CHAPTER 34 - JENRENE

4.5K 94 3
                                    

Tinawagan ko si Lisa kagabi to know her whereabouts, bigla nalang kasi siyang nawala nung magkatext kami. Hindi siya sumasagot kaya tumawag ako sa bahay nila at ang sabi lumabas nga daw siya. Nagtext naman siya 2 hours after at sinabing sinundo niya si Seul.. with Ate Hyun.

Umagang umaga ng tumawag si Lisa. She said she's going somewhere with Jisoo and Seul regarding sa review nila.

Lisa: Baby alis kami nina Seul ha, regarding lang po sa review.

Jennie: Okay.

Lisa: Why are you cold? Hindi mo na ba ko love?

Paano ka naman hindi masosoft sa babae na ito kung ganito ang tanong tapos sobrang lambing ng boses? Iniisip ko parin kasi hanggang ngayon yung nangyari kagabi. Malamang hinatid niya si Seul pagkatapos si Ate. What happened in between? Nag-usap ba sila? Hindi ko maiwasan hindi ma anxious kasi we'll never know, hindi pa naman din kami ni Lisa.

Jennie: I love you baby alam mo yan.

Lisa: Nothing happened I swear, you can ask Hyun din. Anyways I'll pick you up mamayang after lunch.

Jennie: Where are we going?

Lisa: Secret.

Jennie: Okay, mag-ingat ka sa lakad niyo. Magbehave ha, I love you.

Lisa: Mahal na mahal kita Jennie.

Palagi naman vocal si Lisa sa nararamdaman niya for me, hindi ko lang din maiwasan hindi mapangiti tuwing sasabihin niyang mahal na mahal niya ko. Napakasurreal kasi ng feeling. Bumaba ako para kumuha ng tubig nang abutan ko si Ate Hyun na nagluluto ng breakfast for us, she's been good at it lalo na ngayon na she lived independently for the past 2 years, I can't help but to feel insecure dahil sobrang girlfriend material nitong ate ko.

"Good morning." masayang bati niya.

"Morning." Tuloy tuloy akong pumunta sa ref at kumuha ng tubig.

Busy siya sa pagluluto, naisip ko should I ask her about what's bothering me?

"Ate can we talk?" seryosong tanong ko.

"Sure, about what?"

"Alam mo kung tungkol saan."

"Lisa?"

"Yeah." sabi ko.

"oh what about her?"

"Mahal mo pa ba siya?"

"Jen, does it matter?" inis na tanong niya.

"Yes."

"Paano kung sabihin ko na oo mahal ko parin siya."

Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Lisa. Napaupo ako at nag-isip. What ifs.. what could have.

"Ano bang iniisip mo dyan? Hindi ba sayo na siya?" sabi nito at pinatay ang stove.

"Natatakot ako. Kasi alam mo yon, I can't help but to compare myself to you. Kasi alam kong better ka kaysa sakin sa lahat ng aspeto. I've always been jealous sayo. Kay Dad.. lalo na kay Lisa. Hindi ko alam."

"You've always been jealous about me? Samantalang ako nga yung naiinggit sayo kasi nagagawa mo yung gusto mo. While me? palaging nakatingin si Dad. Takot na takot akong magkamali Jen. Kung si Lisa yung kinaconfused mo dyan, I left her few years ago because she likes you. Ikaw ang gusto since then, ikaw ang gusto kahit kami pa." mahinahon na sabi nito.

"I didn't know you feel that way. I'm sorry." sabi ko at yumuko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I lived my life na palaging nakatingin si Dad, parang konting galaw ko lang may masasabi siya kaya I've always been too careful sa lahat ng bagay. Nakita mo ba ko umalis ng bahay with friends? Nakita mo ba akong nagwalwal? Hindi diba? Na experience ko lang lahat nung naging kami ni Lisa. Doon sa tanong mo kung mahal ko pa ba siya, Yes. Pero hindi ibig sabihin non aagawin ko siya sayo kasi mas importante yung happiness niya at ikaw yon.. Ikaw yon Jen. Kaya hindi ko gets bakit kailangan pa natin pag-usapan to. Maniwala ka kay Lisa, she's a genuine person at alam kong mahal na mahal ka niya."

"I'm sorry.. I know you're hurting too. Hindi ko alam how to ease that knowing na ako at si Lisa ang dahilan.."

"No.. halika nga dito." sabi niya at lumapit ako. Niyakap niya ako ng mahigpit and for the first time in forever, naramdaman ko ulit na I am home. Our girlfriend/boyfriend can make us feel like we're home pero iba pa rin pala kapag sa kapatid mo. Hindi ko na napigil at tumulo na ang luha mula sa mga mata ko.

"Huy bakit ka umiiyak? Baka pagalitan ako ni Dad niyan." natatawang sabi niya at inabot sa akin ang tissue.

Sakto naman at biglang pumasok si Dad.

"Oh bakit may drama session dito?" natatawang sabi nito.

"Etong anak mo kasi, hindi mo daw siya paborito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate.

"Halika nga dito." tawag ni Dad sa akin at niyakap ako.

"I don't know what made you think that you aren't my favorite. Parehas ko naman kayong paborito, yun lang mas naging close ang ate mo sakin. I'm just waiting for the time na mag reach out ka sa amin ng ate mo, kung alam mo lang kung gaano ako ka proud sayo. Napapagalitan kita madalas kasi alam ko yung potential mo at yung kaya mong gawin ang yet hindi mo ginagawa kasi feeling ko na iinsecure ka sa ate mo which is hindi naman dapat. I'm sorry too kapag may times na nacompare kita kay Hyun. Siguro may pagkukulang din ako. Pwede pa naman bumawi diba?" nakangiting sabi nito at tumango ako.

Lumapit si Hyun at nagyakap kaming tatlo. This is Home. I am home.

"Wala ng iiyak ha, you can ask me anything. Pwede natin pag-usapan kahit ano."
"Thank you Dad, I'm sorry too." nahihiyang sabi ko.

"See?" nakangiting sabi ni Hyun.
This is what matters the most.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon