CHAPTER 39

3.9K 67 3
                                    

Start na ng review for Board Exams, I'm being anxious about it kahit pa ang sabi mo kayang kaya ko yon. I can't help it, sino bang hindi kakabahan diba?

"You're being too anxious baby." sabi mo. Kasalukuyan tayong andito sa bahay dahil weekend pero eto ako nag-aaral pa din. "Can't help it, what if--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko, niyakap mo ako mula sa likod. "You'll be fine, magiging okay yan. Papasa yan. Sus Summa Cum Laude eh." mayabang na sabi mo.

Humarap ako sayo at niyakap kita. "Paano nalang ako kung wala ka?" malungkot na sabi ko. You cupped my face at tinitigan ako. "You're still you kahit andito ako or wala, you are amazing okay?"

"Hindi naman eh." nakangusong sabi ko.

"Anong kailangan kong gawin para maniwala ka?" seryosong tanong mo.

"Kiss." nakangiting sabi ko.

You gave me a light kiss on my lips. "Okay na ba?"

"No.. one more." malambing na sabi ko and you did.

"Hindi pa din?" natatawang sabi mo at pinaulanan ng halik ang mukha ko.

"Okay na po."

"I love you okay? I will always be here. Always."

Gusto kong maiyak sa sinasabi mo, sa pagmamahal na binibigay mo. Madalas feeling ko hindi ko deserve, I didn't know you love that much.

"Promise to be better every single day for you." sabi ko.

"No, be better for yourself.. not for me."

Anong ginawa ko sa past life ko bakit naging ganito ako ka blessed?


--

"Nakakapagod na nakakasuka mag-aral." reklamong sabi ni Seulgi, 3 more weeks until board exam. Kinakabahan ako pero hindi ko nalang pinapahalata sa kanilang dalawa.

"Kaumay nga, kapag di ako nakapasa papakasalan ko nalang si Rose. Buhay na ako don, flight attendant ih." mayabang na sabi ni Jisoo. Nakapasok si Rose sa isang sikat na airline company, one of the best actually. Noong nalaman ni Jisoo about doon sobrang natuwa siya at the same time nalungkot din. Kasi isipin mo pangarap ni Rose yon at matutupad na pero ang kapalit non they can't be with each other since palaging nasa ibang bansa si Rose.

Si Jennie naman ginawang Manager ng Dad niya sa isang property nila, they owned a Hotel and Resorts at yon ang pina manage sa kanya at the same time she's taking a business course. Minsan iniisip ko how can she manage a company tapos nag-aaral din at the same time.

"Huwag na kayo tamarin, lapit na exam." seryosong sabi ko.

"Kinakabahan ka pa ba eh sure ball na yon sayo." natatawang sabi ni Seulgi.

"Parang wala naman reason para hindi ako kabahan."

"Nako Manoban, kung meron man hindi papasa sa atin tatlo si Seulgi yon." sabi naman ni Jisoo.

"Tangina mo Jisoo kapag ako nakapasa at ikaw bumagsak papagawan kita ng tarpaulin tapos ang nakalagay: CONGRATULATIONS FOR DOING YOUR BEST"

Hinampas naman ni Jisoo si Seulgi dahil sa sinabi nito. "Inamo gago amp."

-- EXAM DAY

Maaga akong gumising dahil maaga din kami dapat nasa school na. Ilang linggo na rin akong anxious sa board exam, tinawagan ako ni Dad kagabi para sabihin na kahit anong maging result ng exam eh proud sila sa akin. Nagsimba din kami ni Jennie kahapon, last week pumunta kami sa Disneyland. Masyado na daw kasi akong stress dahil sa exam kaya nagbakasyon kami ng ilang araw bago ang exam.

Magkakaiba kami ng room assignment nina Jisoo at Seul pero nagkita muna kami bago pumasok sa kanya kanyang room.

"Kabado ka pa rin?" tanong ni Seul.
"Medyo hehehe." matipid na sabi ko.
"Alam mo Lisa kami nga dapat kabahan, tiwala lang kayang kaya natin to." sabi ni Jisoo.

Itong mga seryosong oras talagang naaappreciate ko tong dalawang unggoy na to eh. "Tara na pumasok." pag-aya ni Seul.

Bago ako pumasok sa room ay tumawag si Jennie.

J: How's my boo?
L: I'm I bit nervous pa din. I miss you.
J: I miss you too, Kayang kaya mo yan baby. God bless you! Mag pray ka ha.
L: I am blessed to have you.
J: Ka-sweet naman ng girlfriend ko, oh sya papasok ka na ba?
L: Yes.
J: How many minutes pa?
L: I think mga 15 pa naman.

J: Ummm can you go to the parking lot?

Nagulat ako sa sinabi niya. Nagmadali akong pumunta sa parking lot. To my surprise, she's standing next to my car with her suit. Damn my baby is fucking hot.

"Why are you here?" sabi ko at niyakap siya.
"Gusto ko lang bigyan ka ng Goodluck kiss."
She pulled me closer and gave me a light kiss. My heart just melted, alam na alam niya talaga kung anong makakapag pagaan ng loob ko.

"Salamat mahal ko. I feel better na." sabi ko.
"You'll be alright. Okay?" sabi niya at tumango ako. Hinalikan ko ulit siya at nagpaalam na dahil magsstart na ang exam.

--
Natapos ang exam at confident naman ako sa mga sagot ko pero halos maubos na lahat ng braincells ko eh. Sana naman sulit yung pagod at effort ko.

"Hi Engineer!!" bati mo. Niyakap mo ako nago umupo sa tabi ko. We decided to have a little celebration after exams, not to celebrate yung pagkapasa dahil hindi pa naman sigurado but to celebrate our monthsary.

"We'll go somewhere after we eat." sabi ko. halatang nagtaka ka. Wala naman tayong ibang plano today kundi dinner. Naisip ko ipagpaalam ka sa Dad mo para makabawi naman ako sa missed times natin buti nalang malakas ako sa kanya.

"Huh? Where?"
"Secret.. daan tayo sa condo mo then get some clothes." sabi ko.

Napangiti ka habang nakatitig sa akin.
"Seriously?"
"Yes."

Maya maya pa ay dumating ang waiter at may dala itong bulaklak. Pink roses para sayo.
namumula ka na naman nung iniabot ko to sayo.

"Grabe naman, walang palya ah."
"Syempre, Happy Monthsary Mahal ko." sabi ko.

Niyakap mo ako ng mahigpit. This is it, the start of something new. I'd like to start this new journey with you.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon