CHAPTER 20

4.9K 105 39
                                    

9PM nang tumunog ang cellphone ko, ineexpect ko na si Irene yon. Napangiti ako nang makita kong siya nga ang nagtext saying that she's home already.

Irene: Hello my new found friend, I'm home! Thanks for today :*

Lisa: You're welcome, I'm glad you're home. No, I should be the one thanking you hehe.

Irene: No worries, let's do it again some other time.

Lisa: Sure then. Goodnight Miss Irene.

Hindi na siya ulit nagreply pa, binitawan ko ang cellphone at inayos ang mga gamit ko. Nakakalat parin ang mga notes sa table ko dahil kakatapos lang ng exam. Isa isa ko itong iniligpit at nagulat ako dahil nakita ko ang draft note na ginawa ko for Jennie.

"Jennie,

I'm not quite sure kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero most likely hindi. Naalala mo ba nung unang beses tayong nagkita? Same class tayo sa History non. Hindi ko din alam bakit naligaw ang isang tourism student na tulad mo sa class ng Engineering, nalaman ko lang nung sinabi ni Jisoo na baka nag advance taking ka ng subjects mo at sakto sa Engineering naka offer yung subject. Parehas tayong late noon at pinakanta tayo ni Prof ng Lupang Hinirang na spanish version. You did great in singing, aside sa kabisado mo eh ang ganda din pala ng boses mo.

From that day on palagi na kitang pasimpleng tinitignan. Kapag dadaan kayo sa hallway, kapag nasa Cafeteria, kapag nakakasabay kita sa parking lot. I didn't have enough courage to talk to you because I am afraid of rejections, as isa pa mukhang wala naman akong pag-asa. Timing lang talaga na you went to City of Dreams that night at nagkataon na andoon din kami nina Seul. I saved your ass in trouble dahil ayoko din mapahamak ka sa kamay nina Hanbin, Also I took that para mapalapit sayo. And then the rest is History, gusto ko lang malaman mo na wala akong pake kung anong deal natin. Kung magkano man yon or whatever, I like you a lot. Since the first day that I saw you. Pwede bang kalimutan na natin yung deal? Will you let me court you for real?"

Nalungkot ako sa nabasa ko. Inipit ko nalang ito sa notebook ko.

Maya maya pa ay nagtext ulit si Irene.

Irene: Sorry na busy lang, are you still awake?

Lisa: Yeah, just fixing my things. Maya maya pa siguro ako makakatulog. We ate too much sugar eh.

Irene: I'll call.

Nataranta ako sa sinabi nito. Dali dali kong kinuha ang earphones ko at nahiga, saktong pagkahiga ko ay nagring ang phone ko.

Lisa: Hello?

Hindi agad ito nagsalita.
Irene: Sorry akala ko hindi mo pa sinagot. How are you?

Lisa: I'm good Miss.. Ikaw?

Irene: Akala mo talaga ang tagal natin hindi nag-usap.


Irene and I became each other's routine for 3 weeks now, She'll call kapag gabi or ako and we share stories about how our day went. Kung anong kinain nung lunch, kung anong nakakatawang bagay ang nakita today. Hindi boring kausap si Irene, to be honest I like her company. Yung iniisip ng ibang tao na sobrang sunget e sobrang jolly at daldal inside.

Ayoko man aminin pero I found home in her.. somehow. Like I've been longing for the attention and love and she willingly gave it all. Without restrictions, we became bestfriends in short period of time at palagi akong thankful sa kanya. Birthday niya today at ininvite niya ako dahil may simpleng birthday party daw siya, ayokong maniwala sa "simpleng" party na yan panigurado puro dean at elite ang mga bisita niya. Nagdadalawang isip pa akong pumunta kaso baka magtampo siya.

Irene: Baby? Pumunta ka na please. Ikaw lang ang gusto kong bisita, wala naman masyadong tao. Hindi ka ma o-OP, I'll be with you all the time I promise.

Lisa: Pero-

Irene: Please please baby.

Lisa: How can I protest pa kung you're giving me that tone. Hay, paano ako mag kakagirlfriend nito kung ganyan ka clingy sa akin.

Irene: Aww, ayaw mo na sakin? Hindi mo na ako love?

Lisa: I do ofcourse pero kasi-

Irene: No pero, be here at 7pm okay? I love you.

Lisa: Hay, I love you too smol bean.

Napakamot ako ng ulo dahil nahihiya talaga akong pumunta sa kanila, at isa pa baka makita ko lang si Jennie doon. I'm trying to move on from her, iniisip ko nga baka infatuation lang ang nararamdaman ko sa kanya before. Baka happy crush lang, hindi ko na siya kinausap after that confrontation. I saw her with Kai more often after non, I never bother to ask too kung ano na nangyari sa pera ko.

Tinext agad kita pagdating ko sa harap ng bahay niyo, madaming nakaparadang sasakyan kaya naman ang layo ng pinagparadahan ko ng sasakyan ko. Sinundo mo ako sa gate, damn. You never fail to look so damn gorgeous eh?

"Debut mo ba? Alam kong maliit ka pero debut mo ba?" pagbirong tanong ko sayo. Iniabot ko ang paper bag na may laman na regalo.

"What is this?" excited na tanong mo.

"Buksan mo nalang later." nakangiting sabi ko.

Niyakap mo ako ng mahigpit at nagthank you.

I bought you a necklace kanina bago ako pumunta dito, actually I was planning to buy that for you last week pa since napadaan tayo doon sa Pandora last time and you've been eyeing on that particular necklace. The next day I went there alone and too bad wala na daw at nabili na, I asked the manager of the store if she can get me the same exact design as soonest. Swerte naman at kaninang lunch time ay tumawag ito at nakakuha pa ng design na gusto mo.

Dahil nga pinanganak ka ata excited, kinuha mo ang laman ng paperbag at binuksan ito.
"Whaaaat???? Seriously??" gulat na gulat na tanong mo pagkakita sa necklace.

"Uhmmm yes?" nakangiting sabi ko at mayabang na itinaas ang dalawang kamay.

"How did you? I asked the sales lady before, last stock nila yung naka display. I went there 2 days after para bilhin kaso wala na daw. Ikaw ba ang bumili?" tanong mo.

"Nope, hindi ko narin inabutan."
"Ohhhh, how did you get this?"

"Connections." mayabang na sabi ko.
Niyakap mo ulit ako.
"Thank you baby." sabi mo habang nakatitig sa necklace.

"You want me to wear it sayo?" I asked.
"Please please."

Tumalikod ka at isinuot ito sayo.
"There you are.. bagay na bagay. Happy Birthday Smol bean." sabi ko.

"Bagay? Parang tayo?" she asked.
"Shut up baka maniwala ako." alanganing sabi ko.

"Tara na sa loob." Hinawakan mo ang kamay ko at hinila ako papasok sa bahay niyo.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon