CHAPTER 16

4.9K 93 0
                                    

Pagdating ko sa Uni, iniwan ko nalang ang bulaklak at si Nini sa sasakyan. Baka kasi iisnob mo ako kapag nakita mong bitbit ko yon.
Nag-abang ako sa labas ng classroom niyo, sakto naman at malapit na mag-uwian.

Maya maya pa ay nakita ko na nagsilabasan ang mga kaklase mo, sadyang magaganda talaga ang mga Tourism Students hay. Eto ang puntahan ng mga Engineering students eh, madalas mong makikita mga abangers ng Tourism student sa Caf. Natawa nalang ako dahil isa na ako sa abangers.

"Hi Lisa!!!" sigaw agad ni Rose nang makita ako. Buti pa itong kaibigan mo palaging energetic kapag nakikita ako, samantalang ikaw palaging inis.

"Hello Rose."
"Hi Baby." Nakangiting sabi ko sayo.

Hindi ka ngumiti at tuloy tuloy na naglakad. Nilapitan ako ni Rose at isinukbit ang kamay sa  braso ko.

"Alam mo Lisa, hindi ko alam kung anong trip niyong dalawa pero boto ako sayo kahit na nga ba babaero ka." natatawang sabi nito.

"Grabe ka naman fakes news naman yan." sabi ko naman.

"Asus dami ko kaya naririnig about you." sabi ulit nito. Sadyang madaldal pala itong babae na to. Ireto ko kaya to sa kaibigan ko?

"Ang daldal mo pala, hindi ko inexpect. Pakilala kita sa kaibigan ko. Single yon."

"Hmmm gusto ko Engineer." maarteng sabi nito.

"Ohhh tamang tama Engineer yon, pakilala ko sayo sa susunod." natatawang sabi ko. Bagay sila ni Jisoo parehas silang walang preno ang bibig.

"Oh siya sige na, habulin mo na yang bebe mong pabebe.. Huy Jen!"

Lumingon ka at parang mas lalo ka pang nainis dahil sa pagkakakapit sa akin ni Rose.

"Uwi na ako.. enjoy!" sabi nito sabay beso sayo.
Agad naman kitang inakbayan habang naglalakad.

"Pagod ka?" tanong ko sayo. Tumango ka lang. Wala man lang emosyon sa mukha mo.

Nakarating tayo sa parking lot at nagulat ka nang buksan ko ang pinto ng sasakyan ko.
"Ano yan?" tanong mo.

"For you." sabi ko at iniabot ang flowers sayo.
"This is.. I know her name is lame kaso lang kasi naisip ko bagay naman sa kanya.. Her name is Nini." nahihiyang sabi ko.

"She's cute." marahan kang napangiti habang nakatingin ka Nini.


Gusto kong kiligin dahil sa ngiti mo. Shet it's working.

"Ano? let's go home?" tanong ko at tumango ka lang.

Nakarating tayo sa tapat ng bahay niyo pero wala ka yatang balak bumaba.

"Jen.. wala kang balak bumaba?" nagtatakang tanong ko sayo.

"Wait lang.." sabi mo habang busy sa pagpindot sa cellphone mo.

"I'll go ahead." sabi mo sabay bukas ng pinto. Agad naman akong bumaba para tulungan ka, medyo mabigat din kasi si Nini.

Sinalubong ka ng Maid nyo sa gate at iniabot ko dito si Nini.

"Ya, pakiakyat sa kwarto ko. Thank you." marahan na sabi mo.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon