. Minsan na niya itong nakita na nakatingin mula sa labas ng kwarto ng nanay niya. Iyon 'yung araw kung saan ipinasok ng ICU ang ina niya dahil sa mas lalong paglubha ng karamdaman nito.
BINABASA MO ANG
D-Lair Trilogy #1: Rovan Veserra
RomantizmPakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nang may magbigay sa kaniya ng business card na makakatulong daw sa kaniya ay kaagad niyang pinatulan i...