CHAPTER 6

7.2K 110 0
                                    

Umuwi ako sa bahay pagkatapos ng nakakapagod na araw. Iniisip ko parin yung nangyari kanina sa Casino, paano bang gagawin ko para makabayad kay Lisa? Pumayag na ako sa deal but I'm still thinking about any other options. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko nang biglang nagsalita si Ate Irene.

"Nini, saan ka galing?"
"Kasama ko si Rosé, tumambay lang."

"Anong oras na? 2am na Nini, anong iniisip mong gawin sa buhay mo? Sinabi ko kay Dad kanina ka pa nasa kwarto mo at tulog ka na."

"Kailangan ko ba mag thank you?" sarcastic na sabi ko.

"Ruby Jane." mariin na sabi nito. Dito sa bahay na ito kapag tinawag na ako sa pangalan kong Ruby Jane ibig sabihin galit na sila.

"I'm sorry. I'm tired already ate. I'll sleep na. Thank you." sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Isinara ko ang pinto at nanatili sa likod nito, napaupo nalang ako at niyakap ang tuhod ko.
Ano ba talagang gusto kong gawin sa buhay ko? Pagod na pagod na ako.

I dragged myself to bed at nahiga, you'll be fine Jennie.. you'll be fine.

Required kami gumising ng maaga kapag weekend dahil para sa Dad ko ang weekend ay family day. We're having breakfast at nag uusap sila ni ate about Business matters.

"Jennie, ang aga mo naman natulog kagabi? Hindi ko na napansin na dumating ka."

Napatingin ako kay Ate Irene.
"Pagod sa school Dad." sabi ko nalang.

"I saw your grades already, you're doing great but still not enough. Jen focus lang." sabi nito.

"Dad, okay naman ang grades ni Nini. She's doing great at for sure dean's list na naman siya." sabi ni ate Irene at hinawakan ang kamay ko.

"Anyways naka freeze ang bank account mo, give me reason to unfreeze it." sabi ni Dad.

Napayuko ako at nag-isip, naalala ko na naman ang utang ko kay Manoban.

"Dad? paano naman kapag may gustong bilhin si Nini?" nag aalalang tanong ni ate.

"Pag hirapan niya." masungit na sabi nito.

Hindi ko na natiis at nag excuse na ako para umakyat sa kwarto. Agang aga nasira ang araw ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon