CHAPTER 26 - JOOHYUN

4.4K 79 0
                                    

Tumayo ako para ayusin ang mga gamit mo, halos kakatapos lang din ng Finals mo at nakakalat na naman ang mga gamit mo dahil sa pagrereview at mga plates na tinapos mo.

"Baby? Ayusin ko gamit mo ha." sigaw ko.
Binuksan mo ang pinto at sumilip. Para kang bata na nahihiya.
"Baby ako nalang mamayang gabi pag-uwi mo, nakakahiya."

"Maligo ka na ako na mag aayos, makakatulugan mo na naman ito." sabi ko sayo.

"Ehhhhhhh"
"Dali na."

"Okay." sabi mo at isinara ulit ang pinto ng cr.

Bigla kong natabig ang notebook na nakapatong sa table mo, bumagsak ito at nalaglag. Kumalat ang mga papel na nakaipit dito, dali dali kong pinulot at inayos. Naagaw ng pansin ko ang isang papel na may pangalan ni Jennie.

Jennie? Kumunot ang noo ko, alam ko at aware ako na mag gusto ka sa kapatid ko before at inamin mo naman din yon. Binasa ko kung anong nakasulat dito. Wala pa sa kalahati ay tumulo na ang luha sa mga mata ko.

I know you didn't cheat pero hindi ko alam na ganon pala kadeep yung nararamdaman mo for her, at.. nabasa ko pa na mayroon kayong deal dalawa. What about it? Anong meron?

Pinahid ko ang luha ko bago mo pa ko abutan. Itinupi ko ang note at itinago ito sa bulsa ko.

Maya maya pa ay lumabas ka na sa cr. Nagtaka ka dahil ang tahimik ko. Niyakap mo ako mula sa likod.

"Sipag naman ng baby ko.. sorry na ang gulo ng kwarto ko." malambing na sabi mo at hinalikan ang pisngi ko.

Napasinghot ako dahil kakagaling ko lang sa iyak. Nagtaka ka bigla.
"Baby? Umiyak ka ba?" nagtatakang tanong mo.

Umiling ako. "No, sinisipon lang."
"Baka kasi yung aikabok baby, tama na yan ako na mag-ayos. Inom ka ng gamot." sabi mo.

Nagpaalam narin ako sayo around 4pm dahil sabi ko masama ang pakiramdam ko.

GIVE ME LOVE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon