EPILOGUE

8.3K 108 16
                                    

JENNIE POV

J: Grab nalang ako pauwi, bibilhan ko lang ng food si nathan.
L: Wait lang bebu, I'll try to finish my work before 6pm. Wait for me I have something for you.
J: Ano na namang kalokohan yan?
L: Grabe ka naman. I'll see you later my wife.

We agree na magsabay tayong pumasok at umuwi galing sa trabaho para isa lang ang sasakyan na gagamitin. Ayaw mo din kasi magdrive ako dahil baka lang ma stress ako sa traffic, minsan nagdadala din naman ako ng sasakyan kapag busy ka masyado at late na umuuwi pero most of the time you make sure na susunduin mo ako. Minsan nga niloloko ka na ng mga tao mo, masyado ka daw under. Ang sagot mo eh iniingatan mo lang ako dahil baka matauhan ako, as if naman.

Niyakap mo agad ako pagsakay ko sa sasakyan.
"Amoy pawis ka, nagfield ba kayo today?" tanong ko.
"Sorry na, yes po." nakangiting sabi mo.
"Sabi ko sayo magpalit ka ng damit after kasi baka matuyuan ka ng pawis." inis na sabi ko.

"Eh nakalimutan ko bebu sorry na." pagdadahilan mo. May kinuha ka sa backseat at iniabot ito sa akin. Flowers, again. Mula noong magpakasal tayo parang lalo ka pa nanligaw sakin. Tama nga yung sinabi mong babawi ka habang buhay, hindi naman din kailangan bumawi pero you always make sure that I feel loved and secured- kaming dalawa ng anak mo.

"Sweet naman ng asawa ko, may kasalanan yata." pabirong sabi ko habang nakatitig sa bulaklak.

"Huh? wala no." sabi mo.
"Sure? or magpapaalam ka?"
"Ah, eh kasi pwede ba kami lumabas nina Seul?" nahihiyang tanong mo.

"Sabi ko na eh, kelan yan?"
"Sa friday night Bebu sa bahay nina Seul, iinom daw kaming tatlo. Pwede ka naman sumama din andoon naman si Ate mo."

"Walang kasama si Nathan. Umuwi ka nalang ng maaga, wag pakalasing ha magddrive ka pa." bilin ko.

"Yes Maam. I love you." sabi mo sabay halik.
"Let's go home?" nakangiting sabi mo.
"Okay."


Sinalubong agad tayo ni Nathan as soon as we got home. "Mommy!!!" sigaw nito sabay yakap sayo. "How's my baby pogi?" tanong mo sa kanya sabay kiliti. Tumawa ito at tumakbo para hindi mo na siya makiliti.

"You didn't give me a kiss pa Nathan." pagtawag ko dito. Agad itong lumapit at hinalikan ako.

"I love you Mommy." malambing na sabi nito at tumakbo na ulit. As usual nag habulan na naman kayo.

"Lisa kapag may nabasag ikaw ang lagot sa akin ha." pag-saway ko. Sabay kayong tumingin sa akin at nagpipigil ng tawa.

"Puro kalokohan yang itinururo mo sa anak mo."
"Huh? Hindi po Mommy." sabi mo.
"Huh? Hindi Mommy po." bubulol bulol na sabi ni Nathan at sabay kayong humagikgik.

I couldn't thank God enough for giving me this Love. After all the hardships we've been through, lahat nung masakit, lahat nung malungkot is so much worth it. Love is really should be freely given, hindi pinipilit o hindi dinedemand. Minahal ko si Lisa not because she loves me, hindi niya ako pinilit ireciprocate yung feelings niya kahit nung una palang. Kasi mararamdaman mo naman yun eh, siguro I am one of those people who's blessed enough to find someone who will love me unconditionally kahit walang kapalit.

"Anong iniisip mo?" sabi mo at niyakap ako mula sa likod.
"You."
"I am yours." sabi mo sabay halik sa pisngi ko.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon