LISA POV
Inintay kong makatulog si Jennie. Agad akong naghanap ng flowershop para magpadeliver bukas. Hindi ko alam kung paanong ieexecute to kasi hindi pa naman dapat ako magppropose, hindi naman sa hindi ready. Handa akong pakasalan tong babae na to yun lang gusto kong tanungin siya kung gusto nya akong pakasaan in memorable way. Kaso nga andito na kami, baka ito na rin yung right time.
Meron akong singsing na binili para sa kanya, matagal na itong nakatago. Inutos ko kay Jisoo para kuhanin sa bahay at dalhin dito sa hotel. Kinabukasan bumaba agad ako para kunin ang singsing.
"Tangina mo ang aga aga." sabi ni Jisoo sabay abot ng maliit na box.
"Sorry na. Saka thank you, babawi ako sa inyo ni Seul ha. Sige na baka magising pa si Jennie." sabi ko at nagmamadaling umakyat pabalik sa room.
Tinabihan kita ulit at yumakap sayo.
"Morning bebu." bulong mo at umayos ng higa paharap sa akin. Nakapikit ka pa din."I'd love to wake up sa ganitong view every morning." sabi ko.
"Aga aga Manoban. Pakasalan mo muna ko." sabi mo habang nakapikit pa rin. I can't help but to smile. Seeing you like this, kakagising lang magulo ang buhok at antok na antok ang boses. Hinalikan kita sa noo at napangiti ka na.
"Ang sarap matulog dito, dito nalang kaya tayo tumira?" tanong mo.
"Bebu ang mahal per night dito ha baka akala mo. Bilhan nalang kita ng bahay tapos bibili tayo ng ganitong kama saka aircon." pabirong sabi ko.
"Pakasalan mo muna ko." sabi mo ulit.
"You really want to marry me huh?"Napadilat ka ag tumingin sa akin. Tinaasab mo ako ng kilay at masungit na nagtanong.
"Bakit ako ba ayaw mong pakasalan?""Wala akong sinabi na ayaw ko, relax lang bebu." sabi ko sabay halik sa labi mo. Bigla kang umatras.
"Oh bakit?" nagtatakang tanong ko.
"No kiss, hindi pa ko nag ttoothbrush."
"Arte naman." sabi ko sabay hablot sayo at halik sa labi mo.You wrapped your arms around my neck and pulled me closer to deepen the kiss. Morning kisses with you, this feels so damn good. Just when I was about to remove your top, biglang may nag doorbell.
LISA POV
"Are you expecting someone?" nagtatakang tanong mo. Baka yung flowers?
"Uhhh no?" maang maangan ko.
"Nagpadeliver ka?"
"Hindi rin. Ako na magbukas." sabi ko.Pasimple akong dinukot sa bulsa ng shorts ko ang singsing. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Kinuha ko ang flowers mula sa delivery boy ay isiniksik ang singsing sa isang rose. Pumasok ulit ako sa kwarto at itinago sa likod ko ang bouquet.
Nagkataon naman na pumunta ka sa CR. Dali dali kong itinago sa ilalim ng kama ang bulaklak at nahiga ulit.
"Sino yun bebu?" tanong mo sakin paglabas mo ng cr. Tumabi ka ulit sa akin at nagyakap ulit tayo.
"Wala, nagtatanong lang kung mag oorder ng breakfast." sabi ko.
"Ahh, antok ka pa?" tanong mo sakin.
"Hindi na gaano, ikaw ba?""Antok pa." sabi mo saka yumakap ng mahigpit at pumikit.
"Bebu-" pagtawag ko sayo.
"Hmm?""Bakit mo ako mahal?" seryosong tanong ko.
"Kasi ikaw si Lisa." matipid na sagot mo."Oh kapag ako si Lisa?"
JENNIE POV
"Ikaw yung isa sa inspiration ko to do better everyday, mahal kita kasi sobrang lambing mo. Kasi palagi kang andyan for me, kasi palagi mo nireremind how much you love me. Mahal kita kasi you strive to be better everyday, I can see your determination para maabot mo yung pangarap mo. I saw how you grew up from that college girl from the woman you are today. I really admire your passion in everything that you do. Mahal kita, mahal ko kung ano ka. Kahit yung flaws mo. Parang ang hirap naman iexplain kung bakit mo mahal ang isang tao. Basta yon, every little things that you do for me means a Lot. You are my everything bebu." sabi ko.
Napangiti at halatang kinilig ka. What are you up to? "Ikaw? bakit mo ako mahal?"
Huminga ka ng malalim at umupo. Pinaupo mo din ako at hinawakan ang kamay ko.
"You know I'm not good at words but I will try okay?" tanong mo at tumango ako."Hindi ko alam kung ano bang feeling mainlove not until I fell inlove with you. Alam mo yung para kang highschool tapos may crush ka? Yung gusto mo siyang bigyan ng letter para sabihin na crush mo siya? Ayun yung feeling nung nainlove ako sayo. Mahal kita kasi ikaw si Jennie, you make me strong. Ironic how you are my weakness and my strength at the same time. Mahal kita kasi you support me in everything that I do. Mahal kita kasi you are the kindest person I know, you may be a brat before but it's okay. Definitely okay with me. Mahal kita hindi dahil sa mga bagay na ginawa mo for me. Mahal kita kasi you are you. My Jennie Kim, my first love and first heartbreak, my kryptonite, my superwoman, my bitch. And I am more than willing to be called as "Alipin ni Jennie." sabi mo.
JENNIE POV
"I love you so much." sabi ko sabay halik sa labi mo. "But I honestly don't know why are we talking about this bebu." sabi ko.
Tumayo ka at hinatak ako pababa ng kama. May kinuha ka sa ilalim nito at nagulat ako kasi isang bouquet ng roses.
"May pa flowers?" nagtatakang tanong ko.
Tinitigan ko ito at napansin kong mag singsing. Agad ko itong ibinalik sayo."Why bebu?" natatawang tanong mo.
"Bakit may singsing?" tanong ko. Nagsink in sa akin lahat, yung usap natin kanina.Kinuha mo ang singsing at lumuhod. Natatawa ka pa habang nakatingin sa akin. Mixed emotions, I didn't know you'd do this. Hindi ka pa nagtatanong ay napaiyak na ako.
"I didn't say anything pa bebu why are you crying na?" tanong mo habang hawak mo ang isang kamay ko.
"Miss Kim, can I spend the rest of my life with you? Pwede ba akong maging Alipin ni Jennie forever?"
Itinayo kita sabay yakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, of course. You can be Alipin ni Jennie, ikaw lang. Ikaw at ako habangbuhay.
BINABASA MO ANG
GIVE ME LOVE [COMPLETED]
FanfictionBlacksheep meets the loan shark. "You don't have to pay me, just let me fuck you hanggang mag-sawa ako." PS: Mature content