CHAPTER 24 • OFFICIALY YOURS

5.4K 98 22
                                    

3 months with Hyun. We've been dating for 3 months now at wala akong masabi kundi ang saya ko. She's been extra sweet after niya akong payagan manligaw sa kanya, mas lalong naging clingy pero moody padin minsan.

"Hyun?" tanong ko sayo habang nakayakap mula sa likod mo. Kasalukuyan tayong nasa kwarto ko at nanonood ng movie, we liked it this way kaysa gumastos sa mall. At isa pa gustong gusto mo rin kasi na nakacuddle kaya naisip ko cheap dates will be the best option.

"Hmmm?"
"Kailan mo ako sasagutin?"

Bigla kang napalingon at tinitignan ako.
"Nagmamadali ka ba?" seryosong tanong mo.

"No baby. I'm just wondering."
"Sige na nga." sabi mo.

"What?"
"Sige tayo na."


"Huh teka saglit lang." sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap. May kinuha akong maliit na box sa drawer ko at bumalik sa kama.

"Hyun." sabi ko ulit.
Nagtataka ka dahil I am acting weird. Feeling ko nga gusto mo na akong hampasin.

"Oh?"
Binuksan ko ang maliit na box at nagulat ka nang makita ang lama nito.

"Bakit ang dami? nagtitinda ka ba?" natatawang tanong mo.

"Hindi, I can't decide which one to pick kaya binili ko lahat for you. You're my Queen Hyun." malambing na sabi ko.

You cupped my face and kissed my lips.
"I love you so much Lisa." seryosong sabi mo.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko parang sasabog na yung puso ko sa sobrang saya.


"May speech kasi ako teka lang wag ka munang eepal." sabi ko.
"Ano na naman tong pakulo mo Manoban?"

"Listen." Hinawakan ko ang kamay mo at tinitigan kita.

"Alam kong iniisip mo even before na babaero ako, na I do nothing but trouble--"

"Hindi ko iniisip yon." pag epal mo.
"Sabi ko walang eepal diba?"

"Okay go on."

"Hindi ko alam kung anong bad spirit ang sumapi sayo at kinausap mo ako, from that day on my life became happier. Ikaw ang happy pill ko eh. Believe it or not mas naging okay yung pakiramdam ko mula nung naging close tayo, Alam mo naman na mag-isa lang ako sa bahay and it doesn't feel like home tuwing uuwi ako. Pero ikaw, I found home sayo."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Noong una natakot ako dahil ayokong irisk kung anong meron tayo, we have a beautiful friendship diba? pero nung hinalikan mo ako nung birthday mo.. everything changes. You made me took this risk. You made me fall in love with you. Minsan naiisip ko parin na hindi kita deserve kasi ang taas mo, parang ang hirap mong abutin pero you compromise and always make sure we meet halfway. Sobrang caring mo, sobrang lambing, matalino, sobrang ganda. Walang hindi pipili sayo. Swerte ko nalang talaga na ako ang andito sa harap mo ngayon."

Napangiti ka at hindi makapagsalita dahil sa mga narinig mo.

"Hyun, will you be my girlfriend?"
Bigla mo akong niyakap ng mahigpit, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo.

"I am yours." bulong mo.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon