CHAPTER 28 • LISRENE

4.5K 86 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang? Nakakahiya kay Dad." inis na tanong ko sayo, may dinner tayo with him and Jennie pero 10 minutes kang late sa call time.

Niyakap mo agad ako, alam mo talaga yung weakness ko eh. Alam mong sobrang soft ko sayo at hindi ko matitiis na mainis sayo.

"Sorry na baby." sabi mo sabay halik sa pisngi ko. Hay ano pa nga bang magagawa ko?

"Saan ka ba kasi galing?"

"Nag extend lang ng konti sa school. May ginawa lang po. I'm sorry. Andyan na ba si Tito?" tanong mo.

Tumango lang ako at inaya ka papasok sa resto. Binati mo si Dad at naupo sa katabing upuan kung saan ako nakapwesto.

"Nasaan na yung kapatid mo?" tanong ni Dad.

"Tinawagan ko na po kanina, meron daw silang project na ginagawa hindi na daw siya makakasama magdinner."

"Ganon ba.. sige let's eat." sabi ni Dad.

Natapos ang dinner at nagpaalam ako kay Dad na mauna na siyang umuwi dahil I want to spend more time with you. I've been busy with work at hindi tayo masyadong nagkikita lately pero magkausap naman tayo sa phone palagi, ayun nga lang nakakatulugan kita madalas.

"What happened to your hand?" nagtatakang tanong ko, napansin kong medyo namumula at namamaga ito.

"Ah.. wala to baby."
"Ano lang.. ahh.. nakikipag asaran ako kina Seulgi kanina tapos napalakas yung suntok ko." paliwanag mo.

"Baby you've been off and cold lately may problema ba tayo?" tanong mo.

"I'm gonna ask you something and I want you to be honest." seryosong sabi ko.

Bakas ang pagkagulat sa mukha mo, aside sa naging busy ako nitong mga nakaraang araw e iniisip ko pa din yung nakita kong note na sinulat mo for Jennie. I tried to ignore it kasi tapos naman na yon at tayo yung mahalaga, but the "deal" got me curious.

"What about it?" nagtatakang tanong mo.
"Nagkaroon ba kayo ng something ni Jen?"

Nagulat ka sa tanong ko. Wala naman akong gagawin, gusto ko lang malaman. Gusto kong malaman mula sayo at sana lang sabihin mo lahat at yung totoo.

--
"I have no idea where are these questions coming from as I've said to you before crush ko yung kapatid mo." paliwanag mo.

"That didn't answer my question Lisa."
"Babe? are we really gonna talk about this? tapos na yon diba? tayo yung importante."

"I wanna know."
"I told you everything na diba?" worried na sabi mo.

"Then what about this?" ipinakita ko ang note na nakuha ko sa gamit mo. I know it's not good na makielam sa gamit mo pero Jennie has to do with it kaya tinignan ko.

"Where did you get that?" tanong mo at kinuha ito sa kamay ko.

Binuklat mo ito at wala pang ilang segundo ay nilamukot mo ito at ibinulsa.

"Babe? sabi ko nga tapos na yon diba? and I already told you everything before."

"You never told me na naging kayo."
"Kasi hindi naman totoong naging kami." paliwanag mo.

"Hindi totoong naging kayo? meron bang ganon? and what about the deal? ano yung deal niyo?"

Natahimik ka, halatang nag-iisip ng sasabihin mo. Please, sabihin mo yung totoo. Yun lang naman yung gusto ko eh. Yung magsabi ka ng totoo.

"That was just a losers bet, natalo siya sa poker at ang pustahan namin magiging girlfriend ko siya for a week."

"Ayun lang?" tanong ko ulit. Pinipigil kong wag mag breakdown.

"Ayun lang baby promise." sabi mo sabay yakap sa akin.

FLASHBACK

Hindi ko na natiis at kinausap ko na si Jennie about her and Lisa. That's a lame move pero I wanna know everything, and I think si Jennie muna ang dapat kong tanungin about it.

"Jen.. can we talk?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba yun Ate? inaantok na ako." sabi naman nito.

"Ayoko na magpaligoy ligoy pa, nagkaroon ba kayo ng something ni Lisa?" dire-direchong tanong ko.

"Ate, masaya na kayo diba? at ganon din ako. I don't think kailangan pa pag-usapan kung ano man yung nangyari before."

"Please Jennie."

Sandali siyang nag-isip. Maya maya ay kinwento niya na lahat ng nangyari. Nagulat ako dahil una, hindi ko alam na nagpopoker si Jennie. Pangalawa, yung deal nila.

"May nangyari ba sa inyong dalawa?" lakas loob na tanong ko. Hoping na wala, sana wala.

"Meron."

"Thank you for being honest." malungkot na sabi ko.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon