Nagpark ka pagkadating sa school. Kinuha mo ang bag sa likod mo at inayos ang mga gamit mo, oonga pala Enginering student ka. Nakita ko pa ang mga plates at ibang gamit mo pa sa likod ng kotse mo.
"What time uwian mo?" tanong mo sakin habang binubuklat ang notes mo.
"04:30 pa." sabi ko at inalis ang seatbelt na nakasuot sa akin.
"Wait kita, hanggang 4:00 PM lang ako. I'll bring you home." seryosong sabi mo.
"Hindi naman kailangan." sabi ko at kinuha ang gamit ko.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse mo nang bigla mo na naman akong hinatak.
"Ano na naman ba?" iritadong tanong ko.
"Hatid kita mamaya." sabi mo sabay halik sa pisngi ko.
"Have a nice day ahead baby girl." nakangising sabi mo.
"Shut up." inis na sabi ko at tuluyan na bumaba.
Konti palang ang tao pagpasok ko ng classroom, naupo ako sa tabi ni Rose na kasalukuyang nagrereview. Shet, may quiz nga pala ngayon.
Lumingon ito at ngiting ngiting binati ako. "Good morning pokpok!"
"Pwede ba Park Chaeyoung tigilan mo ko." inis na sabi ko.
"Jennie Ruby Jane Kim pwede bang tigilan mo kakatawag sakin ng ganyan." pabulong nito. Natawa ako sa reaction niya, hate na hate talaga niya kapag tinatawag siya ng buong pangalan.
"So saan ka natulog kagabi? Tawag ng tawag sa akin si Ate Irene kagabi tinatanong ka, sinabi ko nalang na natutulog ka na. Hindi ka daw nagpaalam na mag overnight ka." dire-direchong sabi na naman niya. Wala ata balak to manahimik muna.
"Rose, masakit ulo ko pwede bang mamaya na chika?" dumukdok ako sa desk. 30 minutes pa naman bago magsimula ang klase.
Natapos ang klase at paglabas namin ng classroom ni Rose, andoon ka at nag-iintay. Nakapamulsa ka at nakatingin sa sapatos mo at halatang puyat at pagod ka.
Bumulong si Rose pagkakita niya sayo. "Bes, ano? seryoso ba yung sinabi niyang girlfriend ka niya? Seryoso ba yon? Eh babaero yan diba? Pero jackpot ka dyan." kinikilig na sabi nito.
"Gusto mo ba? Sayo nalang." inis na sabi ko.
"Sige." sabi naman nito.
"Pamigay ka isusumbong kita kay Tito." sabi ko nalang.
Napansin mo ata na papalapit aya sinalubong mo ako at hinalikan sa pisngi.
"Bakit ka andito?" inis na tanong ko.
"Sabay tayo magllunch." mariin na sabi mo.
Gusto mo ata 24 hours tayo magkasama? Nakakairita. Saan kaya ako makakakuha ng 3 Million para matapos na tong kalokohan mo.
"Jen, una na ako." paalam ni Rose. Pinandilatan ko ito ng mata dahil bigla nalang nagpaalam? Sabay naman kami palagi nagllunch pero ayaw akong sabayan ngayon?
Naglakad narin ako at hindi kana pinansin. Maya maya pa ay naramdaman ko nalang na hinawakan mo ang kamay ko, sinubukan kong bumitaw pero diniinan mo ang pagkakahawak dito habang naglalakad tayo.
"Jen, may utang ka sakin remember?"
"Hindi kasama to sa usapan natin." mariin na sabi ko.
"May utang ka sa akin at ako ang masusunod." sabi mo naman.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sayo, pumasok tayo sa Cafeteria at umupo sa pwesto kung nasaan ang mga kaibigan mo. Halatang nagulat sila pagkakita sa akin, ikaw naman ngiting ngiti at proud na proud. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong hampasin ka dahil sa pinaggagagawa mo sa akin.
"Guys, si Jennie.. Girlfriend ko."
"Tangina Manoban?!!!!!" sigaw ni Jisoo.
"Seryoso ka ba? Jennie, my name is Seul.. Ang Seulmate mo." sabi naman ni Seul.
"Ako ang soulmate niya.. tumigil ka." sabi mo at tumingin sa akin.
Hindi ko na talaga alam kung anong balak mo sa buhay, kung seryoso ba tong ginagawa mo or this was just a part of out deal. Kaso lang, why do we need to act like we are a couple kung fuck buddy lang naman ang deal natin? Why do we need to introduce us as a couple kung wala lang naman to? Nainis na naman ako sa naisip ko.
"Okay ka lang?" bulong mo sa akin habang kumakain.
"Hindi ko kasi gets bakit kailangan mo pa sabihin sa buong mundo na girlfriend mo ako when this was just a part of our deal.. Kapag nakabayad na ako sayo anong sasabihin mo sa kanila? Na isa lang ako sa babaeng pinaglaruan mo? Na sawa ka na kaya nagbreak na tayo?"
Hindi ka nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain. HInatid mo na ako ulit sa classroom pagkatapos natin kumain, hindi ka na ulit umiik. Hindi ko kailangan maguilty kasi totoo naman ang sinabi ko, na madami kang babae at unfortunately nakasama na ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
GIVE ME LOVE [COMPLETED]
FanfictionBlacksheep meets the loan shark. "You don't have to pay me, just let me fuck you hanggang mag-sawa ako." PS: Mature content