CHAPTER 18 - CHAESOO

4.6K 85 3
                                    

Nakikita ko na itong si Rose na kasama ni Jennie before, Pasimple ko lang siya tinitignan kasi nakakahiya naman sobrang ganda niya tapos ako.. sobra lang, sobrang daldal. Iniisip ko nalang na sadyang hanggang tingin nalang siguro ako sa babae na ito. Madalas ko silang makita sa Cafeteria at palagi din napapansin kong ang sarap niyang kumain.. masarap kaya siya? chos. 

Natuwa ako ng very light nang malaman kong Girlfriend ni Lisa si Jennie for some reason, I am slightly hoping na isama siya ni Jennie minsan. Nagulat ako dahil bigla nalang silang lumapit sa table namin kanina.

Siniko ko si Seul nang makita kong papalapit ka.

"Ano ba Chu." inis na sabi ni Seul habang naglalaro ng mobile legends sa cellphone niya.

"Gago yung crush ko papunta dito sa table natin." kinakabahan na sabi ko.

"Sino ba yan?" maya maya ay tinignan ni Seul ang paparating.

"Tanginaaa bakit andito sila? Ayan na Chu, chance mo na yan umayos ka ha."

"Oo basta wag kang eepal." sabi ko.


Hindi ko naman inakala na ako ang unang lalapitan mo, halos matunaw ako sa mga ngiti mo. Hindi ko ma explain, anak ka ba ni mama Mary? Bakit ganyan? Bakit sobrang ganda mo? Bakit mas maganda ka sa malapitan? Ni wala akong makitang flaws sayo. Naghahalo halo na ang nasa isip ko, hindi na maprocess ng maliit na utak ko yung nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. 

Inilahad mo ang kamay mo sa akin.. Napatulala ako. Shet, ano ba pati ba naman ang kamay mo maganda? Hindi agad ako nakareact. Kinakain ako ng hiya, buti nalang inabot ni Seul ang kamay mo. Nanghinayang ako dahil chance ko na yon na mahawakan ito pero kinabahan kasi talaga ako. 

Umalis si Lisa dahil napikon malamang kay Kai, eto naman kasing kaibigan mo ni hindi ko rin alam kung anong gusto. Bakit nung isang araw binabrag ni Lisa na girlfriend niya si Jennie tapos ngayon biglang may hatdog na eepal? Anong kagaguhan ito?

"Jisoo, magsalita ka naman." sabi mo. 

Ngumiti lang ako. "Hi."

"Ang formal mo naman. Sabi ni Lisa madaldal ka daw.. pero parang hindi naman?" 

Tangina ka Lalisa Manoban anong kinwento mo dito sa crush ko? Sinabi mo ba sa kanya ang mga kalokohan natin? 

"Shy type lang sa una yan talaga." sabi naman ni Seul. Buti nalang andito si Oso, lifesaver talaga.

Maya maya ay napansin kong matatapos na kayong kumain. Tumunog ang cellphone ko, napatingin ako kay Seul. Bakit magtetext itong kumag na to e magkatapat lang kami? Bobo lang? Pasimple kong binasa ito.

Seul: Kunin mo na yung number.

Chu: Gago nakakahiya.

Seul: Kunin mo na or ako kukuha? Hina naman neto.

Chu: Nahihiya ako ang iskeri baka mamaya bastedin ako.

Seul Tangina kukunin mo palang number anong basted pinagsasasabi mo dyan?

Chu: Sige.

"Una na kami, salamat sa pagsabay." sabi mo. Hindi pa kayo nakakaalis pero namimiss na agad kita, separation anxiety agad hays awao.

"Okay ingat kayo.. Ay teka may sasabihin si Chu." sabi ni Seul.

Napalunok ako at uminom ng tubig. Siniko ako ni Seul at napalakas ito dahilan para maibuga ko ang tubig na ininom ko. Inubo ako ng bahagya sa nangyari, nakakahiya. 

"Pahingi daw ng number mo." sabi ni Seul sabay agaw sa cellphone ko at iniabot ito sayo.

Agad mo naman itong kinuha at iniabot pabalik sa akin.

"See you around." sabi mo at umalis na kayo ng kaibigan mong tigre.

"Tangina Seul nakakahiya yung nangyari pero.. salamat. Isa kang malaking blessing." emosyonal na sabi ko kay Seul at niyakap ito.

"Lumayo ka nga kadiri amputa." iiling iling na sabi nito. 

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon