Chapter 4 : Transferee

3K 104 3
                                        

Forest Pov

Katulad ng sabi ko kay audrey hindi ko na siya kinukulit pa, okay na ako kahit patingin tingin nalang ako sa kanya. Nakakalungkot lang isipin na ayaw na niya sa akin. Sana di ko nalang sinabi sa  kanya na gusto ko siya edi sana magkaibigan parin kaming dalawa hanggang ngayon at hindi siya galit sa akin. Ang sakit lang isipin na yung taong gusto mo ayaw na niya sayo.

"Ang ganda nung transferee no?"

"Ha?" Wala sa sariling bigkas ko.

"Ang sabi ko ang ganda nung bago nating kaklase." Nakangising sabi ni Karrie habang tina taas baba ang kilay. Halatang may crush to sa bagong kaklase. Napatingin naman ako sa unahan, nag papakilala yung sinasabi ni Karrie. Well, maganda nga siya pero mas maganda parin para sakin si audrey. Wag kayong ano loyal 'to kahit nasasaktan na ako.

"Ericka dito kana umupo." Tawag ni Karrie dun sa babae at tinuro ang bakanteng upuan sa likuran ko. Nakangiting tinungo naman nung ericka ang aming direksyon.  

"Karrina Sandoval nga pala but you can call me karrie." Pagpapakilala ni karrie sa sarili sabay lahad ng kamay para makipag shakehands dito.

"Ericka Smith." Nakangiting tugon nito at tinanggap ang pakikipag kamay ni karrie.

"Hi." Baling naman nito sa akin, ngumiti lang ako sa kanya. Nilagay ang headphones sa tainga ko at tumingin sa labas, sa may bintana kasi ako malapit  naka upo.

"Ericka sabay ka na sa amin mag lunch." Aya ni Karrie sa kanya. Masayang pumayag naman si ericka.

Habang kumakain kami nila karrie, ericka at kasama din namin din cindy. parang hindi ako mapakali parang may nagmamasid kasi sa akin. Nilibot ko ang tingin sa loob ng cafeteria, at sa hindi inaasahang nahuli kung nakatitig sa akin sa Audrey na agad nitong nilihis sa ibang direksyon ang tingin. Nasa usual table parin nila siya kumakain kasama  ang mga kaibigan niya.

"Gubat, ericka mauna na kami cindy may gagawin pa kasi kami." Paalam ni karrie, tango lang naisagot ko sa kanya.

"Sure." Sabi ericka. Sabay na umalis ang dalawa. Bigla naman akong naka ramdam ng awkwardness sa aming dalawa ni ericka hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o ano. Hays.

"Uhm ilang taon ka na pala?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa. Damn ang lame naman ng tanong ko.

"Hay hindi ka talaga nakikinig kanina habang nagpapakilala ako." Natatawa at naiiling na bigkas nito.

"Sorry, may inisip kasi ako kanina."

"It's okay. Magpapakilala nalang ulit ako." Masiglang sabi niya.

"I'm Ericka Smith and i am seventeen years old. My parents are Miguel and Lauren Smith and i have a brother named James. May pet din akong cat, he's name is chocho. Mahilig akong magbasa at sumulat ng mga tula. Ang paborito kung ulam ay ---"

"Wait! Teka hindi ko naman hini hiningi yung autobiography mo." Natatawang sabi ko.

"Hindi nga, gusto ko lang mag kwento." Sabi nito. Napailing nalang ako sa kanya. Ang kulit din pala nito.

Kwento lang ng kwento si ericka sa buhay niya. Madali kung napagaanan ng loob si ericka. Nakakatuwa kasi ito.

Natapos na ang klase at nag hihintay ako sa sundo ko sa labas ng school. Nahagip ng mata ko si audrey na mukhang tatawid sa kalsada. Nakita ko din ang sasakyan na papalapit sa kanya, parang hindi nakita ng nagmamaneho nito si audrey na tatawid.

"Aud!" Sigaw ko sa kanya.

"AUDREY!" Sigaw ko ulit pero tila hindi ako naririnig nito.

"..WATCH OUT!" Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na tumakbo ako papalapit kay audrey at itinulak ko ito. Malakas na busina ng sasakyan at paglingon ko ay tinamaan na ako nito.

Biglang nagdilim ang paningin ko at narinig ko pang tinatawag ang pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.




















____

Yow😎

All I Want Is YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon