CHAPTER 8

6.9K 119 1
                                    

30 Minutes earlier akong dumating sa call time natin kasi gusto ko lang muna mag muni-muni mag-isa. Wala rin naman kasi akong kasama sa bahay.

My Mom and Dad usually stays abroad, ako nasanay na palaging yaya lang ang kasama sa bahay simula pagkabata. I was known as a notorious student sa University, I don't even know why. Or maybe because I pretend to be strong since I was a kid para hindi ako ibully ng mga bata. Palagi nalang kasi pang asar sa akin yung

"Ah walang Mama at Papa." 

Noong una napipikon pa ako sa mga bata na nagsasabi niyan sa akin, pero nasanay na ako at natutong lumaban. Well, hindi naman ako basag ulo tulad ng inaakala ng karamihan, I just have this strong personality na mayabang din so no one can hurt me, walang lalapit ganon.. kumbaga defense mechanism. Kaunti lang ang nakakaalm na I am soft inside, mga closest friends ko lang din. Ang kaso lang, hindi nga ako siraulo inside pero etong mga kaibigan ko demonyo inside and out, natuto akong mag bisyo at magcasino. Ginawa na ata namin libangan ito kahit pa may pasok kinabukasan, I love them though. Mga pare-parehas kaming pasaway.

Siguro kapag nalaman ng Dad ko itong pinaggagagawa ko malamang ipapatapon niya ako sa US at pagttrabahuhin para kumita ng pera para sa sarili ko. Sira ang maliligayang araw mo Manoban kapag nangyari yon.

I brushed off the thought dahil dumating na ang iniintay ko. Napatingin ako sa oras, she's 5 minutes earlier. Wow, punctual naman pala. 

You're wearing a white shirt, black jeans at sneakers. Why you still look so damn hot kahit ganyan lang ang suot? Am I imagining things? Kumalma ka Manoban.

Umupo ka sa katapat na upuan, ni hindi man lang ako nginitian o binati. Napaka bitch talaga nito, but I still like you.

"Hi, good morning naman muna? Agang aga mong nakasimangot." sabi ko.

You rolled your eyes at kinuha ang cellphone mo.

"So ano, magpphone ka nalang dyan?" tanong ko.

"Ano bang gagawin natin?" inis na tanong mo.

"Breakfast?" sabi ko.

Maya maya pa ay dumating na ang food na iniorder ko. 

Bacon, Egg, Muffin at pancakes. Hindi ko kasi alam kung anong type mong breakfast kaya kung ano nalang ang gusto ko ang iniorder ko, tatanungin nalang kita kung anong gusto mo once na dumating ka. Napatingin ka sa food na ihinain, nakatingin lang ako sayo tila ba nag aabang kung gusto ba or aayawan mo ito.

"Uhmm you don't like it?" tanong ko.

"No.. gusto ko." matipid na sabi mo.

"Let's eat then." sabi ko. 

Tahimik la lang pala sa personal, kung hindi ka kakausapin hindi ka iimik. Anong nangyari sa tigress na kausap ko the other day? Yung babaeng walang tigil ang bunganga? Napangiti ako habang umiinom ng kape. Damn, ang interesting mo. 

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon